Kabanata 2

102 10 3
                                    

Third Person's POV

Pasado alas onse nang gabi nang matapos ang inuman ni Sara, Mina, at Christina. Lasing na nakauwi si Sara sa bahay nito hindi kalayuan sa pinagtatrabahuan nito. Naiwan naman si Mina sa apartment nito na naglilinis ngunit hindi niya mapigilan mag-alala sa dalawang kaibigan kaya tinawagan niya ito.


"Christina! Nakauwi ka ba ng safe?" nakapamewang na tanong nito sa telepono.


"Yes, Ms FA. Inaantay ko lang makatulog si Sara, ang kulit pag lasing eh." sagot ng nasa kabilang linya.


"Huwag ka na mag drive ulit kapag tipsy ha, kanina pa ako kinakabahan sa inyo."


"Kaya ko naman."


"Still..." Mina trailed. Naging tahimik naman sila ilang segundo bago ito nagsalita ulit, "at kailan ka aamin kay Sara?"


"Ha?" napahinto naman ang taong nasa kabilang linya.


"Hahambalusin kita, Tina."


"Ano nga? Bakit aamin?"


Napahilamos nalang si Mina sa mukha, "Kapag ikaw naunahan."


"Bakit mauunahan? Anong meron?"


Nanatiling tikom ang bibig ni Mina at napatango-tango na lang ito. "Nothing."


Bong's POV

Dalawang katok at agad ako pinagbuksan ng mayari sa penthouse. Ni hindi ko maisip na pinagbawalan nga pala ako nito lumabas dahil aniya'y dapat nagpapahinga ako.


"Robin, may boyfriend si Sara?"


"Ano? Bakit ka nandito?" naguguluhang sambit nito. Napaiwas naman ako ng tingin. "Pasok ka na nga lang muna." sinunod ko naman ito at naupo sa couch.


"May nakita akong sumundo sa kaniya."


"Aba't talagang nagpunta ka pa? Di ba dapat nagpapahinga ka?"


Tiningnan ko lang siya kaya napabuntong hininga na lamang ito.


"Seryoso, Bong, what's with this sudden obsession with Sara? Akala ko ba nagkita na kayo five years ago? Akala ko nagka-ayos na kayo?"


"I lied. Hindi ko siya nahanap."


"What?" Napakamot siya sa batok.


"Kaya nga ako umuwi agad nung sinabi mong nakita mo siya."


"I don't know what to do with you. Nag-usap na ba kayo?"


"Not yet. I chickened out."


"Bong..." aniya at bumuga ng malalim na hininga. Alam ko, nakakadagdag sakit lang ako sa ulo neto, dahil alam niyang siya lang ang napagsasabihan ko sa problema kong ito.


"Tsaka nandoon yung boyfriend niya, ayaw ko naman maghanap ng gulo."


"Eh, kakausapin mo lang naman?"


"I will, next time."


"Ayan ka naman sa next time mo."


"I'll make sure next time... kasi baka wala nang next time." tipid akong ngumiti. Blanko lang itong nakatingin sa akin, kaya iniwas ko ang topic na ito, napalunok ako, "anyway, may extra room ba kayo ni Mariel dito?"


"Man! Don't tell me dito ka matutulog?"


"I'm too tired to drive home." sabi ko nalang. Alam ko namang mahal ako nito kaya paniguradong pagbibigyan niya ako.


Remembering UsWhere stories live. Discover now