War 29

20 1 0
                                    

"Lay your hands even a single strand of her hair and you are dead." Natahimik ang lahat, inaabangan ang gagawin ni Ged na papalapit sa akin. Bakit nandito siya? Wala ba siyang klase?

Ay! May klase pa nga ako!

Bwisit kasi itong babaeng 'to. Kung hindi lang siya nagbida-bida ngayon ay nakikinig na sana ako sa prof namin! Marami na ata akong na-missed na lessons dahil palagi akong absent! Nakakainis!

"G-Ged." Nanginginig nitong sabi habang nakatingin sa demonyo. Bored lamang akong nakatayo. Nag-aabang din kung anong gagawin ng lalaking 'to sa mga nangyayari.

Dumiretso siya sa akin, offering me his handkerchief. Ayaw ko sanang tanggapin pero ang lagkit na nang mukha ko. Kadiri!

"G-Ged, she started-"

He snapped his head towards her angrily, "Shut the fuck up!" He shouted causing her to flinch.

Ito na, lumalabas na ang anger issues niya.

"Do you think the Walton will let this slide?" He dangerously said and looked at her and to the people who was involved into this stupid scheme. I saw how his eyes darkened when he caught someone filming the scene. Kaagad siyang lumapit sa isang lalaking namutla habang nakatingin kay Ged na papalapit sa kaniya.

He snatched the guys phone and smashed it aggressively on the floor. Halos manginig ang lalaki sa kaniyang kinatatayuan.

"What do you think you are doing?" He said. Kaagad namang umatras ang lalaki bago tumakbo palayo. I almost laugh. Coward.

"Ged, tama na 'yan. May klase pa ako." Pagkuha ko sa atensyon niya. Lumingon siya sa akin at lumapit, "You will let this fuckers pass after what they had done to you?!" Galit niyang saad sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"May sinabi ba ako?" I rolled my eyes at him and started walking away. Tinignan ko ang wrist watch ko, may 5 minutes pa ako bago mag start ang klase. Kailangan ko lang bilisan mag bihis para maka-abot ako. Okay lang naman ata ma-late kahit 10 minutes lang.

"Where the fuck are you going?!" I heard him shouted at my back.

"Where do you think I am going?" Sarkastikong sabi ko. Nagbigay naman ng daan itong mga chismosa when I exited the scene. Mamaya na ako babawi sa babaeng 'yon. I will ruin her face. Just wait.

"What are you still looking at?! Get the fuck out!" Huling dinig kong sigaw ni Ged sa mga estudyante. Napa-iling nalang ako sa lakas ng bunganga niya. Mas nagalit pa ata siya sa ginawa nila kesa sa akin. Tsk.

I marched towards the school gym's girl's bathroom dahil ito lang ang alam kong wala masyadong gumagamit unless there's a p.e class.

Pagpasok ko sa loob ng shower room ay kaagad kong binuksan ang gripo at naghubad, saka ko lang naramdaman ang hapdi ng tuhod ko. I winced before washing the wound with water only.

"Wait for me, bitch." I whispered to myself and gritted my teeth remembering her face.

Napa-angat kaagad ang tingin ko and widen my eyes. Right! Wala akong dinalang pamalit! Napasabunot ako sa buhok ko. I'm so stupid!

I turned off the shower and glanced at my dirty uniform. There's no way I'm going to wear that again. Ang langsa ng amoy ng basura. Kasalanan talaga ng babaeng 'yon lahat ng kamalasan na nangyayari sa akin ngayong araw. I took a deep breathe before turning off the shower. Sakto naman ay may narinig akong katok mula sa pintuan.

"Sino 'yan?!" I shouted as I tried to hide my annoyance in my voice.

"It's me, I brought some clothes for you to change." Dali-dali akong lumapit doon at binuksan ng maliit ang pintuan na ulo ko lang ang nakikita. Napatingin ako sa dala niyang bag.

Sure ba siyang bag lang ang laman niyan?

"Here," Nagpasalamat ako sa kaniya at kinuha ang bag. "I will be waiting here." He said before I fully close the door kaya tumango lang ako.

