Kabanata 6

61 11 1
                                    

3 days after...

The Quatro Brigade released the #AngUnangLayagTour. Venues will be held at Music Museum in Greenhills; at Philippine Arena in Bulacan; and at Araneta Coliseum in Quezon City.





5 days later (fast forward)


Sara's POV


The boys already released their tour dates. Bilang roadie, nae-excite ako dahil bukod sa may free travel ako with the band ay may free concert pa ako. In a few weeks ay magsisimula na ang tour kaya halos hindi ko na nakakausap yung ibang nasa banda except kay Robin.





He pledged to help me in ways he can. Mabuti nalang at mabait ito at pala-kaibigan kaya hindi ako masyado naa-awkward pag kausap siya. Si Bongbong naman, hmm.. he doesn't seem approachable, palaiwas ito pero mabait naman siya sa akin.





Ngayon, nasa coffee shop ako kasama si Christina and Amenah na galing din sa trabaho. Catch up and bonding na rin bago magsimula yung tour.


"Kumusta naman yung work mo so far, Inday?" tanong ni Amenah.





I sip on my coffee, "Ayos lang. Madali lang sa ngayon kasi food and coffee runner lang ako."





"Hmm. How about those band boys as your bosses?" tanong naman ni Tina, hindi nakatingin sa amin.





"Woww! Maka band boys, parang 'di mo ex isa dun ah." pang-aasar ni Mina. Napailing nalang ako.





"Oh shut up, Amenah." irap na sabi ni Tina.





"Mabait naman silang lahat, especially Robin kasi ine-entertain naman niya questions ko about sa high school."





"Well, how about the Marcos?" ani Mina.





Saglit akong natigilan sa tanong niya dahil naalala ko ang awkward na tagpo namin sa building na yun, "Medyo seryoso kasing tao yun, laging nagsusulat kaya si Robin muna ang kinukulit ko." I smiled. "Siguro next time, try kong kausapin." Dugtong ko pa.





"May naalala ka na?" tanong naman ni Tina.





"Wala pa nga eh." sabi ko at nilagay sa coffee table ang kapeng hawak, "Pero alam niyo bang outstanding student daw ako sa klase? Akalain niyo yun?" nakangising wika ko. Nakita ko namang nalukot ang mukha ng dalawa.





"Wow, mukhang matindi talaga ang pagkakabagok ng ulo mo non noh? Bano ka na kasi ngayon." pambubwisit na sabi ni Amenah.





"Tss.. ay wait, may tatanong nga pala ako kay Robin." saka ko kinuha ang cellphone ko sa purse na dala ko.





Sara: Idol Robin, last question today, anong paborito kong meryenda nung high school?





Robin: Banana Cue





Sara: Nice, thank you idol.





Robin: Wala yun, Sara. Nakakatulong ba sa pag-alala mo?





Sara: Sa totoo lang, wala pa rin. :)





Robin: Oh, just take it slowly but surely, makaka-alala ka din someday. What about Bongbong? Bakit di mo siya kausapin?





Sara: Ano kasi, natatakot ako kay sir Bong eh. :)





Robin: Bakit naman?





Remembering UsWhere stories live. Discover now