CHAPTER 2

436 24 2
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

RYKEE'S POV

"Rykee!"

"Ry, open the door! Let's talk, wag mo naman gawin samin ito ng mga anak mo."

"What?" Iritang tanong ko ng binuksan ko ang pinto.

"Here's your ID." Tinignan ko ang inabot niyang ID at sinira agad ang pinto. "Tangina mo talaga! Pero gusto ko lang sabihin na ang ganda at hot mo diyan sa ID mo!" Sigaw niya

Pumasok na ako sa bathroom at nagsimula ng maligo. After 30 minutes ay lumabas na ako. Pumasok ako sa walk-in closet ko para maghanap ng damit. Gusto ko yung simple lang dahil kahit anong isuot ko nagmumukha naman expensive, eh. Syempre sa kagandahan kong ito baka dumi nalang mahihiyang lumapit sa akin.

I wore white t-shirt na nakatuck in sa black trouser pants at white sneakers. Kinuha ko rin ang black longsleeve ko na pinatong ko sa t-shirt. Kung hindi niyo na itatanong black ang favorite color ko. Wala lang trip ko lang, ganon kasi kadilim ang mundo ko kapag wala ka. K, cheesy.

I fixed my hair and wore my ID. Naglagay na rin ako ng perfume para naman lalo akong bumango. Ng ma-satisfied na ako sa mukha kong maganda ay bumaba na ako at dumiretso sa kitchen.

Nagsimula na kaming kumain at pinapasalamat ko dahil napakatahimik nila. Hindi sila nagbabangayan.

Ng matapos ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para makapagtoothbrush. Alangan naman papasok ako ng hindi nagtotoothbrush 'no. Iww!

Pagkababa ko sa living room nakita ko naman sila na nakatayo at mukhang inip na inip na kakahintay sa akin.

Sumakay na kami sa Bugatti La Voiture Noire, iisang kotse lang ginagamit namin dahil yung mga ibang kotse at ducati namin nasa Switzerland.

Ilang minuto pa ang byahe ng makarating kami sa ASU. Pagbaba namin ay pinagtitinginan na agad kami ng mga stupidyante at ang iba ay tumitili pa.

Ito na nga ba sinasabi ko, eh.

"Oh My God!"

"Totoo nga ang kumakalat na issue."

"The 3C are here! Feeling ko nasa langit na ako!"

Iilan lang 'yan sa mga narinig kong bulungan at tili nila. Oh God they're so freakin' boisterous!

I open the backseat and come out. Ang kaninang maingay ay biglang tumahimik. Ang iba naman ay kumukuha ng picture at video.

Sino ba naman kasing hindi hahanga sa taglay kong kagandahan?

Mas lalo naman dumami ang mga stupidyante na nandito ngayon. Wala bang mga pasok ito?

"Shit! She's Rykee!"

"She's so hot!"

"Pryn, apakan mo ako!"

"Kaomi, marry me!"

"Rykee's the most gorgeous! I think I'm no longer straight!"

"Sa live ko lang sila nakikita dati tapos ngayon nasa harapan ko na!"

Tawang tawa naman ang dalawa dahil sa mga naririnig nila. Gustong gusto talaga nila na pinagkakaguluhan sila.

"Dapat pala tinakpan muna natin mukha ni Ry dahil nasasapawan tayo." Kao said

"Maganda talaga si Ry simula bata pa tayo, pero yung mukha mo kasi parang pang kalye lang, eh." Pang aasar ni Pryn kay Kao.

I was just looking at them and I mentally rolled my eyes. Nagsisimula nanaman sila.

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now