Chapter 6

10.9K 265 26
                                    

"While forbidden fruit is said to taste sweeter, it usually spoils faster."
— Abigail Van Buren

CHAPTER 6

"How about this?" Ate Resha showed me a blue floral dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba.

Tinignan ko ito at pilit na ngumiti. Halos isang oras na kami rito sa loob ng mall na pagmamay-ari ng asawa niya. It's still two in the afternoon pero ramdam kong gusto nang magpahinga ng katawan ko. My mind's been stressed since I stepped foot here in the Philippines. Gusto ko nang umuwi at magpahinga, but my sister just won't let me. Bumili na siya ng samot-saring damit, dresses, stilettos, shoes and such. Naaawa na ako sa mga staffs na tagabitbit ng mga shopping bags namin.

"Kanina ka pa tango nang tango pero hindi ka naman namimili ng bibilhin mo," nakasimangot na sambit ni ate at binigay sa saleslady ang damit na bitbit niya. She handed her the money before talking to me, "Are you tired? Sa food court muna tayo, alas dos pa lang ng hapon. Mainit pa sa labas."

Muli na naman akong tumango bago sumunod sa kanya palabas ng botika. Kating-kati na akong kausapin si James tungkol sa pagkaka-assign ko doon sa Maynila. I've also asked Kaius—okay, back to Kaius muna. I've asked him, kung provided ba nila ang tutuluyan namin doon sa Maynila? And he said it's our option if we want to stay at his hotel or not. I don't want to give him an idea na may uuwian ako sa Maynila kaya pumayag akong doon muma mamalagi sa hotel na pagmamay-ari niya.

Papasok na sana kami sa foodcourt nang may tumawag sa pangalan ko. Sabay naman kami ni ate na lumingon dito at bahagya akong nagulat nang makita ko si Engineer Austria.

"Hey," I greeted back as he walked in our direction.

He smiled, and trust me when I say he looks very attractive while smiling. A hot engineer, I see. "Are you hanging out with someone?" kaswal nitong saad.

Tumango ako at nilingon si ate na may malisyosang tingin sa amin. "Ate, this is Engineer Hiro Austria. Kasama ko sa project ko sa Maynila."

My sister already knows about that matter. That I worked for her husband. In fact, si Kaius daw ang nagsabi sa kanya tungkol sa pamamalagi ko dito sa Pinas.

"Hello, Hiro!" All smile si ate habang binabati si Hiro. "I'm Resha Kainashi, kapatid ni Sam."

Pinandilatan ko kaagad si ate. "Talk in English."

"Oh, no." Hiro chuckled. "I can clearly understand Tagalog. It's just that, hindi ako sanay magtagalog," he said using his British accent.

Tumango naman ako. Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si ate. "Pasok muna tayo sa loob? Kumakalam na ang sikmura ko sa amoy ng mga pagkain."

Hindi ko maiwasang mapailing. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Hiro at sumang-ayon na sa sinabi ni ate. I murmured an apology and he just smiled. Sabay naman kaming tatlong pumasok sa loob at napiling umupo sa isang bakanteng mesa na malapit lamang sa entrance ng food court. Apat ang upuan ngunit tatlo lamang kami. My sister immediately placed her bag on the vacant seat beside her, leaving me with no choice but to sit beside Hiro. Binigyan lamang ako ng nakakalokong ngisi ni ate na ikinairap ko nag palihim.

"I'll order. What do you, guys, want?" Hiro volunteered.

"Wala ka bang kasama?" I asked instead of answering his question.

"No," he answered and smiled once again. "I was just roaming around and accidentally saw you, so yeah."

Tumango lamang ako at naglibot ng paningin. Nanakam ang bibig ko nang may nakita akong stall na nagbebenta ng shawarma.

Forbidden PleasureWhere stories live. Discover now