DAY 4 , WEEK 4

3 0 0
                                    


"Payag na ako. Let's live together, Reverie," seryoso kong sabi sa kaniya at saka ngumiti. Nanlaki naman ang mata niya nang narinig niya ang sinabi ko.

"Seryoso, Finn?" hindi makapaniwalang tanong ni Reverie sa akin. Tumango naman ako.

"Talaga?!" muli niyang tanong at saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. Kulang na lang ay yugyugin niya ito.

"Oo nga," natatawa kong sabi.

She smiled widely after hearing what I said. She clapped her hands like a child, happiness clearly evident in her face for what I have just said.

"Thank you, thank you!" masaya niyang usal at saka niyakap ako ng mahigpit. I hugged her back, sharing with her my happiness with this decision.

Sa dalawang araw na lumipas, pinag-isipan ko kung tutuloy ba ako sa bahay ni Reverie o hindi. Aside from the reason that it's embarrassing to live with a woman, I'm also a man. We are both single and are not married, and it would not look good on both of us.

But then, I realized, for the past two days, I'm always here even though I already have a place to rest. Palagi kaming magkasama at komportable na kami sa isa't isa. Kaya, I guess it's okay to live with her.

I just have to set my boundaries.

"Kailan ka eempake ng mga gamit mo?" tanong agad ni Reverie pagkabitaw niya ng yakap mula sa akin. "Bukas ng umaga, if that's okay with you," sabi ko sa kaniya at nahihiyang ngumiti.

"Okay na okay lang sa akin! Kung gusto mo, ngayon na nga eh," she said with enthusiasm, which made me laugh. "Bukas lang. Kakausapin ko pa si Auntie Ysa tungkol dito eh," I informed her which made her nod, indicating that she understood what I said.

"Okay!" Tumingin siya sa akin at muling ngumiti. "I can't wait to live here with you," masaya niyang usal. Sa matagal kong kasama siya, ngayon ko lang siya nakita na ganito kasaya.

Because of this, I can feel that I made thw right decision.

"Me too, Reverie. Me too," mahina kong usal at saka tumingin sa mga mata niya.

Natanaw ko si Auntie Ysa na nagsasara na ng tindahan niya. "Magandang gabi, Auntie Ysa," bati ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin, ngumiti at bumati rin pabalik.

"Auntie Ysa, kung hindi po kayo busy mamaya, pwede ko po ba kayo makausap?" malumanay kong tanong sa kaniya.

Huminto siya sa ginagawa niya at saka nagsalita, "Oo naman. Tungkol saan ba? Pwede naman ngayon na dahil patapos naman ako sa pagsasara ng tindahan, hijo."

"Ah, sige po." Tumingin lamang siya sa akin, hinihintay ang susunod kong sasabihin.

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita, "Maraming salamat po sa pagpapa-rent nyo sa akin dito. Ano, lilipat na po ako ng titirahan," mahina kong usal. Ngumiti ako sa kaniya, and then I bowed my head to show my respect and gratitude for her.

When I raised my head ay kitang kita ko ang kaniyang ngiti.

"Kailan ka lilipat, hijo?" Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya, "Bukas na po." Hindi niya man pinapahalata pero kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata.

"Kung hindi mo mamasamain, hijo, saan ka lilipat?" tanong ni Auntie Ysa sa akin.

Sasabihin ko ba sa kaniya?

Napatulala ako ng ilang segundo bago nagsalita, "Sa kaibigan ko po, Auntie Ysa." She slowly nodded after hearing what I said.

Pagkatapos noon ay nagbayad na ako para sa dalawang araw na pananatili ko sa kwartong pinaparentahan niya, at agad na nag-empake ng mga gamit ko pagkatapos kong magbayad sa kaniya.

Despite being happy about my decision, I can't help but be nervous with us living together for months.

I never lived with a girl before, aside from my mom, that's why I don't know how to act.

Basta, sisiguraduhin ko na lang na wala akong gagawin na hindi niya gusto habang nakikitira ako doon sa kaniya.

"Finn, tara na!" Kita ko mula sa malayo si Eloise. Kahit nasa malayo ay kitang kita ko ang ngiti niya, at ang marahan niyang pagkaway sa akin.

"Ito na, pupunta na diyan!" I screamed.

I don't know, my mouth just talked on its own. Ang tanging napansin ko lamang sa paligid ko ay ang magagandang tanawin.

Ramdam kong unti unting gumalaw ang paa ko. Nagsimula na itong maglakad, pero hindi patungo kay Eloise, kung 'd ay papalayo mula sa kanila.

"Finn!" sigaw ni Eloise. Kahit ako nagtataka kung bakit ako naglalakad palayo sa kaniya. Parang, tumatakas ako mula sa kaniya.

"Finn! Saan ka pupunta?!" muli niyang sigaw.

Gusto ko mang tumingin sa kinaroroonan niya, pero hindi ko makontrol ang aking sarili.

"Finn!"

Napabangon ako mula sa kinahihigaan ko. I woke up, trying to catch my breath. Tila ba ay galing lang ako sa pagtatakbo.

What did I even dream of?

Isinawalang bahala ko na lang iyon at saka ngligpit na at umayos para aa mangyayari sa araw na ito.

Nang patapos na akong magligpit ay nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ko. "Sandali lang po," sabi ko at saka binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin si Auntie Ysa na may dala dalang plastic bag. Kita ko na may mga mangga iyon.

"Ito, hijo. Kunin mo na," sabi niya sabay abot nito sa akin. Nahihiya naman akong ngumiti.

"Hala nakakahiya naman po. Pero, maraming salamat po," usal ko sa kaniya at saka kinuha yung plastic bag.

Hanggang sa huli ay naging mabait pa rin si Auntie Ysa sa 'kin, kahit dalawang araw lang ako tumira doon.

Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na ako sa kwarto na dala ang mga gamit ko, pati na rin ang binigay ni Auntie Ysa. Nang nakita ko si Auntie Ysa ay agad akong nagpaalam. "Mag-ingat ka, hijo. At sana maging masaya ka sa bagong titirhan mo," sabi niya sa akin at saka ngumiti.

Ngumiti rin ako pabalik at saka marahang tumango. Pagkatapos noon ay tuluyan na akong umalis.

"Welcome!" sabay na bati nina Reverie at Shasha sa akin pagkadating ko sa bahay ni Reverie.

Pareho silang may ngiti sa labi at tila ba'y kanina pa ako hinihintay. “Si ate Riri, sobrang excited niya na kanina pa po siya rito. Magda-dalawang oras na po yata siya naghihintay dito—” hindi na natuloy ni Shasha ang sasabihin niya ng biglang tinakpan ni Reverie ang bibig niya.

“Anong pinagsasabi mo, Shasha? Ikaw ha, huwag gumawa ng kwento,” sabi ni Reverie kay Shasha, pero halata sa mukha niya ang matinding pamumula.

“Tara na, pasok na tayo,” pag-aanyaya ni Reverie at nauna nang pumasok. Si Shasha naman ay mariin ang tingin kay Reverie habang tumatawa pa rin. Napailing na lang ako sa kakulitan nilang dalawa.

Pagkapasok naming ay agad namang tinuro ni Reverie ang isang kwarto. “Diyan yung kwarto mo, katabi lang din ng kwarto ko, may cr na rin diyan sa loob kaya hindi na rin hassle sa part mo,” sabi niya at saka umupo sa sofa. “Sige, maraming salamat,” sabi ko at saka pumasok na sa kwarto.

Pagkapasok ko, ang bumungad sa akin ay ang malinis na paligid. The walls are painted in grey, which is pleasing to the eyes. May malliit na table sa kaliwang bahagi ng kwarto, habang ang higaan naman ay nasa kanang bahagi, katabi ng bintana. Sa kaliwang corner naman ng kwarto naman ay naroon ang cr, at ang katabi noon ay ang lalagyan ng damit.

Nilagay ko ang bag ko sa maliit na mesa at saka humiga sa higaan.

Parang ngayon lang nag-sink in sa akin na simula ngayon, tityra na kami sa iisang bahay ni Reverie.

Magiging masaya ba ko rito? Napatawa na lamang ako sa aking sarili ng napagtanto na ang obvious na ng sagot sa tanong ko.

“Magiging masaya ako rito,” sabi ko sa sarili ko at saka napapikit.

“Finn?” Naalimpungan ako ng may narinig akong tumawag sa aking pangalan. I went up from bed and wiped my eyes. And while I was still on the process of analyzing what was happening, I opened the door, and what—or should I say, who greeted me was Finn in her usual pambahay outfit, while holding a cup of, what I assume, coffee.

After several seconds, my eyes went big when I realized that I fell asleep!

“Hala, sorry! Nakatulog ako. Kumain na ba kayo?” nag-aalala kong tanong. “Yes, kaya huwag kang mag-alala. Alam naman namin ni Shasha na pagod ka kaya nakatulog ka,”  usal niya at saka ngumiti.
“Nasa lamesa lang ang pagkain, kaya you should eat. It’s already past 3pm,” muli pang sabi ni Reverie at saka umupo sa sofa. “Okay, sige. Will eat in a few minutes,” sabi ko at saka dali daling pumunta sa cr para maghilamos. After that, I wiped my face using a dried towel, and later on went out of the room.

Kita kong naglalaro sina Shasha at Reverie ng una, at dalawa na lang kay Shasha. Nang kumuha na ng isa si Reverie mula kay Shasha ay agad itong sumigaw, “Uno!” halata sa mukha niya ang saya. “Nanalo ulit ako!” masaya niyang sabi at napatingin sa direksyon ko.

Nanlaki naman ang mata niya pagkakita sa akin. “Mukhang nag-eenjoy kayo ah,” sabi ko at saka pumunta sa mesa para kumain. May nakahanda na doon na kutsara’t tinidor at saka isang plato na para sa ‘kin. Dahil doon ay parang mas nahiya ako. “Kuya Finn! Damihan niyo po ang kain nyo ha, late na po kasi kayong kumain,” sabi ni Shasha habang nakatingin sa akin na kumukuha ng rice.

“Copy, ma’am. Dadamihan ko,” nakangiti kong sabi at saka sumandok ng sinabawang isda.

Pagkatapos noon ay dumaan ang ilang araw na ganoon palagi ang routine naming, except for the fact that I overslept and didn’t have any lunch, palagi na kaming magkasabay ni Reverie kumain ng breakfast, lunch, and dinner. We also take charge in terms of household chores.

Kung ngayon ay ako ang naghugas ng pinggan, pagkasunod na araw ay siya naman. Pati sa pagluluto at iba pang mga gawain ay ganyan ang routine naming dalawa. Araw araw na rin pumupunta rito si Shasha para makipaglaro sa amin, kung minsan naman ay tinuturuan namin siya at kung minsan naman ay nanonood lang kaming tatlo ng tv.

Sumasama na rin ako araw araw kay Mang Ron na mangisda, at nagbebenta na rin nito para may kita at ipon ako.

During the past few days of staying here, I can say that this is the most fun and peace that I ever had in my life. Surprisingly enough, me and Reverie are compatible, though there are times that we do bicker but it’s just for fun.

Sa ilang araw na pananatili ko rin dito ay may nalaman din ako tungkol kay Reverie.

Katulad na lang ng mga habits niya, sa sarili niya, at sa pamilya niya.
“My mom and dad aren’t divorced, but sometimes I wish that they are,” pagku-kwento sa akin ni Reverie. “Noong bata pa lang ako, palagi silang nag-aaway, nagbabatuhan ng mmasasakit na salita, at minsan ay nadadamay ako sa kanila. Pero, nang lumaki na ako ay hindi na sila nag-aaway, pero ramdam ko na merong gap sa pagitan nila. At nang lumaki na nga ako, I found out the reason why they were always fighting before.”

Tahimik lang akong nakikinig, naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

“My father cheated on her,” she whispered, her voice almost cracked. “He cheated on her with another woman, at nahuli sila ni mama. That’s why, simula nang nalaman niyang nag-cheat si papa ay palagi na silang nag-aaway, palagi nang dinududahan ni mama si papa,” usal niya, halata sa boses ang sakit.

“At ang mas masakit pa, the reason why they didn’t divorce each other was to give me a complete family. Pero, hindi nila alam na mas gugustuhin ko pang ma-divorce sila kaysa sa makita ko silang nag-aaway away palagi.” Hilaw siyang napatawa sa sinabi at saka umiling.

“Ah, tama na. Magligpit na nga tayo!” sabi niya, pilit na pinapasigla ang boses.

There, I realized, we were both similar in some ways. Our situation might not be totally the same, but the pain we felt is almost the same, as if it’s connected.


𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon