Chapter 5: The Beginning

31.3K 886 44
                                    

Habang naghihiwa ng bawang at kamatis ay nadi-distract si Lalkha dahil sa isang pares ng mga matang nakasunod sa bawat galaw niya. Lumapit siya sa banga at kumuha ng malinis na tubig, lumipat din sa direksyon ng banga ang mga mata ni Lucian.

"Lintik, Lucian, huwag ka ngang tingin nang tingin!" saway niya rito. "Malulusaw pati mga taba ko sa katawan sa tiim ng pagkakatitig mo sa akin. Gusto mo bigyan pa kita ng magnifying glass? Nakakahiya naman sa iyo baka hindi mo pa ako masuri nang maigi sa lagay na iyan."

Nagtaas lang ito ng kilay. Sarap nitong sikaran minsan. Paano ba naman niya magagawa nang maayos ang mga gawaing bahay kung may guwapong Adan ang tingin nang tingin sa kanya? Naku-conscious tuloy siya at hindi niya magawa nang tama ang mga bagay-bagay na dapat ay nagawa na niya nang tama kanina pa.

"Alam mo, kung wala kang magawa sa buhay mo, matulog ka na lang. Hayun ang kama, ikaw na lang ang kulang," pagtataboy niya rito.

He didn't move. Not one strand of his silky black hair moved. Lalo tuloy siyang nanggigil dito.

"Kapag ako nainis, tutusukin ko iyang mga mata mo. Wala akong pakialam kahit na ikaw pa ang may pinakamagandang pares ng mga mata sa balat ng lupa basta 'pag napuno ako sa 'yo, naku, bahala na ang—"

Hindi na niya natapos ang litanya sapagkat natisod siya.

"Nagkakandatisud-tisod ka tuloy, ang daldal mo kasi," seryosong komento ni Lucian. Dinaluhan siya nito at inalalayang makatayo.

"Kung magbibigay ka rin lang ng tulong, sana iyong walang kakambal na negatibong komento," nagpupuyos niyang balik dito.

Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. "You're welcome," anito sa halip na palawigin pa ang argumento nila.

"Kuuu, antipatiko, suplado, walang utang na loob kang herodes ka!"

"What did I do? Tinulungan na nga kita, ikaw pa itong galit na galit ngayon? Mas gusto mo bang tumayo na lang ako at pabayaan kang nakasubsob sa lupa? Just so you know, you were already building intimate contact with Mother Nature's holy ground."

"Huwag mo nga akong ini-english! Ikaw na sosyalerong palaka ka, matuto kang magsalita gamit ang pambansang wika natin habang narito ka sa teritoryo ko, maliwanag?"

"Oh, c'mon. Why? If you can't speak to me in English, that's absolutely fine. Pero nahihirapan ka rin bang intindihin ako?"

Tumikwas ang kilay niya. Taas na taas iyon at naiinis siya sa kanyang bwesita. "Hah! C'mon you too! I am very good English speaking person, you know. I were, was President of the English club, ahm, when me... I'm, I was in grade school." Halos gumapang siya maitawid lang ang sarili. Putragis na lenggwaheng iyan. Bakit ba kasi nauso ang English sa Pilipinas?

RIP reputasyon, sa loob-loob niya.

Oo, nakapag-aral naman siya pero hanggang high school lang. Sinubukan din naman niyang mag-kolehiyo kaso ay kapos na sila sa pera at may sakit pa ang papa nila kaya kailangan niyang huminto sa pag-aaral.

The Billionaire's Amnesia (Preview)Where stories live. Discover now