Chapter 8: Loving Lucian

27.6K 829 19
                                    

"I couldn't believe you'd left me there," sumbat ni Lucian sa kanya. Nakatayo ito sa pintuan at namumula ang mukha na tila kinunsuma ang isang galon ng alak. Binitiwan nito ang seradura ng pinto at lumapit sa kanya.

Hindi niya ito pinansin. Tinungo niya ang silid at inayos ang kumo't unan saka binuhol ang dulo ng kulambo sa apat na pako sa pader.

"Talk to me." Tinanganan siya nito sa magkabilang balikat at pilit na pinaharap dito.

"Bukas na tayo mag-usap."

"No. We need to talk. Now," he insisted.

"Lasing ka."

"Oo, lasing ako, because you weren't there to stop me from drinking. I know it is my choice if I ditch the bottle or not, but I needed you there..."

She froze. Titig na titig siya sa namumungay na mga mata ni Lucian. Nakatitig ito sa mga mata niya, sa ilong niya, sa labi niya. She swallowed a huge lump in her throat when he touched the corner of her mouth. Nanginig ang kalamnan niya.

"K-kasama mo naman si Salve at mukhang... mukhang nag-ienjoy naman kayo."

"Ikaw ang gusto kong makasama, Lalkha," seryoso nitong bulong sa kanya, halos paos ang boses.

Lumakas ang tibok ng puso niya. Bumaba ang mukha ni Lucian sa mukha niya. Gahiblang espasyo na lang ang pagitan nila sa isa't isa. Her hands started to shake. Mula sa kanyang mga balikat ay senswal na dumausdos pababa sa kurba ng baywang niya ang mainit nitong palad.

Lucian pulled her closer. Their lower bodies were intimately pressed together and she could hear the pound of his heartbeat close to hers. Napasinghap siya. Hahalikan siya ni Lucian! Inihanda na niya ang birhen niyang mga labi para sa pag-angkin nito subalit bago pa mangyari iyon ay umalingawngaw ang isang malakas na kalabog.

He passed out! Hindi siya makapaniwalang sumakto iyon sa puntong lalapat na dapat ang labi nito sa labi niya. Gusto niyang mainis kay Lucian. Hindi man lang niya natikman ang lasa ng labi nito.

"Di bale na nga."

Mabuti na lang at nasa paanan na ito ng kama. Inayos niya ang pagkakahiga nito at ginugol ang buong magdamag kakamasid sa guwapo nitong mukha. Hindi sila nagtatabi sa kama pero ngayong gabi ay matutulog siyang kayakap ito.

Umunan siya sa braso ni Lucian saka isiniksik ang mukha sa leeg nito. Napakabango ng binata. Nang gabing iyon ay nakatulog siyang may malawak na ngiti sa labi.


GUMALAW SI LALKHA at pinakinggan ang tunog ng along humahampas sa dalampasigan. Umaga na. Ramdam niya ang sinag ng araw sa kanyang pisngi. Nagmulat siya ng mga mata habang naghihikab. Tumambad sa kanya ang mukha ni Lucian. Nakahiga pa rin ito at ilang pulgada lang ang layo ng mukha sa kanya. He was looking at her face, his forehead creasing.

Nakulong sa kanyang lalamunan ang hanging hinihikab. She panicked and clapped her hand over her mouth.

Masangsang kaya ang amoy ng hininga ko?

May muta siguro ako.

Nagmamantika ba ang ilong ko?

Bumaha ang sangkaterbang katanungan at alalahanin sa kanyang isipan.

"Please tell me I did not do something foolish last night," ani Lucian na bumasag sa magulong isipin niya.

Lucian looked under the sheet. "We're still clothed."

"Iniisip mo bang nakahubo tayo?"

"No. I mean yes," nagugulumihan nitong tugon. The thin creases in his forehead deepened. "We're still clothed, thank God, but did we... you know. Did we do it?"

The Billionaire's Amnesia (Preview)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora