War 21

16 1 0
                                    

Today is Tuesday. Masaya akong bumaba sa hagdanan habang bitbit ang bag ko, ready na para pumasok. Kinapa ko ang may bandage na ilong ko. Hindi na siya masakit basta hindi lang pisilin.

"Good morning! Good morning!" Bati ko sa dumadaan na helpers. I'm in a good mood right now since pinaghiganti na ako ni Kuya Henry kahit papaano. Medyo ekis na sa Kuya Henry sa mga taong ayaw ko sa mundo.

2 and a half hours ang byahe patungong school kaya bumangon ako nang mas maaga. Kung hindi traffic ay mas maaga akong makadating doon. I will take the bus and kailangan kong makarating doon at exact time para makasakay ako kaagad. Hayst. Bakit ba kasi ang layo nang bahay nila.

I should just convince my mom to move out and live alone. Sana naman ay papayag 'yon. I'm turning 18 din naman.

Ayaw ko nang makitira kasama ang mga demonyong stepbrothers ko!

Bago pa ako makadaan sa dining ay napahinto ako. Naririnig ko ang mga boses nila mula doon. Madadaanan mo ang main dining bago ako makakalusot. Bakit gising na sila?!

Kasama sa rules na dapat may kasama ako palagi kapag lumalabas kahit man lang sa school but that is too damn uncomfortable. Hindi ako makaka-kilos kung ano man ang gusto ko.

Napakagat ako sa labi ko iniisip kung ano ang gagawin. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng bag ko bago dahan-dahang naglakad.

Walang makakapansin sa 'kin.

Walang makakapansin sa 'kin.

"Zelene?"

Shit.

I forced a smile before looking at their direction. Kompleto silang lahat sa dining, kumakain. Aba! Hindi man lang nila ako ginising!

The hell I care?

Hindi pala kami bati.

"Where are you going?" Si Emerson ang nakapansin sa akin.

"S... School?" Parang naging tanong ang naging sagot ko. Hahakbang na sana ako paalis pero nagulat nalang ako ng may humila ng bag ko kaya napatianod ako.

"At this time? Ang aga pa, ah." Sabi sa akin ni Randolph habang hila-hila ako ni Ged kaya kaagad akong kumawala. Nakakarami na talaga ang lalaking 'to sa akin. I can't even remember when is the time he did something nice to me! Ugh!

"Sit." Utos niya kaya napa-ikot ako ng mata. Mukha ba akong aso?!Tumingin ako kay Kuya Henry na umiinom ng kaniyang kape habang nakatingin sa amin, nanghihingi ng tulong pero pinaupo din niya ako kaya nakanguso nalang akong umupo.

"Bakit ba?" Irita kong tanong sa kanila. Male-late ako!

"Join us for breakfast, Zelene." Ngumiti si Emerson sa akin pero hindi ko siya pinansin. Nagtatampo pa rin ako dahil hindi niya ako tinulungan kahapon! Tsk! Akala niya nakalimutan ko na 'yon?

"You're going to school this early?" Kuya Henry asked. I just nodded.

"There's still 2 hours before the class start. Bakit napaka-aga mo ata umalis?"

"Why not?"

"I'm asking nicely."

"Tsk! Napakalayo kasi bago ako makarating doon. Ayaw kong ma-late! Okay na?" Inikutan ko ng mata si Ged but the jerk did the same thing to me. Woah! Is he gay?

"There's no need for that. You'll come with the boys."

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Kuya Henry sa sinabi niya. Hell no!

"But-"

"No buts. Don't you ever use a bus going and coming from school. Got it?" Inis akong tumango. Why do I feel like a prison inside this hell?! It's really a bad idea na iniwan ako ni mama mag-isa kasama ang mga bwisit na 'to.

One and OnlyWhere stories live. Discover now