Chapter 3: The Accident

38.2K 969 13
                                    

Patuloy ang pagtakbo ni Athelstan sa treadmill. Treinta minutos na siyang nakababad doon. Hindi siya makaramdam ng pagod kahit na tagaktak na ang pawis sa kanyang noo at basang-basa na ang likod, balikat at dibdib niya. A deep-seated aversion sat onto the throne of his limbic kingdom. Galit siya. Galit siya sa inang pilit na sinusubukang manipulahin ang buhay niya.

Noong isang buwan lang ay prinoklama ng ina na buntis si Carinna. The evil plan didn't work. Salamat na lang at may kaibigan siyang doktor. Ngayon naman ay gusto siyang i-trap ni Cecilia sa isang arranged marriage. God, that type of marital union was only common worldwide until the 18th century.

Lalo niyang binilisan ang pagtakbo sa treadmill. Sweat dripped off of his face.

Tumunog ang cellphone na nakapatong sa dashboard ng treadmill.

Zarra calling...

He deliberately ignored it. Alam na niya kung ano ang pakay nito sa kanya. May meeting siya in about... Tinignan niya ang oras. 4:50PM. Nagkibit balikat lang siya. May meeting siya in about 10 minutes. Sa normal na estado ng utak niya ay pihadong nasa board room na siya at naghihintay habang tinututukan at pinag-aaralan ang mga dokumento.

Muling tumunog ang phone niya. He turned it off. Kailangan niyang mapag-isa. He needed space. He needed time for himself and not to think about the fucking sake of the company.

Sa loob ng napakahabang panahon magmula nang hawakan niya ang AG Zennith at umupong Chairman of the Board and CEO ay hindi na bumalik sa normal ang dating buhay niya.

His life seemed to have lost balance. Kakaiba ang buhay niya noon. He was the life of the party. He was sure about advancing accurately in the direction of his dreams. Nagpipinta na siya at nakikita na ng mga tao ang galing niya sa departamentong iyon.

Then it happened...

A fatal heart attack killed Antonio Giamatti. Magmula noon ay mas naging manipulative ang ina sa buhay niya. Ultimong ritmo ng paghinga niya ay tila gusto pa nitong kalkulahin.

Huminto siya sa pagtakbo, habul-habol ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Inisang lagok niya lang ang laman ng 500ml bottled water saka dumerecho sa shower room.

Habang nakatapat sa dutsa ang katakam-takam na hugis ng kanyang katawan ay biglang nag-flash sa utak niya ang imahe ng pag-aaring yate. He opened his eyes and water ran down his thick eyelashes in rivulets. Alam na niya kung saan siya puwedeng pumunta—isang lugar na malayo sa ina.


FOR THE NTH TIME, ni-refill uli ni Athelstan ang hawak na baso ng alak. Komportable siyang nakaupo sa malaking V-shaped sofa slash dinette, na puwedeng i-convert sa isang double bed, na nasa living area ng yate at pinakikinggan ang tunog ng alon na humahampas sa katawan ng yate at ninanamnam ang paghile sa kanya ng tubig.

His yacht had a well-equipped galley. Mayroong double hob cooker and an 80 litre refrigerator. Mayroon ding master cabin with a large bed, lockers, cabinets and wardrobes.

The Billionaire's Amnesia (Preview)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt