War 40

15 4 0
                                    

Zelene's POV

I step down the staircase quietly and slowly, nag-iisip ng palusot na sasabihin ko sa kanila. Paano kung sabihin ko nalang kaya na nagpasama si Tristan sa akin mag-mall? Is it even convincing enough?

Napahinto ako sa tapat ng dining room, nandito na silang lahat at ako nalang ang hinihintay. Sumulyap si kuya sa akin, kalmadong-kalmado habang parang natatae na ako kung anong ipapalusot sa kanila kung sakaling magtanong sila. Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso sa upuan.

Hanggang sa nagsimula na kaming kumain ay hindi man lang sila nagsalita o nagtanong na ikinataka ko.

Napatingin ako kay kuya henry, nakangisi habang sumisipsip sa kanyang kape na nakatingin sa akin.

I thought he wouldn't help me?

NAGLALAKAD na naman ako papuntang room ko. Wala na din akong balita tungkol kay Savanna at mga alipores niya. Hindi mo na sila nakikita na pakalat-kalat dito sa school. May bulong-bulongan nga na na bankrupt daw ang kompanya nila kaya nag drop out dahil wala nang pambayad sa school.

Hindi ko din naman alam kung totoo 'yon dahil alam ko naman ang mga tao ngayon, kung ano ano nalang ang pinagsasabi ng walang katotohanan. Gumagawa lang ng kung anong kwento.

Nang malapit na ako sa room, ang ingay na naman ng bunganga nila ang bumungad sa akin. I just walked straight to my sit, putting my earphones on. I took a deep sigh remembering my dream again this morning. Hindi ko alam kung anong meaning doon pero nakita ko si papa nang biglang may malaking ahas ang nagpakita sa likod niya.

It was staring right into my eyes.

Ang sabi nila, posibleng may nag traydor sa 'yo.

"Darling!" Napalingon ako sa pintuan kung saan nakatayo si Tristan. May ngisi sa kanyang mukhang sumenyas siya sa akin na lumapit sa kanya. Kahit nagtataka, tumayo ako.

"May naghahanap sa 'yo." Nakangiti niyang saad. Hinawakan niya ang aking pulsohan at hinatak sa kung saan.

Dinala niya ako sa field. Wala namang katao-tao kaya hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito. Mumurahin ko na sana siya ng biglang may nagtatakbuhan papunta sa direksyon namin. Nanlaki ang mata ko ng makita ang tatlong bobita na mukhang tanga na papalapit.

Ngunit wala sa kanila ang atensyon ko, nasa kasama nila na mukhang napilitan lang sa nangyayari.

"Zelene!" The three of them circled me around and were screaming their lungs out. I was just standing there dumbfounded on how they got here. Paano to nakalusot sa security ng school?

"I miss you, bebe ko!" Malakas na sigaw ni Gel kaya muntik ko na siyang hambalusin sa mukha kung hindi ko lang talaga siya kaibigan.

"We just met yesterday." Walang gana kong sagot but she doesn't care.

Sinakal niya pa ako ng pabiro at niyugyog ang ulo ko. I just kept my poker face, accepting my fate with this three. Nakita ko pa ang concerned face ni Tristan.

"1…" I started counting, causing them to immediately stop. Alam nilang kapag aabot 'yan ng tatlo, malalagot sila sa akin.

"What the hell are you three doing here, anyway?" Tanong ko at naglakad sa lilim ng puno sa tabi. Napakainit.

Free trial ata 'to sa impyerno.

"We transferred here!" Malakas na sigaw ni Kate.

"What?" Sinamaan ko sila ng tingin at saka hinila silang tatlo palayo kay Tristan.

"Gaga ba kayo? Paano kung ipa background check kayo ng mga kapatid ko? Nalaman na din ng panganay na naghahari ako sa district, sooner or later, malalaman din 'yon ng iba. Gagamitin pa 'yon na panakot sa akin na i-buking ako kay mama para masunod ang gusto nila!" Nanggigigil ngunit mahinang sambit ko sa kanila. Ngumuso naman silang tatlo.

One and OnlyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora