3. Pass sa Isaw

535 64 10
                                    

Facebook Profile

Cosplayer mga parTaki Cariño ganda mo sa personal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cosplayer mga par
Taki Cariño ganda mo sa personal

Like • Comment • Share

Angelo De Jesus
Inistatus pa talaga

↪️Yeshua Chael Lavarro
Malamang para mamatay ka sa inggit tanga



♥•♥•♥


Blue na sando, denim shorts, black boots.

Never ko pang nakita si Taki Cariño. Ni hindi ko nga napapansin 'to sa news feed ko sa FB. Gulat nga ako, existing pala siya sa Earth matapos akong bayaran ng 20k.

Sabi ko, kita kami sa entrance ng Intramuros. Linggo, wala akong klase. Ewan ko siya kung nag-aaral pa ba siya o working na. Beynte mil. Kung estudyante siya, yaman niya naman.

Blue na sando, denim shorts, black boots.

Hindi ko ma-imagine ang itsura niya. Nag-stalk ako ng profile niya, puro shared post ng Wano Arc ng One Piece. Kung hindi man, puro si Gojo Satoru. Babae nga. Crush yata si Goju. Display photo, si Goju pa rin. Mukhang mataas ang standard, hindi ko yata madadala 'to sa isawan.

"Hi!"

"Ay, put—"

"Yeshua?"

Huminto nang mga five seconds ang buhay ko saka lang nag-sink in sa akin kung sino 'tong biglang tumalon out of nowhere sa harapan ko.

Blue na sando, denim shorts, black boots . . . white na wig, sobrang blue na malalaking contact lens, at may fake pangs pa!

"Taki?"

"Yeah! Nice to meet you!"

Back out sa isawan. Baka bigla akong i-post nito sa FB tapos ang caption:

⛳⛳⛳
red flag: yung isaw lang kayang ipakain sayo sa first date.

Patay tayo diyan, par. Pass.

♥♥♥

Date Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon