DAY 7 , WEEK 3

26 1 1
                                    

THIS STORY UPDATE IS DEDICATED TO
_AEVRY
I HOPE YOU ENJOY READING!

-------

Hindi nga si Eloise pumunta ulit sa bahay ni Reverie, pero nandyan siya kahit saan man akong pumunta.

"Eloise, didn't we already have an agreement—"


She cut me off,
"Yes, I promised to never go 'there' again," she puts in an emphasis on the word 'there' while smiling.


"But what I meant was—"
Muli niya akong pinutol,

"Hephep! Wala na, sinunod ko naman na yung gusto mo. Hindi na nga ako pumunta doon eh. Isa pa, wala kang sinabi na umalis na ako ng tuluyan sa islang ito." She smirked and clapped her hands after that.


Nagkasalubong ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Aba, ang talino rin ng babaeng ito.


"Alis na po ako," paalam ko kay manong. Binuhat ko yung nilagyan ko ng mga isda at saka dali daling umalis.


"Finn! Sandali!" sigaw ni Eloise, rinig ko ang paghabol niya sa akin kaya bigla akong napatigil sa paglalakad at saka tiningnan siya ng mariin.


"Eloise, please. Tantanan mo na kami," naiinis na may halong pagmamakaawa kong sabi. Ilang araw na simula nang ginagawa niya ito, at kita ko ang hirap ni Reverie every time she sees Eloise, at hindi ko na gustong mahirapan siya ng husto dahil lang sa kaniya.


Kita ko ang pagbabago ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Bakit, Finn? Don't you really like me anymore?" tanong niya. Halata sa boses niya ang sakit ng tanungin niya iyon.

"Don't you miss me? Hindi mo man lang ba ako naisip minsan? Tuluyan mo na ba akong kinalimutan noong pinagtatabuyan mo ako palayo noon?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. Kita ko ang pamumuo ng luha mula sa kaniyang mga mata.


"Eloise, I—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang muli siyang nagsalita,

"Bakit? Sinabi niya na b ang tungkol sa amin? Na half siblings kami? At ano, may sinabi siya tungkol sa akin, gano'n?" Pinunasan niya ang luhang namuo sa kaniyang mga mata at saka mariin akong tiningnan.


"Oh, ano? May sinabi ba siya?" her voice was hoarse as she asked again.
Hindi ako nakasagot at saka diretso lang siyang tiningnan. Peke siyang tumawa at saka yumuko.

"I guess, she did say something." She breathed heavily at saka tiningnan ako. Halata sa mata niya ang lungkot. "She did say something, and y-you believed her," mahina at nauutal niyang sabi.


Halos napiga naman ang puso ko ng nakita ko ang ekspresyong nasa mukha niya. It was as if she was... betrayed.
Nanatili siyang tahimik habang tinitingnan ako, habang ako ay halos naestatwa mula sa kinatatayuan ko habang tinitingan siya.
Sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata, at mabilis niya naman iyon na pinunasan habang peke na tumatawa.


"I guess... you already like her," she sadly said, her voice full of certainty. Muli niya akong tiningnan, at saka walang sabi sabing tumakbo palayo sa akin.


I extended my hand, as if I was trying to reach her, "Eloi—" napatigil ako sa pagsasalita ng napagtanto ko kung ano ang gagawin ko sana.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang