Kabanata 5

114 12 3
                                    

Sara's POV


Sa mga nagdaang araw ay madalas ko nang nakakausap sa chat si unknown person. I hate to admit na masaya siya kausap, panay rin ang laro namin sa online games, madalas pa siyang bumabanat pero di ako nagrereklamo dahil benta naman 'to sa akin. Ni hindi ko nga maisingit sa usapan ang pagtatanong sa totoong identity nito. Siguro mas okay na rin na ganito, para mas iwas sa attachment. 


Nagtataka nga lang ako minsan dahil parang alam niya ang mundong ginagalawan ko.Naitanong niya rin sa akin yung about sa The Quatro Brigade na hindi ko naman kailanman binanggit sa kanya. Ang creepy niya lang pero di ko alam bakit ayaw ko naman tantanan ang mga messages niya.


Kasalakuyan kong kausap si Mr-i-don't-know nang biglang lumabas sa notification bar ang mensahe mula kay Miss Pia.


Pia: Good evening, Sara!


Sara: Good evening, Miss Pia


Pia: As you know, on-going na ang rehearsals ng The Quatro Brigade. Wala kasi silang runner currently. Can you start the job tomorrow? Don't worry add na 'yun sa pay mo.


Oo nga pala, malapit na ilabas sa public ang tour dates nila kay mas magiging busy ang mga ito sa pageensayo.


Sara: Goods po sa akin 'yan, Miss.


Supposed to be next next week pa ako magsisimula pero mabuti nalang at napaaga dahil of course, alila tayo ng pera at isa pa, bored na rin ako. Masaya naman kasama yung boys ng banda eh, sobrang kulit nga.


Isa rin sa rason kung bakit gusto kong pumasok na sa trabaho ay gusto kong tanungin si Robin at Bongbong tungkol sa nakaraan. Kung sila'y totoong batchmates ko nga noong high school, baka sila na 'tong mga taong makakatulong sakin na makaalala.

Alam ko, nararamdaman ko na naging malaking bahagi sila ng buhay ko noon.

***

Bong's POV


Kasalukuyan akong nasa practice room at walang bakas ni anino ng mga kumag. Hindi kaya tulog pa ang mga yun?


Halos madaling araw na kasi kami nakakauwi nitong makaraan dahil buong araw din namin ineensayo ang mga kantang kakantahin sa tour. Pero kahit sa sobrang busy ng schedule ko, hindi ko nakakalimutan kamustahin si Sara bilang isang taong naage-exist lang sa cellphone niya at pasimple itong binabantayan tuwing naririto siya. Sometimes, she's here for sub muna habang hindi pa nagsisimula ang tour.


Masaya na akong nakakausap ko siya unti-unti kahit palihim. Ayaw ko naman umamin na ako 'yun dahil alam kong maiilang lang siya sa akin. Lalo pa't niyakap ko siya nung una na walang pa-abiso.


Lumabas muna ako ng practice room para tumungo sana sa isa pang opisina pero nahagip ng paningin ko si Sara sa isang open room kasama si Robin. Napakunot ako ng noo. Bakit sila magkasama? Out of curiosity, lumapit pa ako para marinig sila.


"Ganon ba?" ani Sara at napayuko, mukhang katatapos lang magkwento ni Robin. Fuck, don't tell me he told her about us?! "Pero wala parin akong maalala eh, but I knew the accident happened before the graduation because I saw people from the batch extended help pero wala ni isa sa kanila ang nagkwento. Sobrang hopeless ko na nga sa mga nagdaang taon dahil kahit anong pilit ko sa mga kaanak ko eh ayaw naman nila sabihin yung nangyari sa akin." saglit itong natahimik.


"I'm sorry to hear that, Sara." ani Robin.


Ngumiti nang tipid si Sara, "Masakit sakin na ang tanging impormasyon na sinabi lang nila pagkagising ko sa coma ay ang pagkamatay ng tatay ko... Hindi ko lubos maramdaman ang sakit ng isang anak non.. dahil nahirapan ako alalahanin lahat ng mga alaala ko sa kaniya. Hindi ko nagawang magluksa dahil may mga bagay pa akong gustong maramdaman at alalahanin. Akala ko dun na natatapos ang mga masasakit na pangyayaring yun nang nalaman kong dalawang buwan bago ako nawalan ng alaala ay nawala naman sa akin ang nanay ko..." I lifted my head up and saw a tear fell down her beautiful cheeks. "d-dahil sa leukemia... Yes, I had no one."


Tinapik naman siya ni Robin sa balikat at dahan na isinandal sa balikat niya ang ulo ni Sara.


"So please, help me... remember."


Parang sinaksak ang puso ko sa narinig. I didn't know what she went through after I left. I caused her more pain. Kung sana hindi ko ginawa yun... kung sana nandun pa ako... hindi niya mararanasan lahat ng ito na mag-isa. Shit!





I couldn't stop blaming myself for what happened kaya umalis ako sa kinatatayuan at mabilis na naglakad patungo sa balcony ng 3rd floor. How did I let all these happened sa taong pinakamamahal ko?





Tama bang ipaalala sa kanya ang pait ng kanyang nakaraan? I don't want to hurt her... but fuck, sinong niloloko ko? Eh isa ako sa mga nanakit sa kanya.





Mas mabuti nalang siguro na ako nalang yung nakakaramdam... I don't want her to go through that hurt again.





A few more breaths outside, I felt a presence behind me. Pasimple kong pinunasan ang luha at tumalikod para tignan ang taong sumunod.





It was her, bringing a cup of coffee and a small smile on her face. "Coffee po?"


Napapikit ako saglit. Nakakaramdam nga ako.


Her voice still soothes me. Her presence still calms me. Her eyes has always been gentle and deep, it mirrors the first rays of sunlight that gently illuminate my world. It possesses a captivating warmth, filling everything that surrounds us with hope and possibility.


But now, all that my heart could do is shake inside inside its cage. Sadness is flooding over me.


She doesn't remember me. I may have caused that, and I probably deserved to be forgotten by her.


"Sir Bongbong, kape po?" Naputol ang mga iniisip ko nang magsalita ito muli. I looked away tsaka lumapit sa kanya at kinuha ang kape mula sa mga kamay nito.


"Thank you," sabi ko.


She didn't respond. She just stood there standing and observing me, animo'y parang may gustong itanong pero may pumipigil.


I let out a long and heavy sigh when she walk past me.


That moment...


a big part of me regretted chasing my dreams of being a musician in exchange of leaving my love.


***

A/N: Cause she was sunshine, I was midnight rain... :)

Remembering UsWhere stories live. Discover now