DAY 6 , WEEK 2

23 1 2
                                    


Tatlong araw ang lumipas simula nang nalaman ko na nag-resign na pala si Reverie. Sa tatlong araw na ‘yon, halos palagi akong nakatulala at wala nang ganang kumain.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapanniwala na nag-resign siya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago siya tuluyang umalis.

“Si Reverie po ‘yong nagsabi na ‘wag po munang ipaalam sa ‘yo,” sabi ng nurse nang tinanong ko siya kung bakit hindi man lang nila ako kaagad sinabihan tungkol sa pag-resign niya. My heart tightened knowing that it was Reverie who never wanted me to know why she’s gone.

Buong akala ko ay nag-leave lang siya ng ilang araw, o ‘di kaya ay in-assign sa ibang pasyente at wala lang siyang oras para puntahan ako; ‘yan ang ginusto kong paniwalaan. 

Pero, wala. Bigla na lang siyang nawala sa buhay ko, at mukhang hindi ko na siya makikita kahit kailan. Ang alam ko lang tungkol sa kaniya ay naninirahan siya sa isang probinsya, at wala nang ibang impormasyon. Hindi niya man lang sinabi kung saang probinsya siya umuuwi, kaya hindi ko rin siya mapupuntahan kahit gusto ko at mahihirapan akong hanapin siya kung sakali.

I don’t understand why she suddenly left. Sa huling pag-uusap naming ay hindi halatang may plano siyang umalis, and she even left the moment my condition became worse.

“Sir, it’s time for your medication,” sabi ng nurse ng tapos na akong kumain ng lunch. Kinuha ko naman ito at saka ininom kaagad. Ang medisina na binibigay sa akin ay para sa sakit ng aking ulo. Medyo epektibo naman ito dahil nababawasan ang sobrang sakit ng ulo ko, pero may mga sintomas pa rin akong nararamdaman araw araw.

Kinuha ng nurse ‘yong pinagkainan ko at binigyan ako ng isang baso ng tubig. Agad naman akong nagpasalamat at saka ininom ‘yon. Pagkatapos kong inomin ‘yon ay ibinigay ko kaagad ‘yong baso sa nurse na agad niya namang kinuha.

Nang naligpit niya na lahat ay umalis siya kaagad sa aking silid. At muli, mag-isa na naman ako sa puting silid na ito.

Hindi pa rin ako sanay sa katahimikan na iito. Masyado na akong nasanay na palagi itong maingay dahil sa mga kwento sa akin noon ni Reverie tungkol sa pagkabata niya, kung hindi ang mga kwento niya ay dahil naman ito sa biruan naming dalawa tungkol sa iba’t ibang bagay.  May pagkakataon pang nagpapatunog siya  ng isang musika sa silid, na minsan ay  hindi ko  rin gusto.

“Let’s kill this love! Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah,” kanta ni Reverie habang naghe-head bang pa. “Anong kanta ba ‘yan? Ang sakit sa tenga,” sabi ko at saka tinakpan ‘yong tainga ko. “Kill this love ng Blackpink ‘to. At anong sakit sa tainga? Hindi ka lang talaga sanay sa mga ganitong kanta,” sabi niya at saka nilakihan pa ako ng mata. Hindi ko naman iyon maitanggi dahil mas sanay ako sa mga nakaka-relax na kanta, hindi katulad sa mga kanta na pinapakinggan niya.

“Pero, pwede bang hinaan mo ‘yong pinapatugtog mo?” sabi ko pa. matalim niya naman akong tiningnan dahil sa sinabi ko. “Ayoko, magtiis ka diyan,” may diin niyang sabi at saka nagpatuloy ulit sa pagkanta. Napailing na lang ako at mahinang napatawa. Sa mga ganitong pagkakataon ko talaga iniisip kung talagang nurse ko siya o kaibigan lang na nagbabantay sa akin.

Sumikip ‘yong dibdib ko dahil sa isang memoryang naalala ko.

Minsan, hinihiling ko na lang na sana isang masamang panaiginip na lang ang lahat ng ito, na hindi totoong may sakit ako, at isang mahabang panaginip lang ito at gigising din ako na balik na sa normal ang lahat. Pero, kahit anong hiling ko’y alam kong hindi na ito magkakatotoo.

𝐌𝐘 𝟒𝟎 𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 - 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐎.Where stories live. Discover now