Chapter 7: Friends.

146 8 5
                                    

"How's your friends?"

Bumaling lang siya sakin, punong-puno nang pagkain ang bibig.

"Which one?" Nilunuk niya ang nasa bibig at kumain kumagat ulit sa apat na layer of loaf bread niya.

"Each of every one of them. Especially the stabbed one."

"Hmm...*munch* si Eugene ba? *munch* ok naman siya. *munch* it's not-"

"Can you chew first before speaking? It's annoying!" Naiiritang tumaas ang boses ko.

Pano ba naman kasi. Simula nang makapos siya sa kotse ko'y kain nang kain. Hindi ko na maintidihan ang sinasabi.

We're on our way to school, but this brat right here, is having his 5th breakfast in my car.

"Tanong ka nang tanong, eh!" Dipensa niya.

"It's normal for a human being to be curious, Aidan!"

"And it's normal for a human being to eat, Sylvester!"

"Human being ka ba? Tao ka?! Tao ka?!"

"Hinde, diwata!"

"Ulowl!"

"Mama mo ulol!"

"Gago! Iisang Mama lang tayo!"

Nitigilan siya. "Ay, Oo nga pala. Sorry, sorry."

"Tarantado." Inirapan ko siya habang nasa daan parin ang tingin. "So? My question?" Pagiiba ko nang topic.

"Ok lang. Hindi naman first time masaksak ni Eugene. Tapos yung iba hindi naman napuruhan." Tapos na siyang kumain, kaya niyakap niya na lang ang bag niya.

"This happened before?"

"Oo naman. Lagi kaming napapaaway kaya normal na lang samin ang ganto."

Kumunot ang noo ko. I glanced at him, hinablot ko ang tenga niya't hinila palapit sakin. "This happened before?! Ano to? Normal na lang na may masaksak sa inyo?! What if you're the one who got stabbed, huh?! "

"Aray! Tsakit! Khai!" Daing niya.

"Wow, nasasaktan kang mapengot pero ok lang sayo na masaksak kasi normal na?!" Pinaikot ko ang tenga niya. "Magtino ka, Aidan. Ililibing ko sa pyramid yang mga kaibigan mo pag nabalitaan kong maynangre sayo." Binitawan ko ang tenga niya.

Hiniwakan niya naman iyon at tinignan ako, mangiyak-ngiyak na. "Tsakit, eh." Ngumuso siya't umiwas nang tingin, nakahawak parin sa tengang piningot ko.

Na guilty naman ako sa ginawa. Hindi na siya umimik boung byahe, hindi binibitawan ang tenga niya.

Kahit hindi kami magkadugo't bilang lang sa mga daliri ang mga araw na nagkakilala kami'y 'di ko paring maiwasang mag-alala sa kapatid ko.

Back when I was still in my Lola's care, I would always be alone. Wala akong kausap, lagi kasing nasa tindahan si Lola para kumita. Si Mom naman ay nasa trabaho. Naalala ko pa kung paano ako magimbita nang mga batang pulubi sa bahay at doon sila papakainin, may makasama lang.

Kahit minsa'y gusto ko talagang mapagisa, hindi ko parin maiwasang maghanap nang kasama. I don't like the attention, but at least I wanna be seen. I want to at least have a person knowing that I exist beside Mom and Lola.

Kaya ngayong meron na 'kong Aidan ay pakiramdam ko'y sakanya ko nilalabas lahat nang attention I've been eager to give someone. Unti-unti na rin akong nasanay na narito siya sa tabi ko. Taking care of him, cooking for him, reminding him to eat, scolding him, insult him, and bonding with him became my all day habit. Nakasanay ko na ang gantong pamumuhay. Kaya hindi ko ata kaya na magising isang araw na wala na 'kong Aidan na aalagaan't pagagalitan.

A Rose Hidden in The Thorns.Where stories live. Discover now