When I get back inside, I opened the bag. Napanganga ako sa dami nang laman, it was filled with womans stuff that would bring during a long vacation. May medicine kit, branded clothes na size ko pa lahat, toothbrush, toothpaste, pads, and et cetera! Ano ba 'to? Ano ang tingin niya sa akin at saan niya ba galing 'to?

Hindi na ako nag-reklamo at ginawa na ang dapat kong gawin. Ginamot ko na rin ang tuhod ko't tinakpan ang sugat ng dry gauze. Hindi ko nilagyan ng alcohol ang tuhod ko. Mas gusto ko pang mabaril kesa sa gumamit n'on. Mas masakit pa ata 'yon kesa mabaril.

After finalizing everything, I peeked out outside the bathroom if anyone is outside. When I didn't see anyone, I slowly stepped outside wearing a black above the knee skirt (na sakto lang para hindi masyadong mapansin ang tuhod ko) and a white mid-sleeve on top. Ito lang ang pinili ko since the other ones will make my knee noticeable. Ayaw ko nang maraming nagtatanong kung anong nangyari sa maliit na bagay.

Nagulat nalang ako nang biglang sumulpot si Ged sa harapan ko. Madilim ang kaniyang ekspresyon as usual habang nakatingin sa tuhod ko. He looked up to me.

"I will get you home and inform this to others." He said with finality in his voice but I just shook my head in disapproval. "Papasok ako." Final kong sabi at iniwan na siya doon. Narinig kong mabilis siyang sumunod sa akin at nagulat ako nang binuhat niya ako! Bridal style!

"Hoy! What the hell are you doing?!" Sigaw ko sa kaniya dahilan para um-echo ang boses ko sa loob ng gymnasium.

"Stay still or I will drop you." Natahimik ako sa sinabi niya. Masakit na nga ang tuhod ko, ayaw kong masaktan din pati ang pwet ko. 

Namayani ang katahimikan sa amin hanggang sa palapit na kami sa classroom ko. Nang makarating na kami sa tapat, nagsi-lingunan naman kaagad ang mga kaklase ko. Nandyan na rin si Sir Jerome na may ginagawa sa teachers desk. Mukhang may pinapa-copy lang naman siya sa kanila.

"Are you sure you won't come home?" Ged asked before putting me down. Tumango ako sa kaniya bago inayos ang kusot sa suot kong damit. I heard him sigh, "Just call me when you feel something." He snatched my phone and starts typing his number. Napalingon ako sa loob, umiwas naman kaagad sila ng tingin nang makitang nakatingin din ako sa kanila. Wala din namang pakialam si Sir Jerome habang may ginagawa sa kaniyang laptop.

"Here," Kinuha ko ang phone ko sa kaniya.

"I will go now." He said and I just nodded bago siya naglakad paalis. Malalim akong huminga bago pumasok na sa loob.

"Good morning, Sir, I apologize for being late." Umangat ang kaniyang tingin sa akin, "Alright, you may take your seat." Sabi niya kaya nagpasalamat ako dito. Thank God at time niya ngayon at hindi na ako pinagalitan. Umiika pa akong lumakad papunta sa upuan ko kaya napapatingin sa akin ang iba, naguguluhan.

"Are you alright, Miss Walton?" Napalingon ako kay Sir before replying, "Yes sir." I said before taking my seat pero bago 'yon ay napatingin ako kay Drake na naka-kunot ang noo na nakatingin sa akin kaya ibinaba ko nang kaunti ang suot kong saya.

"Pst!" Mahina kong sitsit kay Tristan sa harapan ko na nakakapagtakang hindi ako pinapansin ngayon. Busy siya sa pagsusulat.

Lumingon siya sa akin, "Ano ang gagawin?" Tanong ko sa kaniya kahit obvious naman na copy-hin ang inilagay ni Sir sa harapan.

"You need to copy it in your notebook." Matipid niyang saad at bumalik na sa kaniyang ginagawa. I squinted my eyes at him. Anong nangyari sa lalaking 'to? I just shrugged the thought and started copying.

But the thoughts of Tristan suddenly giving me the cold shoulder won't leave me alone. Anong nangyari doon? He is weird today... 

.

.

.

.

Starting tomorrow, the update will be slower since the classes has started again and I need to focus my mind again on my studies. I aim being one of the top students again this s.y so I need to focus more. Goodluck to us:>

One and OnlyWhere stories live. Discover now