11. PDA

391 64 19
                                    

Facebook Profile

Taki Cariño na gustong manood ng sunset: Meron pang araw ako bahala!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Taki Cariño na gustong manood ng sunset: Meron pang araw ako bahala!

Also Taki nung wala nang araw:

Kantahan na lang kita ng baby baby you're my sun and moon HAHAHA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kantahan na lang kita ng baby baby you're my sun and moon HAHAHA

Like • Comment • Share

♥•♥•♥



"Sabi sa 'yo, wala nang araw, e."

Wala, blue na ang langit pagbaba namin ng jeep sa Luneta. Tapos nilakad pa namin papuntang seaside, e di madilim na pagdating namin sa baywalk.

"Hmp!" Namaywang na lang siya habang nakatanaw mula roon sa ibaba ng seawall.

"Ba't ka kasi tumambay sa may siopao-wan, di ka naman pala bibili?" reklamo ko.

"E, ang cute kasi ng mga siopao."

"Taragis 'yan, naglilihi ka ba? Hahaha!"

Pinanood ko siyang tumalon sa may seawall kaso talon nang talon, di naman maabot.

"'Pakaliit kasi!"

"Hoy, natatalon ko 'to!"

"Oo nga, talon lang, di mo naman abot."

Gusot ang mukha niya nang lingunin ako. "Bully ka talaga."

"Hahaha! Akin nga, buhatin kita." Kinuha ko ang mga kamay niya at bahagya akong yumuko para maabot niya ang balikat ko. "Talon ka nang talon, kapag nasubsob ka diyan sa semento, e di dugo mukha mo diyan." Hinawakan ko siya sa baywang saka siya walang hirap na binuhat paupo sa seawall.

Di ko alam kung ganoon lang ba talaga siya kaliit o ganoon lang kababa ang seawall kasi sakto lang ang pagkakaupo niya para magpantay ang taas naming dalawa.

"Hah! Abot na kita ngayon!" masayang sabi niya nang hawakan ang tuktok ng ulo ko.

"Pasalamat ka sa seawall, naranasan mong maging six-footer."

Date Me, Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon