CHAPTER 22

273 18 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

AERIS'S POV

It's been three days since that day happened between me and demonyo. Sa loob din ng araw na 'yon hindi ko pa siya nakikita, she's not attending our class with her friend. Last ko siyang nakita noong umaga ng klase pero pagkatapos nun hindi ko na siya nakita.

"Hey, what are you thinking?" Napatingin ako kay Zer sa tabi ko na may nag aalalang tingin sa akin.

"Nothing," I answered

I don't know why it bothered me that much. Dapat nga maging masaya ako dahil wala siya dito at wala ng manggugulo sa amin ni Zer. Bago kami maghiwalay ng gabing iyon nagpromise pa kami sa isa't isa na hindi na kami mag kikibuan dito sa University.

Tinupad naman niya ang pangako niya na hahayaan niya kami ni Zer. Ang sabi rin ni Zer na pinutol na ni Rykee ang connection niya dito dahil hindi na niya raw matawagan or matext man lang simula rin ng mangyari ang sagutan nila.

I looked at the empty seat behind me and just sighed.

"Oh! Pumasok na pala sila." Narinig kong sabi ni Brie sa tabi ko. Mabilis naman akong napatingin sa pintuan at ganon nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita itong papasok sa room.

She's gorgeous as ever wearing her maong skirt and white tee shirt na naka tuck-in sa palda at white sneakers.

Nakatingin lang ako sa kanya ng makapasok sila. Napansin ko na hindi siya lumilingon sa gawi ko na madalas niyang ginagawa noon. I don't know but I am currently praying for her to look in my direction, but she never did!

Napakunot ang noo ko ng lumapit siya kay Bianca at ngumiti. May sinasabi siya dito dahil nakikita ko kung paano tumango si Bianca.

Mas napakunot ang noo ko ng makita na tumayo sila Bianca sa harap at pumunta dito sa likod namin.

Umupo naman ang demonyo doon sa harap kasama sila Pryn. Hindi man lang siya tumingin sa direksyon ko?!

"Easy Seren, wala naman ginagawa si Ry sayo pero pinapatay mo na ng tingin." I heard Brie whispered at me.

Napapikit nalang ako para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam na masama na pala ang tingin ko sa demonyong babaeng iyon.

Ilang minuto pa ang lumipas ng dumating ang Prof namin. Nagsimula na rin siyang magdiscuss at maya maya pa ay tinawag niya ang demonyo at pina-explain sa kanya kung ano ang naiintindihan niya sa topic.

Confident naman tumayo ang demonyo at nagsimulang magsalita. Ang galing niya talaga sa ganito dahil full information ang binibigay niya. Minsan nag iinput pa siya ng sarili niyang knowledge about sa topic.

Minsan din iniisip ko kung anong klasing utak ang meron siya, eh.

Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya. Tumitingin naman siya sa mga classmate ko pero bakit iniiwasan niya na tignan ako?

The way she gestures her hand while speaking, the way she opens and moves her mouth when her eyebrow is raised up and down as she talks, and every time she smiles.

Napapansin ko bawat detalye sa kanya and I find it appealing.

Napailing iling nalang ako at napayuko ng umupo siya sa upuan ng hindi man lang tumitingin sa akin.

"Are you okay?" Zer asked

"Y-Yeah."

"I'm here. Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin." Tinignan ko lang ito at hindi na sumagot. Nandito na si Zer sa tabi ko kaya dapat hindi ko na isipin ang demonyong iyon.

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now