CHAPTER 5

323 19 1
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

RYKEE'S POV

"Let's call it a day, class dismissed."

Nag ayos naman na sila ng mga gamit nila pero ako napaduko sa arm chair dahil masakit ang ulo ko.

"Are you okay?" Pryn asked

Umiling iling naman ako dahil hindi naman talaga ako okay. Parang sasabog na ang ulo ko sa sobrang sakit.

"Wag kana muna kayang pumasok? Magpahinga ka muna sa bahay?" Sabi niya bago kami tumayo para lumabas.

Jusmeyo kasi ni Don Zennon biglang may pinagawa sa akin kagabi alam ng oras na tapos uutusan pa ako.

"Miss Collins, stay." Napatingin kami kay Prof ng magsalita siya.

"Sinong Collins po, Prof? Dalawa po kasi kaming Collins dito." Tanong ni Zeriah

Oh, nandito pa pala sila kala ko lumabas na din.

"Rykee Collins,"

"What do you need?" Mahinang tanong ko bago tumingin kina Pryn.

Tumango ako sa kanila pero nag aalala silang nakatingin sa akin.

Ng makalabas sila sa classroom ay binalik ko ang tingin ko sa Professor na nakatingin lang din sa akin.

Lumapit ako sa kanya, that's why I can smell her strawberry scents. Maganda naman din ito lalo na sa malapitan, eh.

I raised my eyebrows that's why she rolled her eyes on me.

"Bring this to my office." Sabay abot niya ng laptop niya

Luh? Tangina? Ako gagawin niyang utusan? Sino siya para utusan ako?

"Where is your office?" Tanong ko nalang dahil ayaw ko ng makipagtalo baka lalo pang sumakit ulo ko.

"Follow me."

Sumunod naman ako sa kanya at ang iilan ay nakatingin sa amin. Buti nga yung mga ibang stupidyante nasa cafeteria na, eh.

After a few minutes of walking nakarating din kami sa office niya. We are now in front of the door in her office and I saw her full name na hindi ko naman alam dahil simula ng pumasok ako ay hindi ko inalam ang name niya.

"Anthea Meyer?" Basa ko sa pangalan niya. Alam kong narinig niya 'yon pero hindi niya nalang pinansin.

Nauna na siyang pumasok kaya sumunod ako sa kanya. Agad ko naman nilapag yung laptop na dala ko sa table niya at ng makita ko ang couch ay agad akong humiga doon.

Lalong sumakit ang ulo ko ng malaman ang buo niyang pangalan. Anong connection niya sa mga Meyer? Hindi naman siguro siya isa sa mga gustong–bahala na nga matutulog muna ako dahil masakit ulo ko.

I closed my eyes, hindi naman siya nagreklamo. Siguro okay lang sa kanya. Bahala na rin muna siya diyan hindi naman ako magulo, eh.

~~

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng pagsara at bukas ng pinto. Minulat ko ang mata ko at dahan dahan na tumayo pero napatingin ako sa nalaglag na blazer. It's a red blazer at sure ako na kay Prof ito dahil nakita kong ganito ang suot niya.

Pinulot ko 'yon habang nakahawak ang isa kong kamay sa ulo ko. Damn! Patanggal ko nalang kaya ulo ko?

"Did you sleep well, Miss Collins?"

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now