Chapter 20

10.9K 223 14
                                    

"It's not my fault, I remind myself. I'm only human. And she is...all-consuming. Like hellfire."
― Emily McIntire.

Chapter 20

"You sure you're okay? You keep spacing out," bakas ang pag-aalala sa tinig ni Hiro habang naglalakad kami papuntang van na sasakyan namin patungong airport.

I nodded. "I'm just sleepless..." because of that sketch.

"Then just sleep on the plane," ani niya. "Just sit beside me so you can rest your head on my shoulders."

Ngumiti ako rito at tumango. Sakto namang nakarating na kami sa tapat ng van. Dalawang van gamit namin dahil halos umabot kami ng labing-lima. Labing-pito kung idadagdag si Kaius at Kiyo. And speaking of which, I left his penthouse this morning with the sketch that was placed in the frame. It was the sketch I made that I lost with the sketchpad. No wonder why ang sketchpad lamang ang naisauli. Ang tanga ko para isiping hindi niya nakita ang sketch.

"Pasok ka na, Sam," ngiting sambit ni Tiana. Isang inhenyero, hindi ko alam kung anong klaseng inhenyero siya.

I forced a smile and handed Hiro my luggage. Nang maipasok niya ito sa back compartment ay inalalayan niya akong pumasok. Ngunit nagulat ako nang may humawak sa palapulsuhan ko hindi pa man ako nakakaupo.

"You'll ride with me," sambit nito gamit ang mababang tinig.

Ang kaninang nagtatawanan at puno ng kwentuhan, ay biglang nanahimik. They all look at Kaius who is now holding my wrist with a stoic face. Napatingin ako sa aking mga kasama at kita ko kung paano umingkas ang isang kilay ni Ms. Delegante. Napabuga ako ng hangin at hilaw na ngumiti. Napilitan akong lumabas ng van at agad niya rin naman akong inalalayan.

Nang makalabas ako, kita ko kung paano umiling si Hiro. I just smiled apologetically; I just don't want to make a scene. Alam kong hindi susuko si Kaius sa pamimilit na sasabay ako sa kanya. Hiro entered the van and smiled at me again before closing the door. Bumaling naman ako kay Kaius at pilit na nangumiti.

"May kailangan ka pa?" I asked like last night didn't happen.

His jaw clenched. And then again, he dragged me towards his car. Tahimik lang naman akong sumunod at hindi na umimik pa. My core still hurts like hell. Hindi ko alam kung anong klaseng alaga ang meron siya. Sa bawat mabibilis na hakbang na ginagawa ko ay napapangiwi ako. Damn, I feel like it's still my first.

Binuksan niya ang passenger's seat at hinayaan akong makapasok. Agad niya rin naman itong sinara at bumalik sa van. From the side mirror, I saw him opened the back compartment of the van and pulled my luggage out. Nang maisara niya ang back compartment ay tinapik nito ang van, that's when the car beeped and it maneuvered out.

Nilagay niya ang bagahe ko sa backseat bago pumasok sa driver's seat. Nagtaka ako nang maghubad ito ng kanyang tshirt na hindi man lang nagpapaalam. He glanced at me before reaching for the shopping bag that was placed on the backseat. Hindi ko ito napansin kanina.

Mas lalo akong nagtaka nang magsimula na itong magbihis. The put on a white sando before wearing a white polo. A pilot's uniform. Don't tell me...

"I-ikaw ang magmamaneho sa eroplano?" I asked.

Tumango ito at napansin kong nahirapan itong ayusin ang kanyang kwelyo. Ngayon ko lang rin napansin na nakaputing slacks siya. Oh, how dumb I was.

"Let me," I murmured and held his shoulders to face me.

Habang inaayos ko ang pagkakatupi ng kanyang kwelyo ay bigla siyang nagsalita. "You left without telling me."

Forbidden PleasureUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum