CHAPTER 26

246 18 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

RYKEE'S POV

"Girls are too slow." Reklamo ni Graye

"Really? You want to die now?" I asked coldly

"Kidding. Gusto niyo kahit mamayang gabi nalang tayo pumunta sa ASU, eh."

Ng matapos lahat ay lumabas na kami ng bahay. Dahil madami na kami ay yung Batmobile Limousine na ang gagamitin naming sasakyan.

Si Galen na ang nagdrive para naman daw hindi mapagod si Kao. Ng makarating kami sa ASU ay puno nanaman ang parking lot.

"You have your own parking lot area, right? Why don't we use it?" Galen asked

"As if I have a choice."

Tumawa naman sila at nagdrive na sa personal parking lot. Bumaba naman na kami ng sasakyan ng maipark ni Galen.

As usual, they are looking at us. Sino ba naman kasing hindi titingin sa amin kung para kaming isang barangay.

"Today is the final game, right?" Graye asked

"Yes." Tipid na sagot ko

Ng makarating kami sa gym ay puno na ng mga tao at malalakas na sigawan ang maririnig mo.

"Woaaaahhhh! Go Valley University!"

"VU! VU! VU!"

"Go, Shaina!"

"Number 13 bakit surname lang nasa jersey mo?! Dapat pangalan din!"

Iilan lang yan sa mga sigawan na narinig ko. Akala ko nga makakalaban ng ASU ang Lagoon University dahil sa pagkasabi ni Kiara ay malalakas daw ang mga LU.

"Let's go in front. Nandoon na raw sila Psyche."

Naglakad na kami papasok at umupo sa harap. Para tuloy kami yung players dahil sa dami namin.

"Alvarez for three!" Sabi ng announcer kaya napatingin ako sa loob ng court

Napakunot ang noo ko ng makitang naagaw kay Kiara ang bola at muling tinira ng number 5 which is yung Alvarez at malakas na hiyawan ang narinig ng pumasok iyon.

Napatingin ako sa limang players ng ASU at mukhang pagod na sila. Mga tanga, eh. Alam pala na ngayon ang finals na laban nila tapos uminom pa kagabi.

Hindi ko rin alam bakit ngayon ang naging finals nila. Natulog lang ako tapos pag gising ko nalaman ko na finals na pala.

Napatingin ako sa kabilang upuan at nakita ko na nakaupo doon si Aeris kasama si Zeriah na nakahawak sa waist niya. Akala mo naman mawawala si Aeris, eh.

Muli akong napatingin sa court at nasa VU nanaman ang bola at dinidribble yun nung Alvarez.

Napansin ko naman na wala si, Frances, Sarah at Miya kaya taka kong tinignan ang si Psyche.

"Where's Frances, Sarah and Miya?" Tanong ko ng mapansin na wala sila sa loob ng court.

"Si Sarah hindi nakapunta dahil sinugod sa ospital ang nanay niya kaninang madaling araw. Si Miya naman nasa clinic dahil na injured kanina nung 1st quarter. Si Frances naman ay nahihilo kaya hindi na muna siya pinaglaro." Sagot niya

Kunot noong binalik ko ang tingin sa court at 2nd quarter palang pero halata na bibigay na rin ang katawan ni Kyla. Habang sila Kiara at Yuna ay medyo okay pa. 45-30 ans score at lamang ang VU.

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now