CHAPTER 33

263 18 0
                                    

Sorry for grammatical and typographical errors!!!

—————

AERIS'S POV

We're sitting here at hinihintay na pumasok ang Prof. Absent si Zer dahil nagkaroon siya ng lagnat.

Hindi ko alam anong nangyayari sa kanya dahil nitong mga nakaraang araw para siyang may tinatago sa amin.

Lagi ko rin siyang naririnig na nagsasabi ng sorry sa hindi ko malaman na dahilan. Sinubukan ko siyang kausapin ayaw niya naman sabihin sa akin.

She always said 'Sorry for everything I did.' Pero hindi niya sinasabi ang problema niya.

Isama mo pa yung kapatid niyang hindi mawala wala sa isip ko.

Speaking of the devil...

Naalala ko ang mga nangyari noong minsang araw na kasama niya yung lalaking iyon!

Kung paano niya ayusin ang polo at paano siya halikan sa pisngi ng lalaki!

Iisang kotse pa ang ginamit nila!

Napakalandi!

Ano siya boyfriend?!

Sakit nila sa mata! Tapos pangiti ngiti pa si Rykee sa kanya! Okay lang sana kung sa akin siya ngumiti pero kung–nevermind!

Napatigil ako sa pag iisip ng maamoy ko ang familiar na amoy na 'yon. It's her scent.

"Oh, hi Aeris!" Napatingin ako sa gilid ko at nakaupo na dito si Rykee kung saan ang pwesto ni Zer.

"Aeris?" Takang tawag niya ng hindi ko siya sinagot at tinignan lang. "Oh, sorry pwesto nga pala ito ni Zer." Akmang tatayo na siya ng hawakan ko ang kamay niya kaya taka siyang tumingin sa akin.

"It's okay. You can sit there total wala naman si Zer."

She smiled at umayos ng upo. "May mga assignment ba na pinapagawa?" She asked. Umiling iling naman ako and forced a smile.

"Wala naman, buti pala nakapasok ka na?" I asked

"Ah, 2 days na rin kasi akong absent dahil sa pagtulong kay Kai sa mga kailangan niya." Pasimple naman akong napairap dahil sa narinig. Umabsent talaga siya for him?!

"Oh, I see....you will join us later for lunch, huh?"

"Ah–"

"Hey, sasabay kakain sa atin si Rykee mamaya sa lunch." Sabi ko kina Sab at hindi na pinansin ang sasabihin ni Rykee.

"Eh? Friends na kayo?" Brie asked

"Yes, nag usap na kami at ngayon ay friends na kami."

"That's good news!" Pryn said na nasa likod

"Nakakasawa na kasing magbangayan, eh." Biglang singit ni Rykee kaya tumawa sila Brie.

"So you will join us later?" Paninigurado ni Sab. Nawala naman ang ngiti niya sa labi at kinamot ang batok niya.

"I can't today, eh. Maybe next time?" She said

"Why? May gagawin ka ba?" I asked

"Yep, may pupuntahan kami ni Kai mamayang lunch."

"What?! Saan kayo pupunta?!" Gulat siyang napatingin sa akin ng hindi ko namalayan na sumigaw pala ako.

"I-I mean saan kayo pupunta? Ngayon nalang ako mag aya tumanggi ka pa." Sabi ko sa mababang tono.

She looked at us and sighed. "Bibili kami ng mga ibang gamit ni Kai para sa house." She answered

Annoying Girl! (Singh series #1)Where stories live. Discover now