War 23

14 1 0
                                    

Third Person's POV

"You okay, bro?" Just a blink, napabalik sa ulirat si Drake when Shawn suddenly nudges his arm. They are standing near the door of their classroom while waiting for their next teacher.

"What? Of course." Depensa kaagad nito at umiwas ng tingin kay Zelene na tumatawa ng malakas pero napabalik din ang tingin sa dalaga. He can't believe that he suddenly like this girl. Isang babae na sumipa sa kaniya noong first day pa niya dito. Ang dalagang ito ay makikita niya palagi na nakasimangot o kung hindi naman ay walang emosyon ay tumatawa ngayon. She's laughing beautifuly and he finds it amusing.

"Baka matunaw 'yan." Pang-aasar ulit ni Shawn sa kaniya. Tumawa si Azriel at Shawn ng malakas habang ngumiti lamang si David.

"What? I don't like her!" He defensively said dahilan para tumawa sila lalo. Nagsalubong ang kaniyang dalawang makapal na kilay, naiinis na sa inaasta nila.

"Wala akong sinasabi~" Pang-aasar pa nito bago ito sumipol. Sinamaan niya ito ng tingin kaso napatingin na naman ulit siya sa direksyon ng dalaga. Muntik na siyang matawa ng sinusungitan na naman nito si Tristan.

He didn't realize that he was already smiling looking at her. He sigh. What did this woman did to him? He knew that he hated her but what is this unexplainable feeling?

"The skirt fit on her perfectly. How did you know her size?" Napatingin siya kay David. He smirked.

Days ago...

Knock, Knock.

"Come in." He put down the glass of wine when his assistant came in. Lumapit ito sa kaniya bago may inabot ang isang white folder.

"Iyan na po ang inutos niyo sa akin. It's complete even with the tiny details about her gaya ng sabi niyo." Sabi nito at yumuko. He straighten his back before opening it.

Name: Zelene Vargas - Walton
Age: 1X
Birthdate: December 1, 20XX
Time of Birth: 3:43AM
Blood type: AB+
Place of Birth: Xxxx, Xxxx, Xxxx City, Philippines
Hair Color: Black
Eye Color: Hazel/ Brown
Height: 5'6
Weight: 51
Waistline: 24
Mother: Elizabeth Vargas (was now married to Henry Walton Sr.)
Biological father: Gabriel Fernandez (dead)
Studied at:
XXX Elementary School
XXX National High School
Transferred to Walton Academy

And so on. Even her telephone number is included.

He looked at him before saying, "Good job."

Present...

"I can't believe you actually did that just for her!" He just smirked at them. There's something about her he can't resist. It's crazy, but he can't help it.

His friends can't believe what they were hearing from him. As he continued to ramble on, they just watch him with mixture of amusement and concern. Ito ba talaga ang lalaki na ayaw sa mga babae?

"How about the plan?" Natahimik siya sa sinabi ni Ace na papalapit sa kanilang kinatatayuan. Sinulyapan niya ang lalaki bago tumingin muli sa dalaga.

Right, the plan.

He clenched his fist.

Zelene's POV

"You can leave now." After the class, I immediately packed my things. Parang humiwalay ang kaluluwa sa katawan ko dahil sa katamlayan. I just wanted to lie on my bed already!

"Faster!" Walang gana kong sinulyapan si Drake na naghihintay sa akin sa may pintuan para isara na ang classroom. Mabilis kong isinukbit sa balikat ang bag ko at naglakad na palabas at baka pagtrip-an na naman ako ng mga lalaking 'to. Wala akong ganang mag linis!

"Ang bagal." Sabi ni Kamahalan. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na sa paglakad paalis. I have decided, iiwasan ko na siya dahil hindi na normal itong nararamdaman ko.

"You okay?" Napa-sulyap ako kay Archer na nakangiti sa akin. He was with the others, paalis na din. Tumango lang ako at nagpatuloy lang sa paglalakad. Isa lang ang direksyon na tinatahak namin kaya naririnig ko ang nakakainis nilang tawanan. Bakit ba sila tumatawa?!

"Nakasimangot ka na naman, babycakes ko!" Inakbayan ako bigla ni Tristan. Hindi ko siya sinagot pero patuloy pa din siya sa pagdadaldal hanggang sa makarating kami sa harap ng school. Napapatingin tuloy sa amin-ay hindi, sa kanila lang pala ang ibang estudyante. Mga gago lang sila pero patay na patay pa rin ang mga babae dito.

Lalo na 'yong tatay ko...

Kaagad akong napatampal sa noo ko. What the hell am I thinking?

Nakuha ng atensyon ko ang apat na demonyo na papalapit sa direksyon ko. Kung sila mga gago, 'yong mga kapatid ko naman, demonyo.

Ako naman, anghel.

Naramdaman kong humigpit ang pagkaka-akbay sa akin ni Tristan kaya napatingin ako sa kaniya. He was looking at the demons and so as the others. Napatigil silang lahat.

"Are they going to fight again?"

"Ayan na naman sila."

Nakarinig ako ng mga sari-saring bulungan galing sa ibang estudyante.

"Aalis na ako." Sabi ko kay Tristan at inalis na ang kaniyang pagkaka-akbay sa akin. Naglakad ako palapit sa mga demonyo kong kapatid para maka-alis na kami.

"Let's go, guys." Aya na ni Emerson bago kinuha ang dala kong bag. Hinayaan ko na lamang siya.

"Look who's here." Napatigil ako at napatingin kay Drake na unti-unting naglakad sa harapan. His both hands were inside his pocket. A smirk is plastered on his face again.

"The brothers picking up their little sister?" Sarkastikong saad niya. Napakunot ang noo ko sa inaasta niya.

"Mas matanda siya sa 'kin." Kaagad akong napalingon kay Dwayne. Bwisit, ang sakit sa tenga ang word na 'matanda'.

"Fuck off." Sinamaan siya ng tingin ni Ged pero tumawa lamang si Kamahalan.

"Enough. Let's go." Hinila na ako ni Randolph palayo sa kanila kaya sumunod na si Emerson. Lumingon ako, nag-uusap pa din si Ged at Drake. Hindi ko naman marinig dahil ang bilis naming nakalayo.

"Baka naman bagalan mo ang pagkaladkad sa akin." I sarcastically said and rolled my eyes. Parang natauhan naman siya at binitawan na ako.

"Sorry." Sabi niya bago binuksan ang kotse niya kaya kaagad naman akong pumasok. Ugh. Kahit ang paglalakad lang ng ilang minuto ay napapagod na ako.

Pagpasok niya sa kotse ay sakto naman na paparating na si Ged at Dwayne. Nakabusangot ang kaniyang mukha habang nagsasalita si Dwayne. Hindi na ako nagulat, ganiyan naman talaga ang pagmumukha niya simula noong nagkakilala kami, nakasimangot. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

"I didn't know you knew each other." Pagsasalita ko nang magsimula na kaming umalis.

"Who wouldn't? This is a small world plus they're popular here." Baliwalang sabi niya. I raised my brows at him feeling a bit of suspicion. I don't think na 'yan lang ang koneksyon nila sa isa't-isa. Lalo na si Ged na parang may pinaghuhugutan ang kaniyang mga galit sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga landas ng mga kaklase ko especially Drake.

They hated each other and I'm going to find out the reason behind it.

One and OnlyWhere stories live. Discover now