CHAPTER 25

251 19 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

RYKEE'S POV

Ng makarating kami sa gym ay nagsisimula na ang laro at sobrang ingay. Nagulat ako ng makita na nasa likod din pala namin sila Aeris.

Umupo naman sila Aeris sa harap dahil may nakareserve sa kanila. Ikaw ba naman SSC Officers at Professor.

Pero dahil owner ako ng school ay dumiretso ako sa tabi ni Aeris at umupo rin. Sumunod din naman yung mga kampon ko na umupo. Bali nasa right ko sa Aeris at sa left naman si Pryn.

Kunot noo kong tinignan ang mga players ng Crimson University dahil sa pagkakasabi ni Kiara ay maduga silang maglaro.

Tumatawa lang sila at mukhang nang aasar pa. What if patayin ko sila? Makakatawa pa kaya sila?

Tumingin naman ako sa player ng ASU at sila Kyla, Frances, Yuna, Alliyah, at Shama ang nasa loob ng court. Yung iba naman ay seryoso lang naka upo sa bleach at nanunuod. Nagtama ang tingin namin ni Kiara tsaka siya ngumiti pero tinaasan ko lang ng kilay.

"Womanizer." Taka kong tinignan ang katabi ko ng marinig siyang bumulong. Sino sinasabihan nito? Tinignan ko si Zer at kausap niya si Prof Anthea. Ah, baka yung girlfriend niya.

Nagkibit balikat nalang ako at tumingin ulit sa mga naglalaro. Tinignan ko ang score, lamang ang Crimson ng 6 points dahil 26-20 ang score. First quarter palang din kaya siguradong makakabawi pa sila Kiara diyan.

Nakita ko kung paano iharang ng isang player sa Crimson ang paa niya dahilan para matalisod si Kyla. Agad naman siyang tumayo at akmang susugurin niya ang tumalisod sa kanya ng hawakan siya nila Yuna at Frances para awatin

Akmang tatayo itong katabi ko ng pigilan ko.

"Just sit here and watch them. Kiara can handle them." Sabi ko at seryosong tinignan si Kiara

"What? Sa tingin mo ba hahayaan ko ang ganyan? President ako dito sa ASU kaya hindi ko hahayaan na may mangyaring gulo nanaman. Isa pa walang couch ang player ng ASU." She said

Tsk! I know they can still win this game without having a coach. Pabigat lang din ang coach. Kahit nga si Prof Anthea na humahawak sa kanila parang walang pake dahil na kay Zeriah lang atensyon niya.

"Let me go." Madiin na sabi niya ng hindi ko parin siya binibitawan.

"Do you have knowledge about basketball?" Tanong ko at tumingin sa kanya. Her vanilla scents invaded my nostril dahil hindi ko alam na sobrang lapit pala namin.

"Wala, pero pake mo ba?" Pagtataray niya

"Hoy Ry! Baka gusto mong umusog dito? Masyado kang malapit kay Seren, eh." Sabat ni Pryn

Alam kong narinig yun ni Aeris. Malamicrophone ba naman ang bunganga ni Pryn.

Umiwas na ako ng tingin dahil para akong matutunaw sa mga tingin ni Aeris.

"Do you want to die now, Pryn?" Malamig na tanong ko sa kanya

"I-Ito naman hindi mabiro. Gusto mo lapit kapa sa kanya, eh. Kaya upo kana sa lap ni Seren kung gusto mo." Sabi niya na ikinatawa nila Kao

Ginulo ko naman ang buhok niya kaya sumimangot siya. Ayaw niya kasing ginugulo ang buhok niya dahil tinatamad daw siyang magsuklay.

"Nakakainis ka!" Maktol niya at nagpout pa

Napatawa naman dahil mukha siyang bulldog. Pero agad din akong napatigil ng maramdaman kong may kumurot sa tagiliran ko.

"I said stop laughing when we are in public." She said irritatedly

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now