Prologue

21.7K 292 25
                                    

"The course of true love never did run smooth."
- William Shakespeare

PROLOGUE

"Come on, Sis. I can't go back to the Philippines. Busy ako kay Kai. At saka wala akong pamasahe pabalik diyan," I said while peeling the apple my son requested for.

"Oh, come on too, Sam. Minsan lang nga ako mag-request sa iyo!" rinig kong sagot niya sa kabilang linya. "At isa pa, ikaw? Walang pamasahe? Sinong niloloko mo, Sam Alexis Kainashi? Sa pagkakaalam ko kasi isa ka ng sikat na manunulat at the same time isang architect? Oh my gosh, Sam. H'wag mo akong pinagloloko."

I smiled and said, "Pasensya na talaga, Ate."

"Please, Sammy? Isang beses lang ako ikakasal sa tanang buhay ko. Tapos 'di mo pa ako sisiputin? Ang sama mo. Kahit sumaglit ka lang dito."

Bumuga ako ng marahas na hangin. "Resha Kainashi, ayaw mo talaga akong tigilan ano?"

I heard her chuckled from the other line. "Oo naman, 'no! I want to see your son, my nephew. And also, gusto kong ipakilala ka formally sa asawa ko. Nung engagement night kasi nagmamadali kang umalis papunta riyan sa Japan."

I mentally facepalmed to myself. There's no way na mananalo ako kay Ate. "Okay, fine. But sasaglit lang kami riyan. My son is still studying, you know."

"Thank you so much, Sis. By the way, how old is he now? Gosh, I want to meet him!" bakas sa boses nito ang pagkagalak.

There's no way you'll meet my son, ate. "He's four years old."

Naglakad ako papuntang kwarto at naratnan ang anak kong nag-so-solve ng math problems. "Here's your apple, baby."

Nag-angat siya ng tingin sa akin at masiglang lumapit.

"Ate, I'll hang up na muna. Tawag ka na lang mamaya. Bye."

I didn't wait for her response and turned off the call. Lumapit ako sa anak ko at mabilis naman itong umupo sa kandungan ko.

"Anata wa totemo kanashī yo, mama. Dōshite?" he asked as he caressed my cheeks using his small palm. [translation: You look so sad, Mommy. Why?]

Napangiti ako nang wala sa sarili. Kai Ashley Kainashi, my four years old son. Sa edad niyang apat, parang alam na nito lahat. Back when he was still three, natuto na agad siyang magbasa at magbilang. When he turned four, he mastered the art of music. Marunong na siyang magpatugtog ng violin.

"Nanimonai, akachan. Soshite, mama wa kanashī kotode wanai," I answered him. [translation: Nothing, baby. And Mommy is not sad.]

Tumango ito at niyakap ako. Father? Wala siya nu'n. After what happened five years ago, lumipad agad ako patungo rito sa Japan. Tinulungan ako ng matalik kong baklang kaibigan na si James. He's a half Japanese kaya hindi impossibleng may tirahan siya dito.

Dito ako nagtapos ng kolehiyo. I finished my master's degree and worked hard for me and my son. Just right after I graduate, unti-unti na ring lumobo ang tiyan ko kaya naghanap ako ng trabahong carry lang sa bahay. And that's when I found the writing thingy.

At first nahihirapan ako, pero 'di naglaon ay nakasanayan ko na rin. Nagsusulat ako ng mga storyang impossibleng mangyari sa totoong buhay. It is also my way of escaping reality.

After kong manganak kay Kai, nag-apply agad ako as an architect sa Nikken Sekkei. Ang pumapangalawang sikat na architecture firm sa buong mundo.

I hired a babysitter for my son. Naghahatid papuntang paaralan at nag-aalaga sa anak ko, lalo na't sa t'wing may projects ako outside the country. Like when I was in Berlin, I almost stayed there for more than two months. Just constructing a private hospital. Pasalamat nga ako at nakakaintindi ang anak ko, dahil kung hindi ay ewan ko na lang.

Forbidden PleasureWhere stories live. Discover now