16. Hala, Nahulog

374 57 16
                                    

Facebook Profile

Ung sabi mo i-pm ka pero kung ano ano ginawa ano ka jan paps

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ung sabi mo i-pm ka pero kung ano ano ginawa ano ka jan paps

Like • Comment • Share

Yeshua Chael Lavarro
Ay ikaw ba ipipiem

↪️ Angelo de Jesus
😑😑 malamang ako ! ambubu naman natin jan paps

↪️ Yeshua Chael Lavarro
HAHAHAHA INAMOKA DI MO NILINAW!!!
POTA AKALA KO SI ANO

↪️ Angelo de Jesus
sinooooooo 🤔🤔🤔🤔🤔🤔🤔



♥•♥•♥



Superficial sa akin ang definition ng iba sa love. Minsan kasi, nami-mistake nila ang kilig sa love, o kaya sa certain comfort o peace sa love. Kaya kapag nawawala ang kilig o kaya nagkakaroon ng discomfort, nagiging definition din 'yon ng out of love. Ganoon siya kababaw para bitiwan na lang basta.

Ako kasi, tinitingnan ko ang love doon sa times na hindi ko naman siya dapat nararamdaman. Hinahanap ko siya sa mga oras na hindi ako comfortable. Gusto ko siyang makita sa inconvenient time ko.

Kasi doon ko mapatutunayan kung ang feelings ko ba, naka-rely lang sa comfort o convenience, o solid na emotion talaga siya na kahit walang espesyal sa sitwasyon at kahit may struggle, mararamdaman ko pa rin siya kasi constant na siya roon.

May mga feelings na kayang daanin sa tulog tapos paggising, wala na.

May mga feelings na kayang palipasin within a day lang o kaya mga dalawang araw, kasi fresh pa.

Pero kapag umabot na ng limang araw at higit pa, tapos hindi pa rin nawawala, kailangan ko na 'yong pansinin kasi hindi na 'yon normal.

Ang date namin ni Taki, kung nakaramdam man ako ng special feelings doon, malamang kasi may special event. Date nga kasi kaya dapat makisama ng feelings ko.

Sweet si Taki. Magaang kasama. Hindi off kausap saka considerate.

Yung kinabukasan, fresh pa, may hangover pa sa feelings ng past night. The next day, dapat nagpapahupa na lang ako ng tuwa kasi para akong nagkaroon ng syota for a day.

Third day, dapat wala na at all. Wala na, e. Normal day na. Wala nang espesyal na araw. Wala nang dapat maramdamang tuwa kasi dapat move on, move on din 'pag may time.

Pero yung fourth, fifth, sixth day? Tapos imbes na mag-move on, lalo mo pang hinanap?

Par, hindi na normal 'yon, par. Hindi mo na 'yon dapat nakikita sa araw na hindi mo naman 'yon dapat makita. Hindi mo 'yon dapat maramdaman sa mga araw na hindi mo naman 'yon dapat nararamdaman.

Posible ba na ma-in love sa isang tao sa loob lang ng isang araw?

Hindi pa rin ako a-agree dito.

Mahal mo ang isang tao kasi present siya sa times na kailangan mo ng feelings na gusto mo? Mahal mo lang siya kasi nandoon siya kasama mo?

Nah, hindi ako bebentahan ng ganito.

Pero posible ba na maging way ang isang araw na 'yon para ma-develop ang kung ano ang naiwang feelings doon since day one?

Posible.

Hindi 'yon sa mahal mo na agad. Binibigyan mo lang siya ng space sa routine mo na kahit wala siya, considered ang existence niya. Binibigyan mo siya ng space sa araw mo na kahit wala siya roon, kapag binalikan niya, doon at doon lang siya mapupunta lagi kasi kanya na 'yong space na 'yon. Ibinigay mo na kasi sa kanya 'yon. Kumbaga trono na niya 'yon sa buhay mo.

Ito siguro yung gusto kong sana inisip ni Papa bago niya iwan ang mama ko.

Doon sa mga times na wala siya, hanggang kailan niya dapat i-consider bilang parte ng buhay niya ang mama ko kung mahal niya talaga?

Doon sa mga araw na hindi kayo magkasama, hanggang kailan mo siya mahal? Hanggang day 1 lang ba na magkasama kayo, o hanggang doon sa mga araw na kahit hindi mo na siya kasama, nandoon pa rin siya sa space na naiwan niya para puwede pa niyang balikan any time?

'Tang ina, ang hirap mag-math kung kailan ka ba unang na-fall.

Pero hindi pa rin kasi nawawala yung putaragis na feelings na 'to. Mag-iisang linggo na, so kailangan ko na 'tong i-acknowledge ngayon.

♥♥♥

Date Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon