Chapter 1: Athelstan

74K 1.3K 67
                                    

"Hah, hah, hah," habul-habol ni Athelstan ang hininga habang tinatakbo ang kahabaan ng Catalina street. Sweat dripping from the sides of his head down to the strong line of his jaw and to the defined muscles of his chest. Nakaplaster na sa dibdib niya ang suot na black hooded sweatshirt worth $1,243 dahil sa naipong pawis.

Maganda ang klima at gusto niya ang dapya ng hangin sa kanyang balat nang umagang iyon. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. There were quite a few intrigued eyes. Nakasunod ang mga iyon sa bawat paggalaw niya.

This is what normal looks like, he thought. At least for me.

Inayos niya ang pagkakapasak ng earphones sa magkabila niyang tainga at sandaling huminto upang dalhin sa labi ang bote ng tubig. Water glided down his mouth, cooling the lining of his throat. Ito na ang normal niyang ginagawa kada umaga. Jog until his leg muscles hurt.

Muli siyang nagpatuloy sa pagtakbo hanggang sa marating niya ang paarkong pasukan patungo sa malawak niyang lupain. Malayu-layo pa ang tatakbuhin niya bago marating ang harapan ng kanyang mansion. His house included in the top 10 most expensive houses list with 50 acres landscaped garden, two Olympic-size outdoor swimming pools, one indoor pool, tennis court, sauna, and numerous bedrooms.

Tumunog ang kanyang cellphone.

Zarra calling...

His executive-administrative assistant; a single, uncommitted woman in her late 20's. Mula nang akuin niya ang dating puwesto ng ama ay ang babae na ang naging assistant niya.

"Giamatti. Yes?" He answered the phone with grand formality in his voice.

"Sir, please be reminded of the periodic meeting set at 8AM. It's the first Monday of the month," paalala nito sa kanya.

"Expect me within the hour," pormal niyang tugon bago pinutol ang tawag. Hindi na siya nag-abalang magpaalam nang maayos kay Zarra.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng Mansion. Bumungad sa kanya ang grandyosong 20 feet ceiling at mga mamahaling muwebles. Inayos niya ang sarili; stepping himself into a pair of expensive slacks, white shirt and a Carven two button blazer.

Siya si Athelstan. Sino nga ba siya?

Athelstan Giamatti—aside from the fact that he has the best genes in the world, is the Chairman of the Board and Chief Executive Officer of AG Zenith Holdings, Inc.

AG Zenith Holdings, Inc. is one of the leading and largest conglomerates in the Philippines. Founder of the company was his late father, Antonio Giamatti, who started their business empire in 1950 and did everything to catapult the business to where it is right now, success in its best form.

Hindi naging madali sa kanya ang pagpapatakbo sa kompanya. People expected too much from him being the only son of Antonio Giamatti. His late father was a brilliant man. Bilang anak siya nito, tingin ng mga tao ay magiging identical ang paraan ng pagpapatakbo niya sa AG Zenith.

BUT he's not his father's shadow. Hindi siya kakambal ng kaluluwa nito. He's his own person. May sarili siyang pangalan at pagkatao. May sarili siyang utak. Hindi sila pareho ng paniniwala at pag-iisip ng ama. Hindi dahil sa sunod siya nang sunod sa kagustuhan ng ama ay alila na siya ng mga ideya nito. He, unknown to others, had contradicted a few of his father's decisions. Nakikinig naman ang ama sa mga punto niya. Isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang respeto niya kay Antonio.

Nag-iisang anak siya ng mag-asawang Antonio at Cecilia Giamatti. Dating broadway musical star ang inang si Cecilia na nasa kasagsagan ng karera nito nang mabuntis. She had to put an end to her broadway career after two incidents of threatened miscarriage. The doctor advised her complete bedrest with bathroom privileges only.

The Billionaire's Amnesia (Preview)Where stories live. Discover now