4. Baby Face

526 68 23
                                    


Facebook Profile

Suggest nga kayo ng magandang date loc namin ni Taki Cariño

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Suggest nga kayo ng magandang date loc namin ni Taki Cariño

Like • Comment • Share

Terry Balbuena
Sa singapore paps

↪️Yeshua Chael Lavarro
Eleuterio Tarorong Balbuena isang ganto mo pa tapos na maliligayang araw mo sa sanlibutan

Angelo De Jesus
Dun sa may 350 per 3 hrs par

↪️Yeshua Chael Lavarro
Angelo de Jesus pa man din pangalan mo. Hiyang hiya na si Lord sayo ungas
--

Yeshua Chael Lavarro
Wala na talagang matinong tao rito sa mga FB friend ko. Ipag-a unfriend ko kaya kayong lahat??


♥•♥•♥


Ang cute ni Taki. Mukha siyang animé character na nagkatawang-lupa. 'Yon lang, cute tapos ang liit kapag itinabi sa 'kin. Ni hindi man lang siya umabot sa dibdib ko! Ano ka diyan, par?

"Grabe, 'tangkad mo sa personal." Tingalang-tingala siya sa 'kin, para siyang kinder lang.

"Sorry sa question pero may ID ka?" tanong ko agad.

"Why?"

"Baka kasi minor ka, di kita i-e-entertain."

"23 na 'ko!"

"ID muna."

"23 na nga ako, promise!"

"ID o magre-refund ako?"

"Grabe siya. Ayaw maniwala?" Dumukot agad siya sa sling bag niya ng mahabang wallet. Pagsilip ko, ang daming cards.

Hindi talaga kaya ng isaw 'to, par. Pang-Italiani's tapos Mary Grace yata trip nito sa kainan.

Inabot niya sa akin ang driver's license niya. Nahiya tuloy ako bigla.

"May kotse ka ba?" usisa ko habang binabasa ang nakalagay sa ID niya.

Cariño, Tasha Kiara. 23 nga, going 24 pa this year. Four years pala ang tanda nito sa 'kin. Hindi na nga estudyante kaya pala may pambayad.

"Working ka na ba?" tanong ko pagsauli sa kanya ng ID niya.

"Yep!"

"Matagal na ba tayong friend sa FB?"

"Hmm, not sure."

"Sino nag-add? Ako, ikaw?"

"Parang ako yata. Hindi kasi ako nagtse-check ng mga friend request."

Angas.

"Payag ka, one day lang yung 20k?" tanong ko agad.

Nakangiti naman siyang tumango, parang bata na niloloko ko lang pero paniwalang-paniwala naman.

’Tang ina, kinakabahan ako rito, a. Cosplayer, 24 na mukhang 14, nagbayad ng 20k para lang sa date, mukha pang madaling utuin. Hindi kaya ma-Tulfo ako nito kahit 24 na siya?

Ipaalam ko nga 'to sa nanay niya. Baka ipapulis ako kapag hindi.

♥♥♥

Date Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon