Chapter 10: 'REAL'-ationship

35.2K 928 47
                                    

Totoo kayang nagagandahan sa'kin ang mokong na 'to?

Nakataas ang kilay ni Lalkha habang pinagpipyesta ang mga mata sa lalaking abala sa pagdu-drawing. He sat facing her across the flimsy table made of cheap plywood. Kinukutingting naman niya ang mga shells at tinutuhog sa manipis na nylon.

Ano nga kaya kung tanungin niya uli ito? Hindi naman kasi nito kinumpirma iyon. Kaya lang baka hindi na naman umimik. Hay nakakainis!

Umisod siya pasulong at nanghaba ang leeg sa pagtanaw sa dinudrawing nito. He brought his face up to meet hers. He arched his wonderfully shaped eyebrows.

"Wow, ang galing mo naman!" puno ng paghanga niyang bulalas. "Saan ka natutong gumuhit? Stick drawing lang ang kaya kong i-drawing. Siguro Fine Arts ang kursong kinuha mo, ano?" She craned forward to see his drawing upclose.

Isang napakagandang tumpok ng mga bulaklak na hawak-hawak ng babaeng mahaba ang buhok, katamtaman ang ilong at hindi symmetrical ang mga labi. Mas malaki nang kaunti ang pang-ibabang labi sa pang-itaas nitong labi.

Wala sa loob na nahaplos niya ang pang-ibabang labi. Siya ba ang babaeng iginuhit nito sa mumurahing papel na may linyang bughaw at pula? Hindi pa nito tuluyang natatapos ang ubra. Hindi niya tuloy matukoy kung siya talaga iyon o hindi.

"Sino iyan?" tanong niya kay Lucian.

"Siya ang babaeng gusto kong ligawan," simple nitong tugon, naglalaro ang makahulugang ngiti sa labi.

Ginapos niya ang naghuramintadong puso. Hala! Babaeng gusto nitong ligawan? Eh, parang... kamukhang-kamukha niya ang iginuhit nito! Ano ang ibig nitong sabihin?

Parang tangang napatitig siya sa masauwak na mga mata ng lalaki. Nagtatanong ang kanyang mga mata pero walang tinig ang ibig tumakas sa lalamunan niya.

Hinamig niya ang sarili. "A-ako ba iyan?"

"Tingin mo ikaw ba ang gusto kong ligawan?" balik tanong nito sa kanya.

"Bah, malay ko!"

Bumalik siya ng sandal sa silya ng tupiin nito ang mumurahing papel. Hindi nga siguro para sa kanya. Nagkamali lang yata siya ng tingin.

Hindi mo naman kamukha, bulong sa kanya ng isang bahagi ng utak.

"Ibibigay ko 'to sa babaeng gusto kong ligawan," ani Lucian.

"Okay." Di ibigay nito sa kung sinong babaeng hitad, pakialam ba niya. Busangot ang mukhang tumayo na siya at kinalap ang mga shells at isinilid sa maliit na karton.

"Maliligo na ako," anunsyo niya. Tapos na silang maghapunan. Maglilinis na lang siya ng katawan pagkatapos ay ihahanda na niya ang kama para tulugan.

Nasa labas pa ng bahay ang banyo kaya kailangan niyang maglakad ng di kukulang sa sampung hakbang upang makarating doon. Kahit nanginginig ang kalamnan niya sa tila nagyeyelo sa lamig na tubig at malamig na dapya ng panggabing hangin ay in-enjoy niya pa rin ang pagligo.

Nakatapi lang siya at may mga butil pa ng tubig na tumutulo sa katawan niya nang pumasok siya sa bahay. Napatalon siya nang makitang gising pa si Lucian at komportableng nakaupo sa sofa. Naglalaro ang liwanang ng lampara sa kaliwang bahagi ng mukha nito at nakatuon sa kanya ang masauwak nitong mga mata na kay tiim kung tumitig.

"Pambihira ka naman, Lucian, kinabahan ako sa 'yo. Huwag ka na uling pupuwesto riyan. Para kang multo sa biglang tingin, eh," reklamo niya at inayos ang pagkakabuhol ng tuwalya. Nilampasan niya si Lucian at dumerecho sa silid. Nagpalit siya ng damit-pantulog at pinagpag ang kama. Nang itaas niya ang unan upang pagpagin ay may nahuling papel ang mga mata niya sa ilalim niyon.

The Billionaire's Amnesia (Preview)Where stories live. Discover now