CHAPTER 34

254 16 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

RYKEE'S POV

"Good evening po, Tita Jennifer!" Bati ko sa mommy ni Aeris.

Marunong naman kasi akong gumalang, sa mga kagalang galang nga lang. Siya pala ang anak ni Ellias Meyer, huh.

"Good evening, hija! Napakaganda mo naman tulad ng kapatid mo." Bati naman din niya.

Wala naman kasing pangit sa lahi namin maliban kay Aki. Joke!

"Tsk! I'm prettier, Mom." Sabat ni annoying girl.

Edi siya na!

"Mom, akyat na po kami sa taas." Paalam ni Aeris.

"Okay. And hija, just call me if you need anything, hmm?"

"Okay po, thank you po!" Pagkasabi ko nun ay hinila na ako ni Aeris paakyat ng kwarto niya.

Ng makapasok kami sa kwarto niya ay agad kong tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Why?" Kunot noo niyang tanong.

"Mainit, eh." Totoo naman kasi naiinitan ako sa hindi malamang dahilan.

"Oh, wait." Nilakasan niya naman ang aircon dito sa kwarto niya kaya umupo ako sa couch.

"H-Hindi pa ba tayo magsisimula? Para agad matapos." Bakit nautal ako?

Hindi naman siya sumagot at my kinuhang libro tsaka tumabi sa akin.

"Here." Tinignan ko ito at binasa ito. Masaglit lang naman ito bakit hindi niya alam?

"May papel ka ba?" I asked

"Yes, here." Kinuha ko naman yun at sinulat ang problem.

Habang nagsusulat ako bigla siyang lumapit kaya naamoy ko nanaman ang vanilla scent niya.

"A-Ah, l-layo ka konti." Sabi ko dahil dumidikit na yung boobs niya sa braso ko.

Lord help me!

"Paano mo ako matuturuan kung lalayo ako?" She said at mas nilapit pa ang katawan niya

Oh God! Mas nag iinit ang katawan ko!

Tukso layuan mo ako!

"K. Fine!" She said at lumayo pero ang sama na ng tingin sa akin.

Nakahinga naman ako ng maayos ng medyo lumayo siya pero amoy na amoy ko parin ang vanilla scent niya.

Ng masulat ko na ang problem ay umayos ako ng upo. Umupo ako sa lapag dahil mas comfortable ako kapag nasa lapag total maliit lang din ang table niya.

"Look at this, diba–" Natigilan ako ng lumapit siya sa likod ko at sumilip sa papel na hawak ko.

Damn! Yung boobs niya dumidikit sa likod ko!

"Gets ko na diyan banda. Diba yung number 3 ilalagay mo dito then i-multiply mo sa 5 tapos kapag nakuha mo na ang answer diyan yung na ang ilalagay mo dito, right?" Mahabang paliwanag niya habang tinuturo ang mga number sa paper.

Napapikit nalang ako at kinagat ang ibabang labi. Naramdaman ko naman na yung isa niyang kamay ay humawak sa shoulder ko at pinagapang niya pababa.

Oh Gosh! Mukhang maling desisyon na pumunta pa ako dito.

"Rykee? Tama ba ang sinabi ko?" I heard her ask in my ear. Gagi yung hininga tumatama sa tenga ko kaya parang kinilabutan ako.

"A-Ah yeah. But I n-need w-water." Utal utal kong sabi

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now