Kabanata 11

64 12 3
                                    




Sara's POV


Buong araw ay naging abala ako sa paglilinis ng buong apartment ko. Sa kabila kasi ng kaliwa't-kanang pagta-trabaho bilang preparasyon sa unang concert ay madalang na akong manatili dito, pag-uwi ay tulog agad, tapos maaga pa ang alis kinabukasan kaya hindi ko na masyado napapanitili ang kalinisan ng unit ko.





Nasabi ko na rin pala sa mga kaibigan ang bago kong trabaho. Nakausap ko sila kanina at masaya ako na suportado nila ako, ayun nga lang, may trust issues sila sa boss ko dahil parang ang lame daw ng excuse niya for hiring me. Pinaintindi ko naman sila at inassure ang kaligtasan ko kaya goods na sila.





Matapos ang isang mahabang araw ay naisipan kong uminom mag-isa, canned beers lang naman kaya hindi ako matatamaan. Sinet-up ko lang ang lawn chair sa maliit kong balcony saka nilabas ang supot na binili ko kanina t nagsimulang uminom.





The sky is filled with stars, twinkling like distant memories. The stars... they must know. They've seen it all. They've been the keepers of my lost memories. I want to ask, I want an answer. Pero napangiti ako nang matipid nang napagtantong ang mga bituin, kahit na tila napakalapit, ay nananatiling malayo at misteryoso, tumatangging ibigay ang mga sagot sa tanong ko.





Sana balang araw, handa ka nang sabihin sakin kung sino ako...





Sa gitna ng pagmumuni ko ay bigla akong nagulat nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko sa mesa. Kunot noo ko itong tinignan tsaka kinuha. Napanganga ako nang nakita ang mga iba't-ibang pangalan na nag-follow sa akin sa isang mobile app. Hindi ko mawari kung anong naging dahilan sa biglaan kong pagsikat sa pagtitingin lang ng mga bituin.





Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang totoong dahilan nito... lumabas sa pinakaunang notification ko ang pag follow sa akin ni sir Bongbong. Napalunok ako nang mabasa ang samut-saring spekulasyon tungkol sa akin at sa relasyon ko sa lead vocalist ng banda.





Myghad. Instant celebrity na ba ako? Di ako prepared.





Sagot mo na ba to, stars?





Muli akong napatingin sa cellphone nang tumunog ito dahil may natanggap akong mensahe... mula kay sir Bongbong.





Bongbong: Don't mind the fans. They can be a lot to handle at times.





Napakamot ako sa batok nang makita ang mensahe niya. Eh bakit mo pa kasi ako finallow? Mukhang gugulo pa lalo buhay ko ah.





Sara: Hehe okay lang naman ako sa kaonting atensyon.





Bongbong: That's very unlike you.





Sara: Hehe oo nga. Pero ang ganda ko raw. ^_^





Sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko alam na sa loob ng ilang minuto ay nahalungkat na ng social media team ang mga litrato ko at pinagpiyestahan ito. Ang mabuti nalang, sa ngayon, ay wala akong nakikitang masasakit na salita kundi puro pa puri... sa ganda ko.





Bongbong: Because you are.





I pursed my lips. Kinuha ko ulit ang canned beer ko saka ito nilagok. Pakiramdam ko nag-init pati mukha ko sa ininom.





Bongbong: Anyway, nag restock ako ng laman ng fridge. Cook for two tomorrow bago mo ako gisingin.








Sara: May kasama ka ba sa place mo sir?





Remembering UsWhere stories live. Discover now