Kabanata 9

59 10 2
                                    

Third Person's POV


Natapos ang unang konsyerto sa Music Museum at naging matagumpay naman ito. Mas lalong umingay ang pangalan ng banda sa buong bansa. Laking pasasalamat ng apat sa naging matagumpay na unang gabi ng kanilang tour.





Sara: Boss Robin, congratulations sa successful first night ng tour. :)





Robin: Thank you, Sara. Di kita nakita sa dinner?





Sara: Ay! Need magpack-up ng equipments eh. Di ko na kayo nabati ng personal... Kung okay lang, pwede pahingi ng number ni sir Bongbong? Babatiin ko lang.





Mabilis naman na naibigay ni Robin ang numero kaya masaya lang siyang pinasalamatan ni Sara. She was about to type a congratulatory message when she saw previous messages between her and the number that Robin gave.





Napalunok siya dahil sa nakita. Tinanong niya pa ulit si Robin kung tama ba ang naibigay at nang masiguradong tama nga ay napasuklay na lang siya sa buhok niya. She leans back on the couch where she's seated, processing the information.


***


"Para sa tagumpay ng unang gabi!" sigaw ni Herbert at sabay nilang narinig ang pag pop ng cork out of the wine bottle.


"Hindi ba kayo napagod? We should be sleeping by now. Come on, maipapabukas naman 'to." inis na sabi ni Bongbong. Pagkatapos ng dinner celebration nila with their team ay may sarili namang inorganisa si Herbert na selebrasyon na sila lang apat sa condo ni Bongbong.





"Ang KJ mo talaga. Can we just enjoy the night, brother? Mas masarap i-celebrate ngayon kasi fresh pa ang lahat sa pakiramdam." ani Herbert at sinalinan sila isa-isa ng wine.








Napailing naman si Duke. "Damn this guy. Don't tell me may after-party every after leg of the tour? Papatayin mo ba kami sa pagod?"





"Just tonight, bro. Okay?" saka itinaas ni Herbert ang wine glass niya. "Cheers!"





Ilang saglit silang natahimik, ninanamnam ang simoy ng hangin mula sa balcony ng condo ni Bongbong.





Bongbong's mind is clouded with the scenario that happened earlier at their concert. As much as he wanted to escape the pain of remembering the past, by seeing Sara, the memories continued to haunt him, lurking in the corners of his mind like shadows that refused to be ignored.





But all he wanted to do now is to make amends, and he knows it wouldn't be easy. It meant facing Sara, and taking responsibility for what he had caused.





"Para kanino ba talaga yung hanggang sa huli na kanta?" Napabalik naman sa wisyo si Bongbong nang marinig ang tanong ni Duke. Alam niya na magtatanong sila at in time malalaman din nila ang totoong nangyayari. Kaya hangga't maaari, dadahan-dahanin niya.





"Ang kanta naman nagbabago ng ibig sabihin bawat kabanata ng buhay mo. Maaaring kahapon, tungkol yun sa sarili ko. Maaaring ngayon, patungkol sa kwento ng taong napangakuan ko. O maaaring bukas, umuukol sa kwento ng pagsusumamo sa taong napangakuan ko."





"Damn bro. You sound like a poet. Iba ka talaga magmahal no?" sabi ni Herbert na nagpagaan sa mood nilang apat. Pailing-iling nalang na napainom si Bongbong. "Nga pala, Robin, may jowa ba si Sara?"





"Meron yata." agad na sagot ni Bongbong saka tinignan si Duke. "Guess who?"





Tumaas lang ang kilay ni Duke saka ito bumuga ng hangin.





Remembering UsWhere stories live. Discover now