Chapter 6: Heartbeat

29.4K 846 41
                                    

Napangiwi si Lucian nang makitang hindi maalis-alis ang lukot sa noo niya dala ng iniindang sakit. Nang mapaigtad siya dahil sa hapdi ay awtomatikong humagis din sa ere and hawak nitong cotton balls na may gamot at kamuntikan pa itong mahulog sa inuupuang kahoy na silya.

"Bloody hell, Lalkha, will you please stop flinching! Mamamatay ako sa nerbyos sa iyo!" saway nito sa kanya.

"Masakit, eh!" balik niya rito.

"Pilitin mo pa ring hindi mangisay!"

"Hindi ako nangingisay!" pagtatama niya.

"Shut up." Tinakpan nito ang bibig niya. Isang malaking pagkakamali dahil kapwa sila natigilan nang sumayad ang mainit nitong palad sa malambot niyang labi.

Nang magtagpo ang mga mata nila ay sabay pa silang nag-iwas ng tingin. Tumikhim si Lucian at binawi ang kamay. "Okay na 'yan," anitong hindi tumitingin sa kanya.

Naalala niyang okay na ang pilay nito. "Eh, ahm, ikaw, okay ka na ba? Kasi kung okay ka na, puwede na nating simulan ang pagpunta sa mga lugar na baka makapagbigay sa atin ng impormasyon tungkol sa iyo."

"Huwag mo munang isipin iyan. Ikaw naman muna ngayon ang magpagaling. Don't move. Lagyan ko na lang ng benda ang sugat mo." Tumayo ito at lumapit sa cabinet upang abutin ang mahabang tela sa ibabaw niyon. Na-emphasize tuloy ang lapad ng likod nito.

Lihim na napaungol si Lalkha habang pinagmamasdan ang Mala-Adonis na katawan ng nakatalikod na binata. Naku po, kanina lang ay nadikit siya nang husto sa katawang iyon. Nagkakasala siya! Napapa-'twerk it like miley' siya nang wala sa oras.

Ang halay mo! sita sa kanya ng isang bahagi ng utak niya.

"Lalkha, huwag ka ngang tingin nang tingin. Mahihiya kahit mga nunal ko sa katawan sa tiim ng pagkakatitig mo sa akin. Gusto mo bigyan pa kita ng magnifying glass? Nakakahiya naman sa iyo baka hindi mo pa ako masuri nang maigi sa lagay na iyan. Kung wala kang magawa sa buhay mo, matulog ka na lang. Hayun ang kama, ikaw na lang ang kulang," panggagaya nito sa eksaktong litanya niya.

Nalaglag ang panga niya. Aba! memorize ng loko ang dialogue niya!

"Hoy, lalaking feelingero, hindi po ako nakatingin sa inyo!" pagsisinungaling niya.

He turned around to face her with a wide grin on his devilishly handsome face. Gustung-gusto niyang punitin ang ngising-aso sa pagmumukha nito.

Itinuro nito ang glass inset doors ng cabinet. Kita doon ang repleksyon niya mula sa kanyang kinapupuwestuhang upuan. "Kung makatitig ka, tila pinapangarap mong mapangasawa ako," tudyo nito sa kanya.

Nag-init ang magkabila niyang pisngi. Animo kumain siya ng isang libo't isang sili na sinabawan ng hot sauce. Nangangapal ang mukha niya sa hiya. Wala pa sa kalahati iyong kapal ng mukha dala ng anesthesia na itinuturok ng mga dentista sa gilagid.

Nakakahiya!

Nakakahiya!

Nakakahiya!

Hindi niya matignan si Lucian. Huling-huli siya nito. Gayunman ay hinding-hindi siya aamin, magkamatayan na. Isulong ang bandera ng kanyang inaalagaang dignidad!

"Hindi ka naman po nakatingin sa akin nang harapan! Malay mo naman kung naduling ka lang. Artista ka ba para pangarapin kitang mapangasawa? Kung ikaw siguro ang CEO ng AG Zennith baka pinatulan pa kita. Alam mo kung ano iyon? Malamang hindi. Higanteng kompanya iyon dito sa Pilipinas at may mga koneksyon din sila sa ibang bansa. Ngayon, kung ikaw na ang CEO ng kompanyang iyon, saka mo uli sabihin sa akin na kung makatitig ako sa iyo ay tila pinapangarap kitang mapangasawa!" Hapung-hapo siya matapos sabihin ang pagkahaba-haba niyang saloobin. Her cheeks were beet red and her throat felt like it was burning from the inside.

The Billionaire's Amnesia (Preview)Where stories live. Discover now