DAY 6 , WEEK 3

24 2 6
                                    


THIS STORY UPDATE IS DEDICATED TO
riedel_angelica
I HOPE YOU ENJOY READING!

------

"I... like you, Finn,"
sabi ni Reverie at saka yumuko.

What? She... likes me?

"I've been liking you since... as long as I can remember. I can't tell you exactly when I started to feel this way towards you. Basta ang alam ko lang ay nagising ako isang araw na ganito na yung nararamdaman ko para sa 'yo," mahabang lintaya ni Reverie.

I looked at her, at walang bakas na pagbibiro sa kaniyang mukha. Seryoso ito at puno ng sinseridad. Umawang ang bibig ko at nanatili ang tingin ko sa kaniya. Tila'y pinoproseso pa ng utak ko yung sinabi niya sa akin.

"Alam mo ba? Noong bigla akong umalis ng hindi mo alam, the only thought in my mind was, "hindi ko na kaya, aalis na ako rito," at ginawa ko nga," mahina niyang sabi habang nilalaro niya ang kamay niya.

"The day I left, was also the day I found out that something happened between my boyfriend, who is now my ex, and my sister. Pati boyfriend ko noon, kinuha niya rin mula sa akin. Lahat na lang gusto niyang kunin. At sa tingin ko, kukunin niya ang lahat sa akin. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha lahat," mahabang lintaya niya at saka tumingin sa akin.

Hindi ko alam, pero parang merong ibig sabihin sa kaniyang mga mata na hindi ko mawari kung ano. Bumuntong hininga ako at saka tumingin din sa kaniya pabalik.

"I understand," mahina kong sabi sa kaniya at saka hinawakan ang kaniyang kamay. Napatingin siya doon at saka nilagay rin ang isa niyang kamay sa ibabaw mg kamay ko.

"Thank you," mahina niyang sabi at saka tipid na ngumiti.

I know Reverie. Alam kong hindi siya magsisinungaling sa ganitong bagay, lalo na sa pamilya niya. Kaya, papaniwalaan ko siya.
Naniniwala ako sa kaniya.
I just... never expected Eloise to be that kind of person. All this time, I thought she was a girl who has a big heart. But, I was wrong.
Tumayo ako habang nakahawak pa rin ako sa kamay niya, kung kaya ay halos napatayo na rin siya.

"Balik na tayo? Sa tahanan natin," usal ko sa kaniya at saka ngumiti.

Dahan-dahan siyang tumango at saka tuluyan nang tumayo. At pagkatapos noon, tahimik naming tinahak ang daan pabalik sa aming tahanan, habang magkahawak pa rin ang aming kamay.
Nang nakabalik na kami ay laking gulat ko ng makita si Eloise sa harap ng bahay ni Reverie.

Napatingin siya sa kinamumulan namin. Kita ko sa kaniyang mga mata ang pagtingin sa amin mula ulo hanggang paa, hanggang sa napatingin si Eloise sa magkahawak naming kamay.  Ilang segundo nagtagal ang tingin niya doon hanggang sa muli siyang tumingin sa amin.

"Finn," pagtawag niya sa akin. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag-iba ng mukha ni Reverie.

"Anong ginagawa mo rito? Gabi na," sabi ko sa kaniya. Kita ko sa kaniyang mukha ang lungkot.

"Hinintay kita... kasi gusto kitang makausap." Tipid siyang ngumiti at saka unti unting pumunta sa kintatayuan namin.

"We can talk tomorrow, Eloise," I said which made her lose her smile.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Where stories live. Discover now