Kabanata 15

78 7 5
                                    

Sara's POV


Today's another concert day. Maaga akong nakarating sa arena at agad na nagsimulang mag-ayos ng mga gamit ng banda. Maya-maya ay paparating na rin sila para sa kanilang soundcheck.


Habang lumilipas ang oras ay mas lalo kong nararamdaman na may bumabagabag sa akin. Para bang naninibago ako sa trabaho ko ngayon, eh alam ko namang iyong nakasanayan lang ang ginagawa ko. Ngayon ko lang ata hihilingin sa tanang buhay ko na bagalan ang oras.


Ever since nalaman ko ang tungkol sa nakaraan namin ni Bongbong ay hindi niya na ako tinantanan. Araw-araw ay tine-text niya ako sa mga bagay bagay at lagi rin niyang dinadahilan ang matagal niyang paggising para mapuntahan ko siya, kahit pa alam kong tinanggap ko 'yun bilang trabaho ko. Malinaw na kasi sa akin kung bakit niya pa ako pinagtrabaho sa kaniya.


Habang tumatagal ay mas nahihirapan akong alamin ang totoong estado ng puso ko, oo iba na ang nararamdaman ko pero ayaw ko pang aminin sa sarili ko. Ang dami ko pang tanong sa isipan ko at masyado pang maaga para pumunta dun.


Narinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ko sa bulsa kaya kinuha ko ito at nakita ang text message mula kay Bongbong.


Bong: Good morning, we'll be there in a few. Ready ka na ba sa itatanong ko mamaya?


Sara: No <3 I'm working.


Bong: Alright. Take care. See you later.




Nang makarating na sila ay sinadya kong hindi magtrabaho nang malapit sa kanila. Buti na rin  lang at wala ni isang lumapit pa sa kanila, naging busy na rin ang mga ito dahil tuloy tuloy na sila sa pag-aayos pagkatapos ng soundcheck.



Habang on-going ang concert ay hindi ako mapakali. Nakita ko na sila sa stage at naalalang kalalabas nga lang pala ni Bongbong sa hospital, dumagdag pa iyon sa inaalala ko ngayon. Alam kong hindi pa siya 100% okay dahil halos wala rin itong pahinga sa mga nagdaang linggo dahil sa training nila.





Hindi ko na namalayan ang mabilis na paglipas ng oras at ngayo'y tapos na ang konsyerto. Habang nagliligpit ng mga instrumento ay patuloy ang pagtunog ng cellphone ko sa bulsa. Hindi ko na muna iyon pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa.





Nang matapos ko ang mga gawain ay saka ko lang kinuha ang cellphone ko at bumungad sa notification center ang mensaheng kanina ko pa ina-anticipate.



'Meet me at the center of the stage after you're done packing up.'


Bakit sa stage pa? Baka makilala siya ng mga fans at baka ayaw pa nitong magsi-alisan, ayoko namang makita nila na ako ang nagiging dahilan kung bakit bumalik si Bongbong doon sa stage.





Naguguluhan man pero sinunod ko parin ito. Tahimik akong naglakad palabas ng backstage papuntang stage, may iilan pa akong nakitang nagliligpit pero halos wala na rin ilaw. Tumingin ako sa gitna ng stage at doon ko nakita ang silhouette ng isang pigura. Nang maaninagan siya ng ilaw ay doon ko na-kumpirmang si Bongbong nga iyon na nakapamulsa habang naghihintay.


Kabado man ay tumungo ako.


Habang papalapit ay nakita ko na agad siyang nakatingin sa direksyon ko, pero mukhang kanina pa pala ito nakatingin sa direksyon na pinaglabasan ko na para bang alam niya kung saan ako lalabas, napalunok ako nang magtama ang tingin namin. Nang makalapit ay saglit siyang tumingin sa paligid at nang mapansing may natira pang staff ng banda ay parang nag-alinlangan pa ito.




Ilang saglit pa ay lumapit siya sakin at binigyan ako ng lihim na side-hug, "Hi. Na-miss kita," aniya.


Sa simpleng salita na yun ay parang nagtatatalon ang mga laman loob ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi saka saglit na yumuko, "Iyan lang ang sasabihin mo?" pagmamaang-maangan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remembering UsWhere stories live. Discover now