Kabanata 12

61 10 2
                                    

Third Person's POV


2 weeks later...


Umaga nang kasalukuyang nasa Araneta Coliseum ang banda para sa kanilang final rehearsal para sa 2nd concert nila mamayang gabi. Sa nakalipas na mga araw ay naging mas malapit pa si Bongbong at Sara sa isa't-isa, patuloy pa rin ito sa pagpunta at paggising sa kanya sa mga araw na pahinga at nakakauwi si Bongbong mula sa kanilang puspusang pag ensayo. Minsan din naman nakakapag-usap pa rin sila sa kalagitnaan ng trabaho, dahil nagta-trabaho pa rin naman si Sara bilang roadie ng banda.


Nasa pagse-set ng mga gamit si Sara nang nilapitan siya ni Bong.





"Hey, you good? Have a drink." ani Bongbong paglapit saka binigyan si Sara ng Pocari Sweat. Nilingon naman siya nito at agad na kinuha ang inumin.





"Salamat boss, ayos lang. Ang bilis, concert niyo na ulit mamaya." tugon ni Sara saka tinignan ang paligid na manghang-mangha sa laki nito. Nanatili namang nakatitig sa kanya si Bong.





"Yeah. You seem excited."





"Oo naman. Ang saya kaya ng trabaho sa concert stage."





"Masaya kang... mag-set up?" tanong ni Bong. May mga ibang instrumento kasing mabibigat at mahahabang wires na kailangan i-put up kaya tiyak siyang hindi ito masayang gawin.





Natawa naman si Sara. "Oo, masaya rin naman ako kasi marami akong nakakahalubilong staff at ibang artista bukod sa inyo na lagi kong nakakasama."





Tumango-tango naman si Bongbong bilang pagsang-ayon. "Yeah, they're great people too. By the way, I just want to inform you that you don't have to drive me tomorrow. Manager Pia will pick us all up. Something about disappearances ng member. Si Herbert kasi nagpa-late sa schedule ng tv guesting the other day."





"Oh baka naman natauhan na sila dahil sa bigla mong pagkawala noon.." tumatawang sambit ni Sara na nagpatigil kay Bongbong. She knows? he thought.





"Alam mo pala 'yun..."





Saglit din na natigilan si Sara sa pag-aakalang sensitibo ang topic na ito para kay Bongbong. "Uhh... napag-usapan lang ng ibang roadie noon. Hmm if you don't mind, bakit ka nga pala nawala noon pagkatapos ng kasal nila Robin?"





Umiwas ng tingin si Bongbong saka kinuha ang electric guitar at umupo sa isang high stool, sinundan naman siya ng tingin ni Sara. "Ah, yun ba? Hinanap ko lang ang sarili ko."





Tumango-tango si Sara, "Nice. Nahanap mo ba?" pabarang tanong nito upang mapagaan ang usapan.





Bongbong smirked saka siya tinignan, "Oo. Akala ko nga nasa Switzerland ang hinahanap ko, nasa Pilipinas lang pala."





"Ah.. naiwan mo ang sarili mo sa Pilipinas kaya ka bumalik?" tanong pa nito na nagpa-liit pa lalo ng mga mata ni Bongbong. "Pero bakit nga pala sa Switzerland?"





"It was supposed to be the last destination of my trip actually, but I'll tell you later on." aniya at tipid na nginitian si Sara. Nanatili naman ang titig nito na parang sinusuri sa mata niya ang totoong rason ng pagkawala nito noon. Bongbong shooked his head, and strummed the guitar few times bago magsalita. "Anyway, random fact about you, you loved watching romantic-comedy films."





Tumaas lang ang kilay ni Sara, hindi makapaniwala. Somehow.. cringed.





"Yes, you and Robin had a fascination with them. Hindi ko rin makuha bakit."





Remembering UsWhere stories live. Discover now