8. Bulaklak For You

391 61 9
                                    

Facebook Profile

Yabang neto ni Taki Cariño porke kaka-break langWag mo ko inaangasan, ligawan kita jan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yabang neto ni Taki Cariño porke kaka-break lang
Wag mo ko inaangasan, ligawan kita jan

Like • Comment • Share

Angelo De Jesus
Inisandaang porsyento na talaga ni Yokai!

↪️ Yeshua Chael Lavarro
Urur



♥•♥•♥



"Gagsti, ang sulit nito." Nakailang halo ako sa lugaw na full load ng laman. May bagnet, may chicharong bulaklak, saka may nilagang itlog. Tapos nilagyan ko pa ng patis saka pinigaan ng kalamansi, may crispy bawang pa saka yung green na hiwa-hiwa. Solb!

"Etong chicharong bulaklak talaga yung favorite ko." Pagsubo niya, pinanood ko pa siya kung paano siya pumikit at kiligin sa simpleng pagkain namin na tig-99 pesos lang.

Pero pinagtitinginan talaga kami ng mga kargador at drayber na kasama namin sa mesa kasi naka-white wig nga si Taki tapos pakalaki pa ng contact lens na asul. Nangingibabaw siya sa aming lahat.

"Buti nakakakain ka sa ganito," puna ko bago sumubo.

"Sa ganito ako kumakain no'ng college days ko. Tapos tambay kami ng barkada ko sa isawan o kaya sa kwek-kwekan."

Isawan ampota. Sana idineretso ko na siya doon kanina pa!

Ay, shet, maaga pa pala. Sarado pa pala yung masarap na isawan dito.

"Pero na-experience mo nang i-date ka sa ganito? I mean sa lugawan?" tanong ko.

"Sa date, hindi pa."

"First syota mo ba ex mo?"

Umiling naman siya. "Second. Yung first, may boyfriend na ngayon."

"Ay, 'yun lang."

"Pero in good terms kami n'ong first jowa ko. Healthy yung breakup namin kasi nag-out siya tapos tinanong pa niya ako kung itutuloy pa ba naming dalawa. For me, if bet niya ng guy, sino ba 'ko para ikulong siya sa 'kin, di ba?"

"Ano 'yon? Before breakup ba, hindi mo siya naamoy o na-feel na hindi kayo talo?"

"Na-feel ko na 'yon, actually. Nagse-save kasi siya ng mga poging guy sa phone niya tapos ang reason niya was inspiration kasi gusto niyang magka-muscle daw. As in, walang sexy girls or anyone na chick sa gallery niya! Sabi ko pa at first, sobrang loyal niya kasi walang gano'n sa phone niya na babaeng naka-bra or what. Tapos malalaman ko . . . 'yon. Ayaw pala talaga niyang ma-pollute ang gallery niya hahaha!"

"Gagi, pollute agad. Pero angas ng rasunan, ha. Gustong magka-muscle."

Sinandok ko ang isang chicharong bulaklak sa mangkok ko at inilipat sa kanya.

"Huy!"

Sabay pa kaming nag-angat ng tingin para tingnan ang isa't isa.

"Sa 'yo 'yan, tange!" sermon niya na natatawa pa.

"E, mukhang kulang sa 'yo yung nasa lugaw mo, e."

"Huy, gagi, okay lang naman. May bagnet pa naman. Kaso di ako kumakain ng taba. Sad."

"Akin na lang yung bagnet mo, sa 'yo na yung bulaklak ko."

"Sure ba?"

"Sure nga! Pero sisirin ko muna lugaw ko. Magkamukha na yung bagnet saka bulaklak, e."

"Hahaha! Sige, sige."

♥♥♥

Date Me, Please?Where stories live. Discover now