7. Ex and Whys

424 63 12
                                    

Facebook Profile

Shoutout sa ex ni Taki Cariño! Pakyu ka times two times two

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Shoutout sa ex ni Taki Cariño! Pakyu ka times two times two

Like • Comment • Share


♥•♥•♥


"Kumakain ka nito? Alam mo ba kung ano 'to?"

"Gelatin lang naman 'yan na nilalagyan ng gatas. Parang coffee jelly pero hindi coffee."

"Angas, alam na alam." Nag-fist bump pa kaming dalawa saka ako nagturo. Yung nasa itaas na hilera ng mga gelatin na nasa cup ang pinili ko. "Manang, pabili nito dalawa. Yung green."

Nakakadalawang kanto na kami ng nalalakad ni Taki. Ang dami pang saradong tindahan. Bukas lang ang mga may cart saka may sariling puwesto o stall gaya ng fast food.

"Magkano po?" tanong ko.

"Sampu lang lahat."

Dumukot agad ako ng barya sa bulsa: isang lima, limang tigpipiso. "Ito po bayad, Manang."

Pagkatapos magbayad, tumambay kami ni Taki sa lilim ng saradong tindahan.

"Puwede ka bang tanungin tungkol sa ex mo?" tanong ko, tutok ang paningin sa pag-scoop ng gelatin sa cup.

"Haha! Curious ka ba dahil sa 20k?"

"Slight. Pero mas curious ako na nakipag-date ka agad kahit fresh pa lang ang breakup."

"NGSB ka, di ba?"

Natakip agad ako ng bibig kasi nakasubo na ako nang i-drop niya 'yon. "Grabe, follower ba kita? Bakit hindi ka active, ha?"

"Hahaha! Nakikita ko lang madalas mga post mo."

Nahuli tuloy ako. Akala ko, random friend lang siya sa FB, pakshet.

"Pero seryoso, puwede ka ngang tanungin about sa ex mo?" pagbalik ko ng topic sa kanya.

"Puwede naman. Tungkol saan ba? Bakit kami nag-break?"

"Oo. 'Bilis naman pala ng pickup mo, iniwasan mo lang yata talaga ako kanina."

"Hahaha! Masama ang loob?" Napailing na lang siya at hinintay ko talaga ang sagot niyang pakatagal sabihin! "Yung amin ng ex ko, sobrang common ng reason ng breakup. Nahuli ko kasi siyang nambababae."

"Sorry, di ako maka-relate sa kanya. Pero kung ako 'yon? Di kita gaganunin."

"Hahaha! Gagi." Binangga niya ako sa tagiliran, natatawa pa.

"Pero heartbroken ka ngayon?" sabi ko na lang. "Nagpapalipas ka lang ng sama ng loob?"

"Hindi naman. Hinintay ko lang talaga siyang i-break ako."

"Bakit hindi ikaw ang nauna? Di ba, mas okay kung ikaw."

"Hindi kasi puwedeng ako."

"Bakit nga?"

"Etong 20k, ang usapan namin dati, mag-iipon kami para sa future namin. Kung sino ang mauunang makipag-break, di sa kanya mapupunta lahat ng ipon namin."

"Pfft! Hahaha! Angas, gagi! Kaya pala kung maka-hindi ka, ang solid, e. Nakalatag pala ang kaban ng bayan."

"Saka matagal ko nang in-accept na babaero siya. Wala nang sakit yung breakup."

"Oooh. Lodi." Nakipag-fist bump ulit ako sa kanya. "Tapos sa 'kin mo lang ginastos yung inipon n'yo, hahaha!"

"Okay lang. Balak ko sanang i-donate 'yan o kaya ipautang sa mga friend. Kaso nakita ko post mo."

"Uy, gagi, gulat nga ako, pinatulan mo. Joke lang sana 'yon, e. May follow-up post ako, baka lang hindi mo nabasa. Naghahanap ako ng part-time job para makaipon ng 20k! Binura ko agad kasi bigla ka namang nagpadala sa bank."

Sumulyap ako sa kanya. Sumilip siya sa digital wristwatch niyang panlalaki.

"Lunch time na. Hanap tayo ng makakainan," aya niya kahit may kinakain pa siya.

"Tara!"

Ang lakas kong mag-tara, ako nga pala magbabayad ng pagkain namin. Bubu.

♥♥♥

Date Me, Please?Where stories live. Discover now