6. Confidential Funds

404 62 14
                                    

Facebook Profile

Raulo yung katabi ko tinanong ako 'Manong, magkano po sa hotdog'Te customer din ako teLakas ng tawa mo Taki Cariño baka nagkakalimutan tayo, bente mil tong kasama moDaan nga tayo sa Supreme Court isang sakay lang naman, hihingi lang ako ng hustisya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Raulo yung katabi ko tinanong ako 'Manong, magkano po sa hotdog'
Te customer din ako te
Lakas ng tawa mo Taki Cariño baka nagkakalimutan tayo, bente mil tong kasama mo
Daan nga tayo sa Supreme Court isang sakay lang naman, hihingi lang ako ng hustisya

Like • Comment • Share

Rog Elio
Sabihin mo 20k hotdog mo par

↪️ Yeshua Chael Lavarro
Alam mo....
Minsan may utak ka rin Rog Elio



♥•♥•♥



"Magkano na 'yan?"

"Bente."

"Sige, kaya pipti. G." Nagtusok pa ako ng limang fishball para mabilang ni Manong kung magkano na nakakain namin ni Taki.

Wala, tambay lang kami sa tapat ng Binondo Church. Mainit pa kasi kaya hindi kami makagala nang maayos. Tapos sarado pa karamihan ng tindahan kasi tanghali na.

Nakikisilong lang kami sa cart ni Manong Pisbol habang namamapak ng tinda niya.

"Bakit wala kang kasama?" tanong ko kay Taki.

"Need ba?"

"Hindi kasi, gagi, mag-isa ka lang tapos lalaki pa kikitain mo."

"Bakit? Ima-massacre mo ba 'ko?"

"Gagu, hindi. I mean ano lang, para safe ka, di ba?" depensa ko. "What if hindi ako yung kikitain mo? What if may balak na iba? E di, napahamak ka. 'Wag ka basta-basta nagtitiwala sa mga nakikilala mo online. Di mo sure kung safe ka kasama nila o ano."

"You look safe naman, e. Mukha ka ngang friendly sa FB."

"Oo nga, nandoon na tayo sa I look safe. Pogi tayo, e. Pero siyempre, di ba? Paano kung pogi pala ang kikitain mo tapos rapist pala. Ang cute-cute mo pa naman."

"Hahahaha! Gusto ko yung side comment."

"Side comment lang? Yung nasa side mo, di mo gusto?"

Bigla siyang tumingin sa kanan niya, doon sa kalan ni Manong na puno ng namumutok na tinda samantalang nasa kaliwa ako.

"Bente pa lang. Gusto ko pa!"

Napangiwi tuloy ako. "Medyo mabagal lang tayo nang konti sa pickup, pero ays lang. Cute ka naman, e."

Tumusok pa kami ng panibagong order na worth 10 pesos na kasya sa cup namin.

"Para saan pala yung 20k? Bakit ka may tutubusin?" tanong niya.

"A . . . sa singsing 'yon ng mama ko. Isinangla niya kasi."

"Hala, why?"

"Nasagasaan kasi si Invoker."

"Invoker is . . . ?”

"Yung aso ko."

"A! Yung nasa My Day mo."

"Oo, 'yon nga. 12k sa opera tapos dextrose saka gamot. Kaso wala rin, di rin nabuhay, e."

"Aw, sad naman. My condolences sa dog mo."

"Ikaw? Saan mo kinuha yung 20k? Gagi, ang laki n'on, ha."

"Hahaha! Fund namin ng ex ko 'yon. Ginastos ko lang kasi gago siya. Kaka-break lang namin two days ago."

"Huy, seryoso ba?"

'Tang ina, nabilaukan ako bigla.

Parang alanganin ako rito, a. Pera pala nila ng ex niya. I-refund ko na ba yung bayad niya?

♥♥♥

Date Me, Please?Where stories live. Discover now