Chapter 10

11.6K 263 13
                                    

"She caught her breath. He had said it-the words there was no going back from."
— Cassandra Clare


Chapter 10

Sunod-sunod akong napamura habang nakatitig sa drafts na ginawa ko ayon sa kagustuhan ni Kiyo. Natapos ko nang iguhit ang mga ideyang hinahanap ni Kiyo ngunit pakiramdam ko ay mayroong kulang. I know that Kiyo is a perfectionist. Kinakailangan kong isumite kay Kiyo drafts na ito. It's already a week by now.

And a week since I lost my sketchpad. I was thinking that maybe I left it on the airplane.

"Snack?" Nag-angat ako ng tingin sa taong nag-abot sa akin ng burger. Nakangiting mukha ni Hiro ang bumungad sa 'kin.

Hinilot ko ang aking sintido at binitiwan muna ang lapis at nilapag ang sketchpad sa mesa. Tinanggap ko ang iniabot niya at sumandal aking kinauupuan. I'm sleepy. "Thank you."

"Loosen up a bit, Sam. You're stressing yourself," nakangiting sambit nito at umupo sa aking mesa.

"Oo nga, Sam," sabat ni Claire sa usapan. "Pansin ko rin na puro ka na lang trabaho. You didn't even join us during lunch breaks."

Napangiti ako sa turan nito. "I seriously need this done, Claire. I-sa-submit ko ito kay Kiyo bukas."

Umingos ito habang si Hiro ay nakikinig lamang saming usapan habang ngumunguya ng kinakain niyang burger. "Kami ang na-i-stress sa 'yo, e. Kinakabahan na kami kapag binibigay na namin ang output namin, baka may mapuna ka pa."

"True!" pagsang-ayon ni Ren kay Claire. "Pansin ko rin na kanina mo pa tinititigan ang drawing mo. Come on, Architect. Trust your skills."

Ren and Claire are both architects under my supervision kaya ganito makareklamo 'tong dalawang 'to. "We need to finish this by today."

"Tapos na kaya 'yan," saad ni Claire. "Hindi ka lang makuntento kakatitig."

I saw Hiro shook his head. "Take a rest, Sam."

"Oo nga!" Ngumiti si Claire. "Let's go party tonight? It's friday naman, e. This week was a hell week for me. I think I need a break." Maarte nitong pinaypayan ang sarili na ikinailing ko.

Magsasalita pa sana ako nang mag-ring ang phone ko. It's James.

Rinig kong sumipol si Hiro. "Lover boy's calling."

"Siraulo, alis!" Tinaboy ko ito palayo bago ko sinagot ang tawag ng anak ko. "Hello?"

"Mama!" my son exclaimed. "Sudeni anata ga inakute sabishikattadesu. Itsu koko ni kite kuremasu ka?" [translation: I missed you, already. When will you visit me here?]

Napangiti ako at pinaglaruan ang lapis sa kamay ko. "Nichiyōbi ni anata o tazunemasu, akachan. Issho ni mōru ni ikimashou." [translation: I'll visit you on Sunday, baby. Let's go mall together.]

"Yey!" he exclaimed. "Dewa, omocha o takusan kaimasu ka?" [translation: Then, we'll buy a lot of toys?]

"Hmm-mm," I hummed as an answer. Napangiti naman ako nang tumili na naman ito. "Mama wa ima hataraite imasu, beibī. Atode denwa shimasu ne." [translation: Mommy is working at the moment, baby. I'll call you later, okay?]

"Okay. I love you, mom."

"I love you, too," I said and smiled. My son would never fail to make me smile.

Nang maputol ang aming linya ay agad akong humikab. Now, my mood is lifted. Magaan na ulit ang pakiramdam ko.

Isa sa mga rason kung bakit palaging may bumabagabag sa akin ay ang huling usapan namin ni Kaius. Did he hear his son? It's been a week since that call happened and he never called again. Hindi ko na rin siya nakikita marahil ay busy na ito sa Cebu. Sa kabila ng pananahimik niya ay kinakabahan ako. Is this the calm before the storm? Natatakot ako sa bawat araw na dumadaan.

Forbidden PleasureWhere stories live. Discover now