10. Ligawin

370 57 21
                                    

Facebook Profile

Gusto raw ni Taki Cariño manood ng sunset pero tumambay sa bilihan ng siopao sa gitna ng covered terminalKaya siguro to single ngayon kasi mali mali magdesisyon sa buhayI-guide ko nga to sa tamang daan forever

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Gusto raw ni Taki Cariño manood ng sunset pero tumambay sa bilihan ng siopao sa gitna ng covered terminal
Kaya siguro to single ngayon kasi mali mali magdesisyon sa buhay
I-guide ko nga to sa tamang daan forever

Like • Comment • Share

♥•♥•♥



"Nakakapag-usap pa ba kayo ng mga niligawan mo before?"

"Hindi na."

"Hala, why?"

"Yung first na niligawan ko, 15 pa lang kasi kami no'n. Grade 10. Siya pinakamaganda sa klase namin."

"Wow, bata pa. Tapos?"

"Nag-stop akong ligawan siya kasi nililigawan din pala siya ng math teacher namin."

"Huy, gagi! Bawal 'yon!"

"Bawal nga, pero sa kanilang dalawa, hindi. E, siyempre, di ba? Ano ba'ng laban ko sa teacher namin, e kukuha ako ng grades sa kanya."

"Huy, kahit pa. Bawal pa rin. Pero naging sila?"

"May anak na sila!"

"Shet, men. Ang tinik naman ng teacher n'yo."

"Ang weird na kinukuwento ko 'to tapos magka-holding hands tayo hahaha!" Napatingin tuloy ako sa kamay naming dalawa na magkahawak.

"Awkward ba?"

"Hindi naman. Ang weird lang ng topic."

"Hindi 'yan! Game, yung pangalawa, what happened?"

"'Yon ang bumasted sa 'kin talaga."

"Maganda rin?"

"Hmm, iba yung ganda niya. Hindi . . ." Napatingin ako sa kulay orange nang langit, naghahanap doon ng magandang description. "Hindi ano . . . yung una, gandang Marian Rivera, gano'n. Yung pangalawa, gandang Zendaya."

"E di, maganda."

"Maganda siya talaga. Pero personality niya ang nagdala kasi hindi siya vain. As is where is siya. Wala siyang pakialam sa looks. Basta nahinga siya, ays na."

"Bakit binasted ka?"

"Di ko alam na lesbi pala siya. Akala ko, ayaw lang niya sa 'kin. Dineretsa niya talaga 'ko n'ong sinabi kong liligawan ko siya. Sabi niya, 'Babae rin type ko. 'Wag mo rin akong banatan na subukan kita para maging babae ako, baka sapakin lang kita.'"

"HAHAHA! Gagi! Mas siga pa sa 'yo, men!"

"Oo, gagsti. Di ko nga alam kung matatakot ako o ano. Partida parang magkasing-height lang kayo . . . medyo matangkad lang siya nang slight. Tapang nga, e."

"Ano 'yon? Sa public ka binasted?"

"Hindi. Sa hagdanan ng school. Buti na lang."

"Ah . . . considerate. Pero na-hurt ka na binasted ka?"

"Na-hurt? Hindi. Natawa? Oo. Pero crush ko pa rin siya until now. Ano lang, yung crush na naaangasan ako sa kanya."

"Coca-Cola body ba 'to?"

"Hahaha! Hindi!" Ang lakas tuloy ng tawa ko. "Yung katawan nito, front, back, walang kinaiba, e."

"Hoooy! Bad ka!" Binangga na naman niya ako sa braso.

"Honest lang ako, gagi."

Nakatawid na kami palabas ng Quiapo. Siya na ang pumara ng jeep kasi gusto raw talaga niyang manood ng sunset kahit padilim na nga.

Hawak-hawak ko ang kamay niya nang paunahin ko siyang sumakay sa bagong biyahe ng jeep na kalalabas pa lang sa gilid ng simbahan.

Gusto ko sana sa dulo na malapit sa pinto para madaling lumabas, pero talagang dumere-deretso siya sa puwestong likuran ng driver. Alangan namang maghiwalay kaming dalawa. E di, sumunod na lang din ako sa kanya.

"Sigurado ka ba sa sunset?" tanong ko agad sabay turo sa langit mula sa bintana ng jeep. "Nakakakita na 'ko ng stars, o."

"Di 'yan! Aabot tayo."

"Grabe ka manalig, mam." Dumukot na 'ko sa bulsa ng barya para magbayad. "Isang Luneta lang 'yan, Kuya. Kandong 'tong bata."

"Hoy! 'Pakasama ng ugali mo!" Na-karate chop na naman tuloy ako ng kamay niya.

"Hahaha! Joke lang! Kuya, dalawa 'yan, ha."

"Bully ka, 'no?"

"Joke nga lang! Hirap biruin?" Kinuha ko na ulit ang kamay niyang napaka-cute para hawakan. Inayos-ayos ko naman ng kabilang kamay ang buhok kong sabog-sabog na. "Mag-pray ka na sana may araw pa pagdating sa seaside."

"Meron pa 'yan. Ako bahala."

♥♥♥

Date Me, Please?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin