DAY 6 , WEEK 1

27 2 2
                                    

LUMIPAS ang ilang araw na tila’y lumalala ang pakiramdam ko. pero kahit gano’n, sinikap ko pa rin na pumasok sa paaralan para makapag-aral. At higit sa lahhat, para makasama at mas makilala si Eloise.

“Finally, exam days are over!” masayang bulalas ni Eloise pagkalabas namin ng classroom.

“Thank you, G! Hindi na ‘ko maghihirap.” Her smile reached her eyes, which in return, made me smile without realizing it. When she realized that I was looking at her, her cheeks flushed.

“E-eh, ikaw Finn,” she stammered, “hindi ka ba nahirapan sa exams natin?” tanong niya sabay iwas ng tingin sa akin.

“Hindi naman,” I said, immediately covering my lips to hide the smile that formed on my lips. Whatever she does, it’s unsurprisingly cute in my eyes.

“Sabagay, ang talino mo rin kasi.”

Nagbuntong hininga siya at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na rin ako nagsalita at nagpatuloy na rin sa paglalakad, enjoying this little moment since I don’t know how much longer I would be able to do this with her.

NAKARATING na kami sa canteen. Nang nakitang wala nang pwedeng maupuan ay pareho kaming nadismaya.

“Ano ba ‘yan, wala nang mauupuan,” malungkot na sabi ni Eloise. Napatingin naman ako ulit sa paligid namin, umaasang may makita ako bigla na bakanteng lamesa’t upuan. Pero ayon nga, wala na talagang bakante.

“Eloise,” tawag ko sa kaniya nang bigla akong may naalala. “Pwede tayong kumain sa karinderya na malapit lang dito sa paaralan natin.” Napakamot ako sa ulo ko’t nag-iwas ng tingin sa kaniya, “Kung gusto mo, doon tayo kumain. Pero kung hindi, okay lang,” mahina kong sabi at unti-unting tumingin sa kaniya. “Bago ba tayo nagkakilala, palagi ka bang kumakain do’n?” mausisa niyang tanong. Dahan-dahan naman akong tumango, “Oo. Hindi kasi masyadong marami yung tao ro’n. Masarap din yung mga binebenta nilang pagkain, at hindi masyadong mahal.”
She enthusiastically clapped her hands. “Sige! Doon tayo kumain ng lunch.” My face lit up with what she said. “Please lead the way,” she said while pointing at a random direction. Tumango naman ako at nagsimulang maglakad habang nasa tabi ko si Eloise at nakasunod sa akin.
“THE best ka talaga, Finn!” she exclaimed while her mouth is still filled with food. “Ubusin mo muna yung kinakain mo bago ka magsalita, Eloise,” natatawa kong sabi. She sharply looked at me, but still followed what I said. “Tama ka nga, ang sarap ng luto nila rito!” usal niya at muling kumain. Napatingin naman ako sa binili niyang pagkain; adobong manok na may dala nang rice. Hindi nga siya nagbibiro at kita kong nasasarapan nga siya sa pagkain nila rito dahil nag-order ulit siya ng isang cup ng rice.
Ramdam ko naman ang paglambot ng puso ko dahil do’n. “Walking a couple of minutes to come here is worth it, ‘no?” pabiro kong usal dahil naalala ko ang ilang ulit niyang pagrereklamo na masakit na ang paa niya sa paglalakad. She rolled her eyes. “Oo na po, worth it talaga kasi ang sarap talaga. Nakalimutan ko na yung pananakit ng paa ko dahil dito.”
Hindi naman masyadong malayo yung karinderya sa paaralan namin, halos limang minuto nga lang ang lalakarin o mas mababa pa riyan depende sa bilis ng paglalakad. Sadyang hindi lang talaga siya sanay. “Ikaw naman,” biglang sabi niya. “Ang konti ng kain mo. Bakit parang hindi mo naman yata ginagalaw ‘yang pagkain mo?”  tanong niya sabay turo sa ampalayang may halo na itlog na in-order niya para sa akin. I sheepishly smiled. “I’m already full.” She looked at me sharply, which left me no choice but to finish eating the food.
NANG tapos na kaming kumain ay nagbayad na kami kay Aling Nena, ang nagmamay-ari at nagbabantay ng karinderya, at pinasobra pa ni Eloise ang bayad niya. “Nako, sigurado ka ba dito, hija?” tanong ni Aling Nena kay Eloise. Matamis namang ngumiti si Eloise. “Opo, sigurado po ako. Sobrang nasarapan po kasi ako sa luto niyo.” Kita sa mukha ni Aling Nena ang tuwa nang narinig niya ang sinabi ni Eloise. “Sige, hija. Maraming salamat,” nagagalak na usal ni Aling Nena.
Umalis na kami ni Eloise sa karinderya at nagsimula nang maglakad pabalik sa paaralan. I took a glance at Eloise. Thinking back on what she did, it made me admire her more. Ang laki ng puso niya’t halos nasa kaniya na ang lahat. I shook my head and slightly smiled. I can’t believe I was annoyed with her the first time I saw her. 
“Okay ka lang ba, Finn?” Napabalik naman ako sa reyalidad nang narinig kong nagsalita si Eloise. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang narinig sa kaniya ‘to.  “Oo naman.” I smiled, trying to show her that there’s nothing that she needs to worry about.
“Sure ka, ha?” Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako ng masinsinan. Kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala para sa ‘kin. “Oo nga—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigang sumakit yung ulo ko. Napahawak naman ako sa ulo ko’t napapikit dahil sa sobrang sakit. “Finn?” nag-aalalang tawag ni Eloise sa akin. I opened my eyes and tried to look at her. It’s evident that she’s worried, and I wanted to assure her that I’m okay, but the pain is unbearable. “E-Eloise,” nahihirapan kong saad. “Finn?! Anong bang nangyayari?” Hinawakan niya ang balikat ko at parang iiyak na siya sa pag-aalala para sa akin. Halos mabingi na ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Nandilim na ang paningin ko, and the next thing I knew, everything went black.
UNTI-UNTI kong minuklat ang aking mata. Ang bumungad sa akin ay ang puting kisame. I slowly looked at my surroundings and noticed Eloise at my side. Nang Nakita niya akong gising ay halos namilog ang mata niya. “Finn, gising ka na!” masaya niyang bulalas at napatayo. “Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ‘yo? Sandali lang, tatawagin ko ang doktor,” natataranta niyang sabi at akmang aalis na nang pinigilan ko siya. “Nasa ospital ba ko?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot. “Oo. Nang nahimatay ka kanina ay buti na lang at nakapara kaagad ako ng taxi at nadala kita kaagaad rito.” Napatingin ako sa mata niya’t napansin na namumula ito.
Umiyak siya… dahil sa akin.
“I’m... sorry for making you worry,” I sincerely uttered. “Hindi ko inasahan na biglang sasakit ng gano’n yung ulo ko kanina.” Napailing siya’t hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. “You don’t have to be sorry for making me worry. Hindi mo rin naman inasahan na sasakit pala yung ulo mo, at gano’n pa kalala. At isa pa, it’s only natural for me to worry since I care about you,” sabi niya at saka ngumiti ng tipid. “Sige na, tatawagin ko muna yung doktor,” usal niya sabay bitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. “Babalik din ako kaagad.” Tumango naman ako at tinanaw siyang lumabas ng silid.
AFTER the doctor checked on me, he advised that I should stay and be admitted at the hospital, para patuloy nilang ma-monitor ang kalagayan ko. Noong una, ayaw ko pa. Pero dahil gusto ni Eloise na manatili ako dito ay wala akong magawa kundi manatili dito. Ayaw ko na siya muling mag-alala at umiyak ng gano’n nang dahil sa akin.

Sa ilang araw na pananatili ko rito ay doon na rin nagsimulang mas lumala ang aking sakit. Akala ko noong una ay wala nang mas may ilalala sa nararamdaman ko na sakit no’ng wala pa ako sa ospital, pero mayroon pa pala. Minsan, sumasakit ang ulo ko. Minsan sobrang lala ng sakit nito, at minsan naman ay hindi ganoon kalala ang sakit. May mga panahong dumudugo na lang bigla yung ilong ko, o ‘di kaya’y ang biglang pananakit ng katawan ko.
Mayroong isang beses na dumugo yung ilong ko sa harap ni Eloise. Namutla siya nang nakita iyon at tarantang lumabas para tumawag ng nurse o doktor na maaaring makatulong sa akin no’n.
Ilang araw na rin ako hindi nakapasok sa paaralan dahil dito. I was worried that I might miss too much of our lessons at school, but Eloise volunteered to make some notes for me, and sometimes she teaches me some of the lessons too.
“Yung teacher natin sa Stats kanina, nagpa-quiz na naman ulit na hindi tinuro sa amin yung mga lessons at equations na nasa quiz. Kaya ayon, halos itlog score naming lahat!” dismayadong sabi ni Eloise sabay lapag ng bag niya sa upuan pagkapasok niya ng silid. Halata sa mukha niya ang inis para sa guro namin sa Stats. “Sa ilang araw kong pananatili rito, hindi pa rin talaga siya nagbago.” Umiling siya at saka umupo na rin. “Ang dami nang nagreklamo sa kaniya pero wala pa rin talaga.” Bumuntong hininga siya at saka binuksan ang bag niya. Nang nakita niya na ang hinahanap niya ay nilabas niya na ito. Ang kinuha niya pala ay yung notebook na nilalagyan niya ng notes. “Ito pala yung mga notes for this week’s lessons sa iba’t ibang subject natin,” sabi niya’t saka ngumiti. “Thank you, Eloise,” malumanay kong sabi sabay kuha ng notebook sa kaniya.
Sa ilang araw na pagsasama namin, napansin ko na hindi talaga gumagawa ng notes si Eloise sa klase, kaya sobrang pinapahalagahan ko ‘tong ginagawa niya para sa akin.
“No problem. Ikaw pa ba?” pabiro niyang sabi na nakapagpatawa sa akin ng husto.
I have never been fond of hospitals. Kapag nasa ospital ako, ramdam ko na may sakit ako at hindi na maganda ang kondisyon. At least, now it’s bearable enough to stay here because of Eloise. Walang araw na hindi siya pumupunta rito. Bago siya pumasok sa paaralan ay pupunta muna siya rito, at kapag uwian naman ay didiretso siya kaagad rito. Dinadalhan niya rin ako minsan ng pagkain katulad ng iba’t ibang prutas. 
“Uwi na ako,” malungkot na sabi ni Eloise. Kahit ako ay nalulungkot na rin na aalis na siya, pero hindi ko rin naman gustong manatili siya rito. Gusto ko rin namang makapagpahinga siya ng mabuti.
“Sige, ingat ka. Magpahinga ka kaagad pagkauwi,” sabi ko sabay ngiti sa kaniya. Ngumiti rin siya sa akin.
At sa isang iglap, mag-isa ulit ako sa silid na ito.
Tanging makina lang ang maririnig. Kulang na lang ay pati ang paghinga ko ay maririnig ko.
Kung hindi si Eloise ang bumibisita sa akin, ang mga nurse o doktor naman. Palagi nila akong mino-monitor, pero parang wala pa ring improvement. Pakiramdam ko, sa bawat araw na lumilipas, mas nababawasan ang pag-asa kong gumaling sa sakit na ito.
“Mr. Gaizer, will you really not tell them how your condition is not getting any better?” Doctor Miranda asked, which made me look at him sharply.
I shook my head, which made the doctor sigh in dismay. “Okay, pero kung magtatanong na sila sa akin, then I am very sorry. I won’t have a choice but tell them about your real condition,” sabi ni Doctor Miranda. Napapikit naman ako at tumango, at pagkatapos no’n ay lumabas na siya kasama ang nurse.
Hindi ko mapipigilan ang doctor kung sakaling magtanong nga ang mga magulang ko sa kaniya. Naiiintindihan ko naman na parte ‘yon ng trabaho niya.
Pero sa hindi malamang rason, ayokong malaman ng mga magulang ko ang patuloy na paglala ng kondisyon at sakit ko. Oo nga, at alam na ng ama ko tungkol dito, pero tingin niya ay nagiging mabuti na ang kondisyon ko nang tumira na ako sa kaniya. Pero ang totoo, mas tumitindi lang ang sakit na nararamdaman ko araw araw.
Iniisip ko pa lang na malaman nila ang tunay ko na kondisyon ay sumasakit na ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon.
Kung iisipiin, siguro nga ay alam ko ang rason kung bakit ayaw kong sabihin sa kanila ang totoo, pero ayaw lang tanggapin ng kaloob-looban ko ang rason kung bakit ayaw kong sabihin sa kanila, o baka… takot lang ako.
Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang notebook na nakapatong sa mesa. Binuklat ko ito at nakita ang mga ginawa niyang notes sa ibang subject. Napatawa na lang ako sa ibang notes na ginawa niya kasi ang iba’y halata na minadali niya itong gawin.
And when I turned into the next page, what I saw warmed my heart.
“I’ll never get tired of making notes for you, if that’s what makes you happy,” basa ko sa nakasulat. 
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. I smiled and softly caressed the words that were written in the paper.
“Oh, Eloise. Just seeing you every single day is enough to make me happy.”

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Where stories live. Discover now