Kabanata 14

95 10 5
                                    

Sara's POV


Dalawang araw...


Dalawang araw akong hindi lumabas ng bahay simula nung bumisita ako sa ospital. Alam ko naman sa sarili ko na may posibilidad nga 'yun dahil ramdam ko namang iba makitungo sa akin si Bongbong kesa kay Robin kahit parehas ko silang naging kaibigan.



Hinahayaan ko lang ang sarili sa ngayon na i-process sa sistema ko ang katotohanan. Sa loob ng dalawang araw na iniisip ko ang mga maaring nangyari ay madalas na sumasakit ang ulo ko dahil sapilitan ko nang inaalala ang mga bagay na ayaw parin ibigay sa akin. 



Bago ako nun tuluyang umalis sa ospital ay nakasalubong ko pa si Robin na nakaupo sa mahabang stainless steel chair na umiinom malapit sa vending machine. 



Ngumiti ako ng pilit sa kanya saka lumapit. Nanatili naman ang tingin niya sakin na tumayo. "Kumusta?"



Tumango ako bilang pahayag na maayos kaming nag-usap. "May tanong ako." Alam kong alam na niya ang itatanong ko, pero nanatili parin sa mukha niya ang pagiging seryoso at kuryoso. 



"Ano yun?"



"Totoo bang naging boyfriend ko si Bongbong?" diretsong tanong ko. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pag-iwas niya ng mukha niya at ang pagsilay ng maliit na ngiti sa labi. Napakunot ako ng noo.



He crossed his arms, pilit na pinipigilan ang ngiti. "Nakwento na pala niya sayo?"



"Yun lang ang sinabi."



His face switched from being amused to being confused. Siya naman ang napakunot ng noo ngayon, "Ah, so sinabi niya lang na naging ex mo siya ganon?" 



"Oo. So... totoo ba?"



Tumango-tango siya, "Yes," tugon niya. "Naging kayo for almost 3 years din." dagdag pa niya.  



"Oh..." I sighed. May kwento nga pala talaga sila sa buhay ko. At alam kong may dahilan din kung bakit kami nagkatagpo muli. Malalim ang naging relasyon ko sa kanila. "Eh... Bakit kami naghiwalay?" 



Natahimik naman siya at agad na pinagdiin ang labi, "I'm sorry, Sara, but that's not my story to tell. Mas mabuti pang sa kaniya ka magtanong." 



Tipid lang akong tumango. "Salamat Robin." sabi ko at umalis na. 

Remembering UsWhere stories live. Discover now