Chapter 7: So This Is Love

28.3K 777 13
                                    

Balak palitan ni Lalkha ang kurtina sa silid niya subalit hindi niya maituon sa gustong gawin ang utak sapagkat nakabalandra sa harapan ng bintana, sa labas ng bahay, si Lucian. Katatapos lang nitong maligo at inaabala ang sariling tingnan ang mga tinipak na kahoy.

She sighed. Nahihirapan na siya sa setup nila ng binata. Nakatira sila sa ilalim ng iisang bubong. Wala silang relasyon at sibil sila sa isa't isa. It was okay. Was. Hanggang sa tumibok ang peste niyang puso. Ngayon ay hindi na niya kayang makita si Lucian nang hindi ito pinapangarap. Dati na siyang attracted dito pero iba ang lalim ng paghanga niya ngayon para sa binata.

Lalkha wasn't just attracted to him. She was now dreaming of flower crowns and drop veils, of white dresses, and of him...

Him.

Napatili siya nang biglang umangat sa sahig ang mga paa niya. She was completely taken aback.

"Lalkha, ako lang 'to," ani Lucian.

Sa inis niya ay nasabunutan niya ito. Kamuntikan na siyang mamatay sa hilakbot. Bigla na lang itong sumulpot at binuhat siya nang walang pasabi. Kanina lang ay tinatanaw niya ito tapos bigla ay nasa likod na niya.

"Bwisit kang lalaki ka! Papatayin mo pa ako sa nerbyos!"

"Aw! I was just trying to help you. Hindi mo maabot ang curtain rod kaya binuhat kita," paliwanag nito. "Lalkha, let go of my hair before everything falls off."

Hindi siya nakinig. Nakasabunot pa rin siya sa buhok ni Lucian. Naiinis siya rito dahil kamuntikan na niyang ma-digest ang puso sa sobrang takot. "Kakalbuhin talaga kita!"

"Lalkha, I'm losing balance here," he warned. "Matutumba tayo!"

"Eh, bakit ka ba kasi nananakot?" sikmat niya rito.

"Hindi ko intensyong takutin ka."

"Kaya bigla ka na lang sumulpot at—"

Nabitin sa ere ang litanya niya dahil bumagsak sila ni Lucian sa kama, na ilang pulgada lang ang layo sa bintana, at nadaganan niya ito. Nadutdot ang ilong niya sa matangos nitong ilong.

"L-Lalkha..."

Pinagmasdan niya ang mukha nito. Lucian wasn't a bit hurt. He wasn't even wincing or something. Nakahiga lang ito sa ilalim niya. He only looked pretty much uncomfortable.

"Lalkha, please, tumayo ka na."

"Ha?"

"I... ahm... I'm not... ah, you know, ahm..." hindi nito matapus-tapos ang gustong sabihin.

"Ano?"

"Basta tumayo ka na, before I... ahm..."

"Ano nga?" pagalit niyang tanong dito.

"I ah, there, I don't have to tell you. Nararamdaman mo naman siguro." Inginuso nito ang ibabang bahagi ng katawan.

Nagugulumihang sinundan niya ng tingin ang inginuso nito sa kanya and as if on cue ay bigla na lamang siyang may naramdamang kakaiba. Something's poking her down there!

"It's my, you know, my..."

"'Ano' mo 'to?" Naitakip niya ang palad sa bibig. Muling bumaba ang mga mata niya sa ibabang parte ng mga katawan nila bago muling sinalubong ang mga mata niya saka tumili nang malakas.

"Hey, hey, calm down. Stop screaming. Baka magkumpulan dito ang mga tao. Tumayo ka na kasi." Tumagilid ito kaya gumulong siya sa espasyong katabi ng okupado nito.

Mabilis itong bumangon. Hindi rin maipinta ang mukha nito. "I mean no harm, okay? Hindi kita pinagnanasaan. I mean, oh God, please help me explain this to her." Tumingala ito sa bubong na gawa sa nipa at tila nanghihingi ng lakas para maipaliwanag ang sarili. "Basta, hindi kita pinagnanasaan." Dali-dali na itong lumabas ng bahay.

The Billionaire's Amnesia (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon