12. Babaero

385 66 18
                                    

Facebook Profile

Facebook Profile

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Trip lang

Trip lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Like • Comment • Share


Angelo De Jesus
Master baka sa sunod nyan naka in a relationship na yan ahh

Yeshua Chael Lavarro
Angelo De Jesus Gagu hinde
#Manifesting



♥•♥•♥



"Ang daming magsyota ngayon dito," puna ko.

"Para na tayong nasa Among Us. Hulaan sino mag-jowang impostor."

"Hahaha! Agree." Nakipag-fist bump agad ako sa kanya.

Sabi ko kasi sa kanya, ayokong maupo kasi walang sandalan. Ang ginawa niya, sa kanya na lang daw ako sasandal. E, ang liit nga kasi niya kung pareho kaming uupo. Ang siste tuloy namin, nakasandal pa rin ako sa kanya pero nakatayo ako. Nakapatong ang mga braso ko sa hita niya habang nagpapaluan kami ng kamay—ay! Siya lang pala ang pumapalo at ako ang sumasalo ng palo. Minsan, nahihiga ang ulo ko sa balikat niya. Wala naman siyang pake kahit magdikit ang mga mukha namin. Busy kasi siya kapapalo sa palad ko.

"Naglalaro ka ng basketball?" tanong niya, busy pa rin sa kamay ko, pero sinusukat na niya ang laki.

"Kapag may paliga sa baranggay tapos ipagtutulakan ako ni Mama na sumali para sa cash prize. Pero yung varsity player talaga, hindi."

"Grabe naman mama mo."

"Huy, hindi, gagi! Hahaha! Joke lang 'yon. Pero legit na active si Mama sa mga paliga, ganyan. Nananahi kasi siya ng jersey ng mga player. Meron na nga akong collection ng mga jersey sa bahay. Lahat gawa niya."

"Uy, ang cute naman. Pahingi isa!"

Saglit akong umurong paatras para lang makita ang mukha niya nang may tamang distansya. "Hihingin mo? 'Pag sinuot mo 'yon, para ka nang naka-Filipiñana!"

Nasapok ako bigla sa sentido ng lapat na palad niya. "Ang sama mo talaga!"

"Hahaha! Gagi, seryoso, ang laki n'on sa 'yo!"

"Hindi ko naman ipapambahay, aarborin ko lang!"

Tinitigan ko pa siya kung seryoso siya. Desidido ang mga mata niya kaya nanlaki ang mga butas ng ilong ko.

"Seryoso ba?" paniniguro ko na.

"Oo nga, seryoso nga."

Minata ko na naman siya.

Seryoso talaga siya, par.

"Pag-isipan ko," sabi ko na lang.

"'Wag mo na pag-isipan. Ibigay mo na lang."

"Grabe, parang binubudol mo na 'ko, a."

"Hahaha! Para remembrance lang?"

Komportable akong bumalik sa pagkakasandal sa kanya at tumingin sa kamay kong sinusukat na naman niya ang laki gamit ang sariling palad.

"Cute ng kamay mo, 'no?" puna ko. Hanggang gitna lang ng mga daliri ko ang inabot ng kanya. Kayang-kaya ko ngang dakmain nang buong palad ang ulo niya.

"First time mo lang bang may maka-holding hands kanina?" tanong niya.

"Huy, hindi, a. May mga classmate ako no'ng junior high na clingy. Tamang hawak lang ng kamay pero walang syota-syota, gano'n. Parang trip-trip lang."

"Yung first jowa ko, trip-trip lang din, e. Kaya ko naging jowa," kuwento niya.

"Eto yung lalaki rin yung type."

"Haha! Yeah."

"Yung latest ex mo, trip-trip lang din?"

"Di ko alam. Seryoso naman kasi siya at first."

"At first lang."

Natawa siya nang mahina. "Yeah," walang tuwa niyang sagot.

Sumulyap tuloy ako nang kaunti sa kanya kahit magkatabi naman na halos ang mga mukha namin para marinig ko nang maayos ang sagot niya.

"May mga lalaki kasi talagang sa umpisa lang magaling," parinig niya.

"Kahit lalaki ako, a-agree ako sa 'yo diyan."

Sinilip niya ang mukha ko, yung urong talaga paharap para lang makita ako nang mabuti. "Relate ka ba?"

"Baka erpats ko, maka-relate. Sa umpisa lang kasi 'yon magaling."

"Hmm." Maliban doon, wala na akong narinig sa kanya nang bumalik siya sa maayos na puwesto para sandalan ko. "Galit ka sa papa mo? Babaero din ba?"

"Sobra."

"Buti di mo namana."

"Ayoko ring manahin. Pinagagalitan nga ako ni Mama kahit nananahimik ako."

"Pfft! Hahaha! Naalala ko yung nag-live ka tapos tutorial mo raw ng how to cook pancit canton!"

"Napanood mo ba 'yon?" gulat na tanong ko pagpaling sa kanya.

"Oo, tange! Di ko nga alam kung tatawa o masa-sad, e."

"Para kasing tanga si Mama." Bumalik ako sa pagkakasandal kay Taki at ako na ang naglaro sa mga daliri niyang pakaliliit.

"Ang kalat nga nina Angelo sa comment section, inaasar ka."

"Yung live kasi na 'yon, trip-trip lang din 'yon. Gusto ko lang mag-prank. Magluluto lang naman kasi ng pancit canton. Gulat ako, hinampas ako ni Mama sa likod sabay iyak din sa likod ko. Gusto ko ngang patayin na yung live kaso pakalayo ng pinaglapagan ko ng phone, isa pang tanga."

"Ang sad nga ng sinabi ng mama mo. Medyo naiyak ako d'on nang very light."

"Rinig ba kahit malayo? Ang layo ng pinaglapagan ko ng phone, e."

"Oo, rinig naman. Sabi ng mama mo, lalaki ka, 'wag kang mananakit ng babae. 'Wag kang magpapaasa ng babae. 'Pag sinabi mong mahal mo, panindigan mo."

"Taragis kasi, magluluto lang naman ako ng pancit canton, nasermunan pa sa kasalanan ni Papa. Tapos naka-live pa amputa."

"Ano 'yon? Nag-away sila?"

"Hindi. Tumawag kasi siya kay Papa, hihingi sana pampagamot kay Invoker kasi nga, di ba, nasagasaan. Yung babae ng tatay ko yung sumagot. Ayun, e di, nagkasumbatan na naman. Ewan ko sa kanila? Di kasi makontento tatay ko sa isa."

"Buti di ka gano'n, 'no?"

"Ayoko ring maging gano'n. Mama ko nga, ayokong naiyak, papaiyak pa 'ko ng iba? 'Tigas naman ng sikmura ko n'on. Di ka ba nagugutom?" Sinilip ko ang relo ko. "Alas-siyete na, gagi. Kain na tayo! Iuuwi pa kita sa inyo, baka mama mo naman ang pagalitan ako."


♥♥♥

Date Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon