Chapter 25: Phoenix.

92 5 0
                                    

‼️Bullying and Harassment can be read in this Chapter. Skip if not comfortable.‼️

Phoenix POV.

Nakakadiri sila! Pare-pareho sila. Walang ligtas kahit langgam. Tinuringan pa naman silang 'Pride of HIS'. Salot. Mga salot sila na pasikot-sikot sa skwelahan na 'to. Kahit ang namumuno'y sunod sunoran nila.

"What exactly happened?" Calm yet threatening said by Lawrence in front of me.

Hindi ko alam kung kailan pa siya narito, kung hanggang saan ang narinig niya.

I was too drown by what happened I didn't even care to look around for people.

Flashback...

Three years ago...

"Acfos?"

"S-sir?"

"You understand, right?" Awa. Awa sakin o sarili? Kahit mata nila'y plakado ang salitang bayad.

Bayad narin pati ang putang-inang professor.

"Bumawi ka na lang sa susunod. Ubos na kasi ang space for newbies."

"Sir! Matagal na po ako sa Club na 'to! Bat ako ang kaylangan tanggalin?!"

"Mr. Acfos! How dare you raised your voice at me! Nawalan ka na ba nang respeto?! Now I know, it is just right to remove you in my club." Umalis na siya nang ganon ganon lang.

PUTANG INA!

Tatlong taon akong naging parte nang Photography Club tapos ganon-ganon niya lang ako tapunin? This club won awards because of me!

Namumuo na ang mga luha sa mata ko nang may marinig akong mahinang palakpak. Pinahiran ko ang mata't hinarap ang pinanggalingan noon. Agad akong inakyatan nang galit sa katawan nang makita siya.

Ang bwesit na 'to! Kung hindi siya dumating, edi sana hindi ako kaylangan paalisin sa Club namin. Porket special science na.

"Now isn't this fun?" Tumawa siya nang mapakla. "Phoenix fucking Acfos, removed from his petty club. Kamusta ka naman?"

Hindi ko siya pinansin at nilapasan na.

Hindi pa 'ko nakakalayo nang hapitin niya ang braso ko. "Bastos ka din pala ano?" Mapanuya niya akong nginitian. "I love it!"

Nandiri ako sa tono niya. Nakakairita siya. Nakakadiri.

Naglakbay ang tingin niya sa katawan ko at napunta iyon sa pribado kong parte sa ibaba. Iwinasi ko ang kanyang hawak at nandidiri siyang tinignan.

Hindi na 'ko umimik at iniwan siya roon. Hindi na bago sakin ang galawan nang nga taga Special science. Simula nang mamuno siya ay naging empyerno ang skwelahan na 'to.






"Napaalis ka sa Club?" Bungad sakin ni Aidan. Bakas ang awa sa kanyang muka.

Umiwas ako nang tingin dahil sa muling pagliyab nang loob ko.

"S-sorry..."

Nabalik ang tingin ko kay Aidan dahil sa pagkabasag nang boses niya. Namumuo narin ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Ano ka ba?! Wala kang kasalanan ron. " Si Fritz. Inakbayan niya ang kaibigan at pinagugulo ang buhok.

"H-hindi, eh. K-kung sana may nagawa ako, e-edi sana natulungan ko si.....P-phoenix." Tuluyan na nga siyang umiyak.

A Rose Hidden in The Thorns.Where stories live. Discover now