Chapter 2: She Who Has No Name

39.4K 1K 33
                                    

"Ma, no. I have never dreamed of being married since the age of B'TX." Pumasok siya sa loob ng study room at ibinagsak ang sarili paupo sa likod ng malapad na lamesa. Tambak ang bungkos ng mga papel na kailangan niyang basahin at aprubahan—at wala pa siyang may nasisimulan! He could not get himself to start working. Nakasunod sa likod niya ang bibig ng ina at pinipilit siya nitong pakasalan ang anak ng amiga nito.

"Kailangan mong panagutan ang namagitan sa inyo ni Carinna!"

Pinukol niya ng naiinip na tingin ang ina. "The answer is still no, Ma." Isinuot niya ang salamin sa mata at dinala sa tapat ng mukha ang pinakaunang papel sa pile ng mga dokumento.

"Hijo, maawa ka naman sa kanya."

"Please, tell her to stop acting like an immaculate virgin."

Natutop ng ginang ang tapat ng dibdib. "What did you just say, Athelstan?"

He groaned. "Por favor, Mama, déjame en paz," aniya na ang ibig sabihin ay iwan na siya nitong mag-isa.

Matigas na umiling si Cecilia. "Hindi kita pinalaking bastos, Athelstan. Kung nabubuhay lang ang papa mo, baka hinampas ka na niya ng baston."

Muli niyang ibinagsak sa mesa ang hawak na papel. Nakatitig lang siya sa mga letra pero hindi mai-proseso ng utak niya ang kabuluhan niyon. "Ma, please, I'm trying to work. I have a deadline to meet."

"Everyone has to deal with deadlines. What's new?" galit na balik sa kanya ng ina.

"I'll arrange a Europe trip for you," sa halip ay sabi niya.

Tumikwas ang kilay ni Cecilia. "I can afford, thank you."

"How about I give you an expensive diamond necklace?"

"Sinusuhulan mo ba ako, Athelstan?" nanggagalaiting asik sa kanya ng ina.

"Fine. What do you want me to do this time?"

"Get to know Carinna."

Napaungol siya bago pa man natapos ni Cecilia ang litanya nito. Hindi niya maintindihan kung bakit minamadali ng ina ang pagse-settle down niya. He will, eventually, get there. Hindi palang ngayon ang tamang oras. He's only, what, 33 years old? No issues with biofeedback and thank goodness he can very well sustain an erection for sexual intercourse.

Now, why all the fuss?

"All right. I'll do something about that," aniya para lang matapos ang diskusyon.

"Talaga?"

"Yes, Ma. So, can I start working now?"

"Of course, hijo. Adios."

G

ALING SA TENNIS GAME ay nagpalit lang siya ng malinis na navy blue shirt, casual shorts at leather sandals. He didn't want to impress her anyway. He was obliged to date to her. Naroon lang siya nang mga oras na iyon para pagbigyan ang kahilingan ng ina o mas tamang sabihing ang 'pamimilit' ng ina. Otherwise, Carinna would not see a shade of his soul in their goddamn meeting place.

Narating niya ang napagkasunduan nilang lugar kung saan sila magkikita—sa isang kapehang pangmayaman malapit sa pampublikong parke. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala pa si Carinna. Nagdesisyon siyang okupahin ang mesang nasa outdoor space ng coffee shop.

Kada limang minuto ay tinitignan niya ang orasan. 15 minutes nang late si Carinna. Naiinip na siya at naiinis. Sa 15 minutes na itinunganga niya roon ay marami nang trabaho ang dapat ay natapos niya.

The Billionaire's Amnesia (Preview)Kde žijí příběhy. Začni objevovat