War 33

17 0 0
                                    

Zelene's POV

“Do we really need to include her going to the basement? Masyadong masangsang ang amoy doon. She cannot handle it.” I heard Emerson’s concerned voice.

“Stop treating her like a princess, she needs to know our reality slowly.”

“I agree, it is more dangerous if she is clueless about this whole thing.”

I raised my brows as I was trying to understand what they were talking about. Dumating ang lunch time at papunta na sana ako ng cafeteria just like the usual, ay narinig ko ang mga boses nila sa loob ng music room kaya dahil dakila akong chismosa ay sumilip ako and I confirmed that it was them, Emerson who was sitting in front of the piano, Ged leaning against the piano and Dwayne sitting on a chair near them. Hindi ko nakita si Randolph. That is new.

“Don’t you think that eavesdropping is bad?” Kaagad akong napalingon sa likod ko. I nervously laugh, “I did not.” I said, kahit naman na nahuli niya na ako.

“Tss. Let’s get out of here,” Sabi ni Drake. Napataas naman ang kilay ko, “At bakit naman kita susundin? May atraso ka sa ‘kin, boy!” I said using my quiet voice as possible at baka marinig pa kami dito mula sa loob.

“Do you want them to know what you are doing just now?” He threatened kaya nag-panic naman ako at kaagad hinawakan ang kanyang pulsuhan at hinila siya palayo doon.

Hindi pa naman din mapigilan ang bunganga ng isang ‘to.

Nang ma sigurado kong nakalayo na kami ay binitawan ko na siya kaagad. I looked at him as I was trying to catch my breath and I don’t why I am running away with him. Nakita kong nakatingin siya sa kawalan at namumula ang kanyang tenga.

“Okay ka lang?” Tanong ko at ilalapat ko na sana ang palad ko sa kanyang noo pero kaagad niya akong pinigilan.

“Stop that.” He said, looking me straight in the eye. Napalunok naman ako bago umiwas ng tingin. I feel like he has another meaning behind that word.

Pinagsasabi mo, teh?

“Ewan ko sa ‘yo.” Irap kong sabi at naglakad na paalis. Narinig ko naman siyang sumunod sa akin.

“Where are you going?” He asked.

“Kung saan wala ka.” Pabalang ko namang sagot. I expected him to be annoyed with me just like how his reaction every time we argued but he smirked at me instead.

“Too bad, I will be following you. Paano ‘yan?” He smirked playfully but it is enough to make me stare at him for so long na hindi ko namalayan hanggang sa pinitik niya ang aking noo.

“You are drooling.” He said. “Yan din ang sinabi niya sa akin noong hinatid niya ako sa hotel. Ang kapal!

“Mas makapal pa ang mukha mo kesa sa salamin ni Mrs. Castro.” I joked. Sorry, ma’am. Makapal kasi talaga ang salamin niya kaya lumiit na ang mata niya kapag suot ‘yon. Ayaw ko nalang mag tanong kung ano ang grado niya.

Grade 5.

Naaninag ko na ang cafeteria pero nagtaka ako nang biglaan siyang huminto kaya napahinto din ako. Naguguluhan akong tumingin sa kanya, “Oh, anyari sa ‘yo?”

“I forgot, I have something to do.” He said before walking away. Sumingkit ang mata ko habang nakatingin sa papalayo niyang bulto.

“Buang..”

Pagpasok ko sa cafeteria ay pinagtitinginan na naman ako ng iba. This time, mas dumami nga lang dahil sa mga demonyo noong isang araw. Kung hindi lang sana sila nagpa-bida edi sana wala ang atensyon nila sa akin.

PAGKATAPOS ng lunch break ay bumalik na din ako sa classroom. Hindi ko muna kinausap si Tristan simula nang dumating ako kanina. Baka may problema siya at gusto niya munang mapag-isa kaya dumistansya muna siya sa lahat.

Pero iba ang nadatnan ko pagkapasok, bumalik na siya sa kanyang sarili at masayang kinukulit ang iba pero nang makita niya ako sa pintuan ay natahimik siya.

Pinagmasdan ko siyang umupo sa desk ni Archer at tumahimik. I don't know how to react. Baka naman ako ang problema niya?

"Tss." Napaismid ako at umupo na sa upuan. Kung hindi niya ako papansinin, edi huwag! Manigas siya d'yan! Kung ano man ang problema niya sa akin, bahala na siya d'yan! Ayaw kong mamilit.

Nagkatinginan kami ni Drake kaya inirapan ko siya. Wala ako sa mood today! Akala ko pa naman na maganda ang araw ko ngayon dahil mame-meet ko ang mga animal mamaya. On the second thought, I shouldn't let him ruin my mood dahil hindi ‘yon nakakaganda!

NASA prof ang mata ko pero ang utak ko ay hindi ko alam kung nasaan habang nagdi-discuss siya. Bukas nga pala ang racing. I am still deciding if I should join them or not. My mom prohibited me doing that again dahil delikado daw ‘yon. Eh, anong silbi ng tinuro sa akin ni papa sa pag re-racing kung hindi ko naman gagamitin, hindi ba?

"Miss Walton!" Napakurap ako nang biglaang sumigaw si Prof sa harapan.

"I have been calling you for three times! Solve this problem on the board!" Galit niyang sigaw sa akin. Narinig ko naman ang tawanan ng iba kaya napa-ikot ang mata ko.

"Fine." I said, annoyed. I lazily stands up from my seat and walked towards the board. Nag start na akong mag solve at mabuti nalang alam ko ang pinapa-solve niya.

"Okay, good." Tahimik lang akong umismid dahil hate ko talaga ang subject niya. Math ba naman? Anong connect ng X and Y's sa buhay ko? Mapapakain ba ako niyan?

Nang pabalik ako sa upuan ko ay nagkatinginan kami ni Tristan pero siya ang unang umiwas ng tingin.

"Tss."

After the class, I was the one who get out first again. Mabuti nalang at hindi kami busy ngayong araw kaya maaga kaming pinauwi. Napabuntong hininga ako at dumiretso sa parking lot but someone suddenly tapped my shoulder kaya mabilis akong napa-atras.

"Chill. It's me." Sabi ni Tristan. Swerte siya at medyo kumalma na ang reflexes ko kung hindi ay nasuntok ko na siya sa panga.

"What do you want?" I asked crossing my arms as I looked away from him. Hindi kami bati.

"I am sorry for not talking to you," He seriously said. No playfulness in his eyes.

"And why is that?"

"Something happened yesterday that's why I kinda ignored everyone. Hindi ko lang talaga kung ano ang iisipin." He looked at me with those pleading eyes na aware akong I can't resist. Tumingin siya sa akin at hinintay ang sasabihin ko.

"Still, hindi pa rin tayo bati."

What the heck? I am acting like a child right now na hindi napagbigyan ang gusto.

"What should I do to make it up to you?" Tanong niya.

I held my chin and looked at above like I am thinking something before looking at him, "Ah! Samahan mo ako bukas!"

"Where?"

"Somewhere fun." I smirked.

.

.

.
Yeyy! Nakapag-update ako today<3

Don't forget to vote and leave a comment about this chapter:)

One and OnlyWhere stories live. Discover now