13. Dasuurv

347 60 10
                                    

Facebook Profile

Bat ba 24 hrs lang meron sa 1 day?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bat ba 24 hrs lang meron sa 1 day?

Like • Comment • Share



♥•♥•♥



"Sure ka, okay ka lang dito?"

"Oo nga, kuleeeet."

Medyo nahiya naman ako nang slight kay Taki kasi wala kaming mahanap na upuan sa McDo saka Jollibee. Sabi ko, okay lang kahit sa ibang kainan. Sabi niya, mahal daw doon, e need ko nga ng budget pantubos sa singsing ni Mama.

Ayun, nag-take out na lang kami tapos naupo kami sa fake grass sa may seaside malapit sa fountain. Doon kami nag-dinner. Marami namang nakaupo kaya nakiupo na lang din kami.

"Uy, sorry, ha?" sabi ko agad.

"Why?"

"Kasi di kita madala sa ibang resto o kaya fast food."

"Ayos nga lang! Ang kulit."

"Sabi sa 'yo, kaya ko naman sa Tokyo Tokyo, e. Wala naman masyadong tao d'on ngayon."

"Super kulit mo na. Kain ka na lang."

Saglit akong napaatras nang itapat niya sa bibig ko ang may dip nang chicken nugget. Sinulyapan ko muna siya bago ko ibinalik ang tingin ko sa nugget.

"Kain na," alok na naman niya kaya kinagat ko naman yung nugget sa kalahati. "Ay! Hindi pa inubos?"

"Ay, uubusin ba dapat? Sorry na."

"Hayaan mo na nga." Isinubo niya nang buo yung natirang kalahati saka hinalo-halo ang rice niyang naliligo sa gravy.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang sunod-sunod ang pagsubo ko. Sa sobrang kaunti at bilis kainin ng chicken ala king. Wala pang five minutes, tapos na 'kong kumain. Fries na lang tuloy ang napag-initan ko.

"Ang bilis mong kumain," puna niya kasi wala pa siya sa kalahati ng nuggets at rice niya.

"Ang konti lang naman kasi ng kakainin. Sa laki kong 'to, tingin mo, kasya isang cup sa 'kin?"

"Hahaha! OMG! Sana nagtatlo ka! Kahit ako na sana magbayad!"

"Huy, gagi, di porke may pera ka, waldas ka lang," sermon ko. "Ikaw ba gumagastos sa inyo ng ex mo?"

"Madalas."

"'Ta mo 'yan. Ilang taon na 'yon?"

"26."

"Mas matanda pala, e. Bakit ikaw ang nagastos?"

"'Pag hindi, aasa lang ako sa wala. Saka wala siyang pera madalas."

"Sus! 'Niwala ka r'on, pinanchi-chicks lang n'on pera niya, pustahan pa."

"Hahaha! Alam na alam!"

"Alam ko talaga. Sustento nga sa 'min ni Mama, laging kulang, e. Sa iba pala sinu-supply yung pera."

Ngumuso lang siya at umaktong nalulungkot sa sinabi ko. "Ikain mo na lang 'yan, men." Bumaba na naman ang tingin ko sa fries na balak niyang isubo na naman sa akin.

"Sweet ka naman, ba't ka pinagpalit ng syota mo?" Saka ko kinain ang fries na hawak niya. Dumampot din ako ng fries na nakalatag sa pinunit na paper bag saka itinapat sa bibig niya.

"Ang dami nga raw kasi niyang time since naghahanap ng work. Ayun, na-bore."

"Ulul niya 'ka mo. Sana naghanap na lang talaga siya ng work."

Kinagat niya yung fries at mabilis na nginuya kahit nakalabas pa ang kalahati dahil nga mahaba ang cut.

Ang cute-cute ni Taki kapag kumakain. Para siyang cute na batang spoiled. Yung laging nangiti nang malapad kapag may ginagawang kalokohan.

Ilang beses ko ring inayos ang ilang hibla ng wig niya kasi lumalakas na ang hangin. Hindi naman hinahangin lahat kasi mabigat ang materyal. Hibla-hibla lang ang nalipad, mabuti na lang.

"Gusto mo, i-refund ko yung 20k?" biglang sabi ko.

Napahinto tuloy siya sa pagnguya at nag-angat sa akin ng tingin, nagtatanong. "Why?"

"Parang hindi ko deserve yung 20k."

"Hmm!" Mabilis siyang umiling at nilunok ang nasa bibig niya kahit hindi pa yata nanguya nang maayos. "Okay lang! Nag-enjoy naman ako today."

"Nag-enjoy rin naman ako ngayon kaya nga ire-refund ko na lang."

"Uy, tange, oks lang! Tubusin mo yung singsing ni Mama mo."

Ngumiwi lang ako kasi ang bigat talaga sa loob ko na nagbayad siya ng 20k ngayong araw para lang makasama ako. Parang ang sama kong tao para mangikil ng bente mil sa kanya samantalang natuwa rin naman ako ngayong araw kasama siya.

"Bayaran ko na lang yung 20k kahit 4 gives."

"Hindi na nga! Makulit ka talaga, Yeshua."

"Ano nga kasi . . ."

"Okay nga lang haha! Di ko tatanggapin 'yan kahit i-cash mo pa 'yan."

Ang bait ni Taki. Sa sobrang bait niya, nahihiya na balat ko sa kakapalan.

Bago mag-alas-otso, nakasakay na kami sa terminal ng UV. Ten-seater ang nasakyan namin, hindi ganoon kalaki kaysa sa van na malaki talaga. Doon kami naupo sa likod para nga malaki ang leg room para sa 'kin.

Ang bilis na napuno kasi ang daming nauwi na. Nagkakapila na nga pagsilip ko sa labas.

"Sure ka, ihahatid mo 'ko? Ang layo ng bahay ko," tanong na naman niya.

"Oo nga."

Nginitian lang niya ako nang may malisya. "Sweet mo naman. O baka ngayon lang kasi tinawagan mo mama ko."

"Natural, ngayon lang, kasi ngayon pa lang kita nade-date. Kung may next pa, e di, ihahatid ulit kita."

"Aw . . . pabibo hahaha!"

"Di rin."

Hindi ganoon kabilis ang andar ng sasakyan dahil sa traffic. Magkasalikop lang ang mga kamay namin na nakapatong sa bandang tuhod ko habang nakasandal siya sa balikat ko. Nagsuot ako ng isang Airpod at isinuot ko sa kanya ang isa. Saglit pa siyang nagulat at sinundan ako ng tingin kahit nakasandig pa rin ang ulo sa balikat ko.

Oh, I've heard it all before
Finding so-called love then you leave it behind
But now I feel so sure
I listen to my heart this time
So I lay it on the line

"Saan ulit tayo bababa?" tanong ko agad.

"Sa may UST. Lacson."

"Seryoso?"

"Yeah."

"Akala ko, sa Old Balara ka."

"Working na 'ko, remember? Meron akong apartment malapit sa office."

"Ah . . . sige. Lacson, okay."

Ang lapit lang pala niya. Hmm . . .


♥♥♥

Date Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon