DAY 5 , WEEK 3

22 2 5
                                    

THIS STORY UPDATE IS DEDICATED TO :
sapphirongsawi
I HOPE YOU ENJOY READING!!

---

During the past few days na magkasama kami ni Reverie, doon ko siya mas nakilala. There were parts of her that I discovered which made me feel something for her, more than just a friend.

“I’m back,” bungad ko pagkabukas ko ng pintuan sa bahay. Sinalubong naman ako ni Reverie na may ngiti sa labi niya.

“Welcome back!” she exclaimed habang winnagayway ang kamay niya sa ere.

I smiled at what she did. Kung ganito lang ang bubungad sa akin araw-araw, mas gugustuhin ko pang manatili rito. My smile slowly faded at that thought.

Oo nga pala, hindi ako bubuhay ng matagal. My time in this world is only limited.

“What’s for lunch?” tanong ko sa kaniya habang nilagay sa lababo yung mga nahuli kong isda.

“Sinabawang isda po,” sagot niya naman at saka tiningnan ang mga isdang dala ko.

“Mukhang marami kang nahuli ngayon ah?” pabiro niyang sabi. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

“Oo nga eh. Mukhang sinwerte ata ako ngayong araw,” pabiro kong sagot. Napatawa naman siya dahil doon at saka pinagpatuloy ang pagluluto ng sinabawang isda.

Sometimes, I get carried away with our situation. It feels like we’re already married, even though we’re not. Sa paglipas ng panahon, mas lumalalim ang pagkakilala namin sa isa’t isa. At kahit ayaw ko mang tanggapin, alam ko na sa sarili ko na mahal ko na siya.

Who wouldn’t fall for her?
Kahit sino siguro na nasa kinatatayuan ko ngayon ay iibig sa kaniya.

“Finn, malapit nang maluto yung ulam natin. Kaya, please set up the table,” biglaang sabi ni Reverie, kung kaya ay napabalik ako sa reyalidad.

“Copy, ma’am!” pabiro kong sabi na inilingan niya lamang. After that, we ate our lunch, and at that moment it was filled with smiles and laughter.

Everything felt too nice, too perfect. Parang walang mangyayaring masama, o habang buhay na lang magiging ganito kasaya. Pero, that’s when I realized that not everything that’s going well, will end up well in the end.

“Tara na, Shasha, ihatid na kita sa inyo,” sabi ko sa kaniya ng mapansin na 4 na ng hapon. Napanguso naman siya, and she crossed her arms.

“Ayaw ko pang umuwi,” sabi niya at saka tiningnan ako ng mariin. Napatawa naman ako at saka umiling.

“Kailangan mo nang umuwi,” sabi ko at saka tumingin kay Reverie,

“hindi ba, ate Riri?”
Tumango naman siya at saka ginulo ang buhok ni Shasha.

“Babalik ka naman dito bukas, diba? We still have lots and lots of days to play together. Kaya, umuwi ka muna. Hindi naman kami aalis dito,” sabi niya kay Shasha at saka ngumiti.

Shasha nodded in defeat. Pagkatapos noon ay hinatid ko na siya sa kanila.

"Magandang hapon po," bati ko sa ina ni Shasha at saka ngumiti. Binati niya naman ako pabalik at saka sinuklian din ang aking ngiti.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Where stories live. Discover now